Hindi ko alam kung saan kami napadpad ni Bloody Ace noong naglaho kami sa veranda ng lumang mansyon. Pero isa lang ang nasisiguro ko, nasa labas na kami ng lumang mansyon ng mga bampira. Puro mga punong kahoy na ang nakikita ko. Madilim ang paligid at tanging sinag ng buwan lang ang nagbibigay liwanag samin. Sapat lang para makita ko ang nag-aalalang mukha ni Blood.
"Blood."
"Why did you this, Heizel? Bakit hindi ka umalis ng mansyon namin? Mahigpit kong ibinilin ang bagay na yon kay Ichan. Pero bakit hindi nya nagawa?"
"Dahil hindi ko gustong umalis ng hindi ka kasama. Kayo ni Zathan. Ayokong umuwi ng hindi man lang tayo nag-uusap."
"Wala ng oras para mag-usap pa tayo."
Galit ba ito sakin? Malakas kasi ang timbre ng boses nito habang nagsasalita.
"What now?"
"I dont know. Kilangan kitang maitakas dito. Sigurado akong hinahabol na tayo ng mga kapatid ko. Makinig ka sakin, Heizel. Ilalayo kita sa bakuran ng mga bampira. At pagkatapos suutin mo ang kwentas. That way hindi ka na nila maaamoy pa at makikita. Run, Heizel. Run for your life. This is our last chance para makaalis ka na sa poder namin."
"Pano ka? Pano tayo? Magkikita pa ba tayo?"
Malungkot na hinaplos ni Blood ang pisngi ko saka umiling.
"Huwag matigas ang ulo, Heizel. Ito na ang huling beses na magkakausap tayo. Whatever happen wag na wag mong aalisin sa leeg mo ang kwentas ni mommy."
"I love you Blood. Please huwag naman ganito. Sumama ka na lang sakin palayo sa mga bampira. Lets leave--"
"Shh siilent."
Pareho kaming natigilan ng makarinig kami ng mga kaluskos sa paligid.
"Theyre here."
Bumaling ulit sakin si Blood.
"Suutin mo na ang kwentas, Heizel. And leave this place."
"Blood."
"I love you so much. Always remember that. Hindi kita makakalimutan kahit kelan. Bilis na. Takbo Heizel."
Kulang na lang ipagtulakan ako ni Blood para lang makalayo sa lugar na yon. Masakit man para sa akin na iwan ito. Wala naman akong magagawa. Kelangan kong makaalis sa poder ng mga bampira. Masakit man para sa akin na mabuhay ng wala na sa tabi ko si Blood. Wala na rin akong magagawa. Kelangan ko pang mabuhay. Andyan pa si mommy na naghihintay para sa muli kong pagbabalik. At umaasa din akong makakauwi din si Zathan kay Tita Azon ng buhay.
Napalingon ako sa likuran ko kung saan ko naiwan si Bloody Ace. Hindi ko na ito makita. Marahil ay ganoon na nga kalayo ang natakbo ko kaya hindi ko na ito matanaw pa. Tumigil ako sandali sa ginagawa kong pagtakbo. Tiningnan ko ang kwentas. Siguro naman okey na ang lugar na ito para hindi na ako masundan pa ng mga bampira. Napaiyak ako sa kaalamang hindi ko na ulit makakapiling pa si Blood. Ang pinakamamaal kong si Bloody Ace.
Isusuot ko na lang ang sagradong kwentas ng mommy ni Blood nang biglang humablot sa pupulsuhan ko.
"Not so fast, bitch."
"Prince Drex."
Itinaas nya sa ere ang kamay ko.
"You think makakalayo ka sa amin. That will never happen you know."
BINABASA MO ANG
I Love You, Mr. Vampire (Diabolic Lovers Version) (complete..)
VampirIm Heizel Monares. An twenty three years old in college. At my age, theres something in this world that I dont like. Its all a creepy creatures. I hate ghost, it scared me to death. I even hated vampires that sucks blood, it makes me faint. Too ba...