(Welcome home, Heizel)..
Nagising ako ng sumunod na araw na nasa loob na ng kwarto ko. Hinid ko alam kong paano ako nakauwi ng bahay ng buhay at ligtas. Pero natatandaan ko pa ang mga nangyari sa akin sa lumang mansyon kasama si Bloody Ace at ang pamilya nito. Kaya paanong nakarating ako sa bahay ng hindi ko namamalayan. Pumasok sa isip ko ang pagbulong ni Lord Dracula sa tenga ko kagabi. Pagkatapos noon ay nakatulog ako. Hindi kaya spell ang mga binulong sa akin ng panginoon ng mga bampira kaya ako nakatulog? At hindi kaya sila ang nag-uwi sa akin pabalik sa bahay ko? Pero bakit naman nila gagawin yon? Gayong bawal nga na ang isang mortal ay makalabas ng buhay sa poder ng mga bampira. Kaya paano?
Wala sa sariling nakapa ko ang leeg ko. Kaya pala pakiramdam ko ay may bago doon. Yon pala ay may suot na akong kwestas. Kwentas? Kwentas ng mommy ni Bloody Ace. Sino ang nagsuot noon sa akin? Bakit hindi ko namalayan na isinusuot na pala yon sa leeg ko? Teka nga, hindi kaya si Bloody Ace ang may gawa noon sakin? Hindi kaya. Pero imposible din. Nakita ko kung ano ang nangyari sa kanya. Alam ko kung paano sya napatay ni Young Princess Sapphire. At ang huli ko pang natatandaan ay wala na itong buhay ng muli akong magising sa lumang mansyon ng mga bampira. Ano ba talaga ang nangyari?
Hindi rin naman maaaring panaginip lang ang lahat. Nakapa ko din sa leeg ko ang dalawang butas na naging sugat na lang. Yon ang mga kagat sa akin ni Third. Kaya ibig sabihin totoo ang mga nangyari. Nangyari yon sa totoong buhay at hindi sa panaginip.
Parang wala ako sa sarili ko ng bumangon sa kama. Saka naman bumukas ang pinto at pumasok si Amanda. Ang pinsang bou ko na paborito ni mommy. May dala itong tasa ng mainit ng kape. At nakangiti pa ng lumapit sa akin.
"Kumusta na ang pakiramdam mo, insan?"
"A-amanda?"
"Bakit? May masakit ba sayo? Teka tatawagin ko lang si tita."
Pinigilan ko sya sa tangka nitong paglabas ng kwarto ko.
"P-paano akong nakarating dito sa bahay? S-sino ang nagdala sakin dito? Anong nangyari, Amanda?"
Nagsalubong ang mga kilay ng pinsan ko. Nagtataka marahil ito sa mga tanong ko.
"Hindi mo natatandaan? As in wala kang natatandaan? Sure ka, insan?"
"Bakit?"
"Kagabi dumating ka ng natutulog. Karga-karga ka ni Zathan. Sabi nya napagod ka daw sa byahe nyo. Kaya hindi ka na muna namin ginising para interview'hin kung saan ka ba nagsususuot na bata ka. Mahigit dalawang buwan ka kasing nawala dito sa atin. Saan ba talaga kayo nagpunta ni Zathan?"
"Where is Zathan now?"
"Sa bahay nila. Sinundo din sya dito ni Tita Azon matapos naming tumawag sa kanila at sabihing nakauwi na nga kayo."
Natuwa ako ng malaman na buhay ding nakauwi ang bestfriend ko. At ngayon nga ay kasama na ito ng mommy nya. Yes na yes kung ganoon. Dahil walang nangyari sa amin pareho sa kamay ng mga bampira. Sa subrang tuwa ko napatayo ako at napayakap sa pinsan ko.
"Are you okey, insan? Sure kang walang masakit sayo?"
"Oo. Okey na okey na ako. Masayang masaya din."
Masaya para sa amin ni Zathan. But on the other hand, nag-aalala na rin dahil hindi ko alam kung ano na ngayon ang nangyari kay Bloody Ace at sa pamilya nito.
"Kumusta na kaya silang lahat ngayon? At si Blood totoo bang patay na ito? Imposible. Sabi nya noon sa akin wala silang kamatay. Kay malakas ang pakiramdam ko na buhay pa nga ito. Buhay pa ang mahal ko."
BINABASA MO ANG
I Love You, Mr. Vampire (Diabolic Lovers Version) (complete..)
VampireIm Heizel Monares. An twenty three years old in college. At my age, theres something in this world that I dont like. Its all a creepy creatures. I hate ghost, it scared me to death. I even hated vampires that sucks blood, it makes me faint. Too ba...