(Reality about blood container..)
"Anong iniisip mo?"
Si Bloody Ace naman. Sumusulpot lang. Pabigla-bigla.
"Si mommy. Kumusta na kaya sya?"
"Okey lang sya."
"Pano mo naman nalaman?"
"Syempre. Mommy mo sya. Araw-araw ko syang dinadalaw sa inyo."
"Talaga? Sino ang kasama nya sa bahay?"
"Yong pinsan mo. Amanda yata ang pangalan nya."
"Ahh oo. Paborito yon ni mommy. Sa lahat kasi ng mga pinsan ko, sya ang pinakamasayahin."
"Mukha nga. Naabutan ko noong isang araw na nakabasag ng pinggan nyo sa kusina."
Natawa ako sa sumbong sakin ni Blood. Palaging nangyayari yon kay Amanda. Hindi na ako nagtataka.
"Ahhm Blood."
"Hmm."
"Bakit ang laki ng galit sayo ni Prince Drex?"
"Tss. Kasi insecure sya sa kagwapuhan ko?"
HAHA!!
Sya lang natawa sa joke nya.
"Ang totoo. Galit sakin si Prince Drex kasi ako ang paboritong anak ni Lord Dracula. Malaki ang galit nya sa kin kasi mas pinapaboran ni Lord Dracula ang lahat ng gusto ko kesa sa kanya. At dahil na din sa ayaw nya sa mga mortal. E, nagkataong anak ako ng mortal. Kaya may dugo akong mortal."
"Ah ganon ba? Pero mortal naman ang blood container nya."
"Isa pa yon. Wala kaming choice kundi ang kumuha ng mortal bilang blood container. Hindi kasi pwede na katulad naming bampira ang maging blood container namin. Labag yon sa batas namin. At ikamamatay namin yon."
HUH?
O_O
"May kamatayan kayong mga bampira?"
"Oo naman. Pag ang puso namin tinarakan ng matulis na bagay, ikamamatay namin yon. At pag-ang isang bampira sinipsip ang dugo nya ng isa ding bampira, ikamamatay nya din yon. Pero pagwala sa isa sa mga yon ang nangyari samin, hindi kami mamamatay. Kaya imortal parin kami. Gets mo?
"Hindi. Ang gulo eh."
Hahaha again.
"Natural na magulo sayo. Hindi ka naman kasi bampira. Pero wag mo ng isipin yon. Saka huwag ka na ring magtatanong. Nakakapagod magpaliwanag eh."
"Teka may tanong pa ako."
"Ano na naman?"
"Anong nangyayari sa mga blood container ng mga kapatid mo?"
"What do you mean?"
"Napapansin ko kasi, habang tumatagal. Unti-unti silang nanghihina."
"Hindi sila unti-unting nanghihina. Unti unti silang namamatay."
"OH?!"
"May lason ang kagat ng mga bampira. At ang lason na yon, kapag nakapasok sa katawan ng mortal, sinisira nito ang tamang katinuan ng pag-iisip ng tao. Tinutunaw din ng lason ang mga organs ng mortal. Mayroon lang anim na buwan ang buhay ng mga blood container. Pagnamatay na ang blood container naming mga bampira, naghahanap kami ng panibagong tao."
"Kawawa naman pala sila. E, ikaw ilang taon ka ng walang blood container?"
"More than hundred years na."
"Nakaya mo yon?"
"Kinakaya lang. Bata pa lang kasi ako sinanay na ako ni mommy na huwag uminom ng dugo ng mortal. Mahirap noong una, pero nakaya ko naman. Buti na lang mas umiiral ang pagiging tao ko kesa sa pagiging bampira."
"E, anong iniimon mo pag nauuhaw ka?"
"Dugo ng hayop."
"Ahhh." kakaiba talaga ang boyfriend ko.
"Sa susunod na buwan, ang huling buwan ng mga blood container. Yon na rin ang huling beses na masisipsip ng mga kapatid ko ang mga dugo nila. Yon na rin ang huling hininga nila."
"Yon din ba ang dapat nangyari kay Aiza kung natuloy ang pagiging blood container nya?"
"Siguro."
"Yon din ba ang mangyayari sakin?"
"Hindi."
"Hindi?"
"HIndi. Kasi hindi ako papayag na maging blood container ka. Gusto kong manatili ka lang normal gaya ngayon. Remember nong tinanong kita kung gusto mong maging tulad ko. You said no that youd prefer to be normal. Na gusto mo ring mamatay. Yon din ang araw na nagdesisyon akong huwag kang gawing blood container."
Blood hug me. "Mananatili kang normal. At mabubuhay ka ng higit pa sa anim na buwan. Ayokong matulad ka sa iba.Yong parang mga robot na lang na sunod-sunuran sa mga bampira. Hindi ako magiging masaya pagnangyari yon sayo."
Wow!!
Touch naman ako sa concern ni Blood.
"Pero hanggang kelan ba ako dtio? Habam buhay ba akong nasa loob lang ng luman mansyon nyo?"
"Of course not. Hindi ako papayag. Ilalabas kita dito. Promise makakatakas ka dito."
"Pero sabi hindi na ako makakalabas ng buhay."
"Gagawa ako ng paraan. Trust me. Okey?"
"I tust you."
"I love you."
"I love you too, Mr Vampire."
Naniniwala ako na makakabalik pa ako sa bahay namin. Malaki ang tiwala ko kay Bloody Ace.
BINABASA MO ANG
I Love You, Mr. Vampire (Diabolic Lovers Version) (complete..)
VampiroIm Heizel Monares. An twenty three years old in college. At my age, theres something in this world that I dont like. Its all a creepy creatures. I hate ghost, it scared me to death. I even hated vampires that sucks blood, it makes me faint. Too ba...