Chapter 11

707 20 2
                                    

  (Prince Drex and Me..)

Ilang araw na ako dito sa loob ng lumang mansyon ng mga bampira. Ang boring. Walang magawa. Palagi ko lang kakwentuhan si Young Princess Sapphire. Pati na rin ang apat na babaeng palaging nakabuntot sa batang bampira. Ngayon alam ko na na hindi naman pala sila mga bampira din. Kundi mga blood container ng magkakapatid. At si Young Princess Sapphiore may nagugustuhan na daw itong blood container. Kaya lang wala pa ito sa tamang edad para dalhin sa lumang mansyon ang mortal na yon.

"Young Princess, nasan ang kuya Blood mo?"

May ilang araw ko na rin itong hindi nakikita eh.

"Nasa libingan ni Lord Dracula. Nagbabantay. Bakit ate miss mo na sya? Oyy."

Blush!

Ang batang ito. Kebata-bata alam na ang mga ganoong bagay.

"Bakit nagbabantay ang kuyta mo sa libingan ng LOrd Dracula nyo?" change topic lang.

"Kasi sa susunod na buwan na ang full moon. Birthday ko na. Kaya kelangan sila doon."

"Mag-iilang taon ka na ba?"

"Eighteen."

Ngek!!

Ang katawan nya pang ten o twelve lang pero ang edad eighten na pala. Sabagay bampira e.

"Ahh Young Princess magpapahinga muna ako sa kwarto ko ha."

"Okey ate. Jacqueline laro tayo.''

Hindi ko na lang pinansin ang lima habang naghahabulan sa malawak na hardin ng lumang mansyon ng bampira.

Umakyat lang ako sa ikalawang palapag para hanapin si Bloody Ace. Ang tinahak kong daan ang papunta yata sa ewan. Hindi ko naman kabisado kasi ang loob ng mansyon. At hindi ko pa ito naiikot. Hanggang kwarto ko at gardin at dinning area pa lang ang napuntahan ko.

Lakad..

Lakad..

Lakad..

Tingin-tingin ako sa bawat kwartong madaanan ko.

Tingin sa kaliwa.

Tingin sa kanan.

Nagbabakasakali lang ako na naroon sa isa sa mga kwarto ang libingan ni Lord Dracula. 

Malay natin diba? Napakaimposible naman kasi nasa libingan ng mga tao nakahimlay ang puntod ni Lord Dracula.

Ano? Belong sya?

Lakad ulit ako.

Tingin-tingin pag may time.

"Me gahd! Ang dami naman kwarto dito."

Sa kahahanap ko kay Blood, napadpad ako sa isang malaking kwarto na may malaking sala. Na lahat ng kulay ng kagamitan ay pula at itim. Walang pinagkaibahan sa sala sa baba. Pareho na pareho. Kaya nga lang may malaking statya sa nasabing kwarto.

Akala ko ba hindi sila naniniwala sa dyos ng mga tao? E, heavenly statue yang statya na yan eh.

Pinagloloko ba ako ng mga bampira?

"Oyy, ano yon?"

May nakita akong kwentas na nakasabit sa leeg ng statya. Maganda yon at kumikininang. Parang  nakakatuksong hawakan.

Oh ako na ang pakialamera. Pero maganda talaga e. Kaya kinuha ko na.

Whoossh!!

I Love You, Mr. Vampire (Diabolic Lovers Version) (complete..)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon