Chapter 9

726 21 0
                                    


(In His World..)

"Hmm Hmmmm Hhmmm"

Huh?

Ano yon? 

Bata? Bakit may bata dito sa gardin namin?

"Hmm Hhhmm mmm"

Sabado ng alas tres ng hapon. Buong araw lang ako nasa loob ng bahay. Dahil kahapon lang natapos ang final exam namin. Ang balak ko sana magpahinga muna ngayong araw. Pero nakita ko naman sa bintana ng kwarto ko ang bata.

Kaya lumabas na ako para tingnan kung sino sya.

"Bata, sino ka? Anong ginagawa mo dito?"

Abala ang bata sa pagpipitas ng mga roses ni mommy sa garden. Naghahum pa ito.

Ang wierd din lang. Tirik na tirik ang araw, nakadress sya. Nakadoll shoes at may malaking sumbrero sa ulo. Iisa lang din ang kulay. Lahat itim

"Hey kid."

"You must be ate Heizel?"

Ate Heizel? Ano daw? Kilala ko ba sya? 

"Who are you? And how did you find me?"

Mula sa pagkakatalikod, humarap sakin ang bata.

NGEEE!!!

Maputlang bata. May pangil. Pula at asul ang mga mata. May hawak na malaking teddy bear ang isang kamay. Nakakatakot.

"Im Young Princess Sapphire. Kuya ko si Bloody Ace. Nice to meet you ate."

Kuya? Bloody Ace? Ahh. Kaya pala magkamukha sila. Kaya ganon kasi bampira din ito. Kaya din pala wierd. Pero kung normal lang itong tao, siguro nasa edad ten o twelve palang sya. Cute sana parang manika. Kaso bampira eh

"Sumisipsip ka ng dugo?" out of the blue na itanong ko pa.

"Hindi pa."

"Pero sumisipsip ka?"

"Sisipsip palang."

"Ang dugo ko ba sisipsipin mo din?"

"Hindi. Hindi naman kita blood container eh."

'Blood Container.' Maraming beses ko ng naririnig yon kay Blood. Pero hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan ang ibig sabihin non.

"Ate akin na lang ito ha. Ilalagay ko sa kabaong ni Lord Dracula."

Kabaong? Lord Dracula? Ano daw?

Nagtayuan yata ang lahat ng mga balahibo sa katawan ko. Huwag naman sabihing pati si Dracula ay totoo din. Ang alam ko kasi kwento kwento lang ang tungkol dito.

"Wait, where are you going, young vampire?"

Nagsimulang humakbang palabas ng gardin namin ang bampira. 

"Uuwi na. Baka hinahanap na ako ni kuya."

"Bakit? Nasan ba ang kuya mo?"

"Sa bahay. Kumakain."

Sus, lagi na lang kumakain ang isang yon.

"Pwedeng sumama?"

I Love You, Mr. Vampire (Diabolic Lovers Version) (complete..)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon