(Two weeks later)..
Here I go again, nakatunganga sa loob ng bahay namin. Wala e, iniisip ko na naman si Bloody Ace pati na rin ang lalaking Brando ang pangalan na kamukhang kamukha nya. Simula ng makita ko sya sa batis, palagi na akong nagpapasama kay pinsan ko o di kaya kay Zathan para pumunta sa lugar na yon. Nagbabakasakali na makita ko at makausap ko ulit ang lalaking yon. Hindi pa rin nawawala ang pakiramdam ko na si Bloody Ace at si Brando ay iisa. Malakas talaga ang kutob ko. Ngunit sa ilang beses na pagpunta ko doon, kahit anino nito ay hindi ko nakita. Kaya palagi ng umuuwi ako sa bahay ng nanlulumo. Pero hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa.
"Insan, may bisita ka. Dali babain mo na."
Napatingin ako sa bagong salta sa kwarto ko. Parang deja vu lang ah. Nangyari na din kasi dati ang pang-iistorbo nito sa akin tuwing nag-sesenti ako sa loob ng kwarto ko.
"Sino na naman ang bibisita sa akin ngayon? Ke aga-aga e."
"Sus, tingnan mo na lang para makita mo. Dali na."
Kulang na lang ipagtulakan nya ako papunta sa gardin ng bahay namin para lang mapagsino ko ang bisita sa akin. Pero laking gulat ko ng makita ko ang lalaking nakaupo sa beanch namin. Nakangiti sya sa akin habang may hawak na rosas.
"Blood."
"Ang gwapo nya no."
Noon ko lang napansin na nasa tabi ko pa pala si Amanda.
"Aalis na ako. Ayokong maging epal sa moment nyo."
Naiwan nga kaming dalawa ni Blood. Ilang minuto din ang lumipas bagong natulos lang sa kinatatayuan ko.
"Kumusta?"
Nang marinig ko syang nagsalita, hindi ko na napigilan ang tumakbo payakap sa kanya.
"Blood, ikaw nga."
"Yes, Heizel. Im back."
"I missed you."
"Alam ko. I missed you too."
"Anong nangyari? Paano mo ako nahanap? Suot ko pa rin ang kwentas ng mommy mo kaya hindi mo ako dapat makita."
"Ahmm pwede umupo muna tayo. Ang bigat mo e."
Napalabi ako sa kanya.
"Sorry. Nacarried away kasi ako."
Lakas nitong tumawa.
"Hindi ko pa rin nagbabago. You never fail to amaze me."
Napalabi ulit ako sa kanya. Saka hinila ito paupo sa bench.
"Tell me Blood, anong nangyari sayo? Ang tagal mong nawala. Alam mo ba may kamukha dito sa mundo ng mortal. Nakilala ko sya dalawang linggo na ang nakaraan. Magkamukhang magkamukha kayo. Akala ko--"
"Ako yon."
"Huh?"
"Heizel." inabot ni Blood ang kamay ko.
"Ako si Brando na nakita mo sa batis."
"Paano nangyari yon? E, hindi mo nga ako nakilala noong lapitan kita."
BINABASA MO ANG
I Love You, Mr. Vampire (Diabolic Lovers Version) (complete..)
VampireIm Heizel Monares. An twenty three years old in college. At my age, theres something in this world that I dont like. Its all a creepy creatures. I hate ghost, it scared me to death. I even hated vampires that sucks blood, it makes me faint. Too ba...