(Two months later)..
(Heizel meet Brando)..
"Sino yon?"
Natahimik kami bigla ni Zathan sa pag-iingay ng marinig namin ang tanong na yon ni Amanda. Kasalukuyan kaming nasa batis at nag-eenjoy sa malamig na tubig kasama ang pinsan ko. Simula ng dinala kami ng pinsan ko sa batis noong kaarawan nito, naging sunod-sunod na ang pagligo namin doon. Pero kapwa kami napalingon sa may di kalayuan ng makakita kami lalake na nagmamasid sa aming tatlo.
Tumayo ang mga balahibo ko ng mapagsino ko ang lalake.
"Hes been there for almost two minutes. Kanina pa nya tayo pinagmamasdan." sabi ulit ni Amanda.
Mabilis kong umahon sa tubig at nagtatakbo sa kinaroroonan ng lalake. Pamilyar sa akin ang mukha ng lalakeng yon. Kahit na matagal ko ng hindi yon nakikita, nakasisiguro pa rin akong sya yon.
"Blood. Blood." hindi ko mapigilan ang mapasigaw habang tinatakbo ko palapit ang lalake.
Nagsisunod sa akin ang bestfriend ko at ang pinsan ko.
"Blood, ikaw nga." sa labis na tuwa ko ng makita ko ang bampira, napayakap ako sa kanya ng mahigpit. Ngunit laking gulat ko ng hindi sya gumanti ng yakap sa akin.
"Excuse me, tinawag mo akong Blood?"
"O-oo. Blood ano ka ba? Nagkita rin tayo sa wakas." muli ko syang niyakap pero kumalas lang ito.
"Hindi kita kilala."
"What?"
"Hindi Blood ang pangalan ko.''
"Brando."
Napatingin kaming dalawa sa isang matanda na tumawag dito ng Brando. May pasan pasan itong mga kahoy sa balikat.
"Si tatay. Tinatawag na nya ako."
Nagmamadali itong umalis sa tabi ko. Noon naman nakalapit sakin si Amanda at Zathan. Parang gustong sumabog ng ulo ko habang nakikita kong palayo sa akin si Blood. Bakit hindi nya ako matandaan? Bakit hindi Blood ang panganlan nito kundi Brando? At paanong nangyari na may tatay syang mortal gayon bampira ito at si Lord Dracula ang ama nia. Ang gulo.
"May napansin ka ba sa kanya?"
Napalingon ako kay Zathan.
"Iba ang kulay ng buhok nya. Ang kulay ng balat nya. Pati ang kulay ng mga mata nya. Napansin mo ba yon?"
Rumehistro ulit sa isip ko ang mukha ni Blood kanina. Oo nga ano. Hindi kulay pinaghalong puti at purple ang buhok kanina ni Blood. Ang dating maputla nitong balat, ngayon ay mamula-mula na. At ang mix green and blue na kulay ng mga mata nito ay naging kulay itim na lang. Ang laki ng ipinagbago nito. Pero kahit na ganoon, malakas pa rin ang instict ko na sya na nga ang bampirang minahal ko.
(Brando's POV)..
Ang sakit ng ulo ko. Palagi ko iyong nararamdaman sa tuwing nakikita ko ang babae na tumawag sa akin ng Blood kanina. Nagsimula ang lahat ng iyon noong nakita ko syang na naliligo sa batis kasama ng isang lalake at babae. Noong una dala lang ng kuryosidad ang nagtulak sa akin para tiningnan sila. Pero habang tumatagal ang pagmamasid ko sa kanila partikular na doon sa babaeng tumawag sa akin ng Blood, sumasakit na ang ulo ko.
BINABASA MO ANG
I Love You, Mr. Vampire (Diabolic Lovers Version) (complete..)
VampirosIm Heizel Monares. An twenty three years old in college. At my age, theres something in this world that I dont like. Its all a creepy creatures. I hate ghost, it scared me to death. I even hated vampires that sucks blood, it makes me faint. Too ba...