Chapter 18

478 15 1
                                    

<Prince Dres POV..>

Nasisilip ko mula sa bintana ng kwarto si Bloody Ace at ang kanyang blood container. They're so sweet to look at. Kulang na lang putaktihin sila ng pulang langgam sa kasweetan. Psh. I really hate that human. Kahit kelan ayoko sa mga mortal. Lalong ayoko sa kapatid ko na sumunod sakin. Si Bloody. May lahi din syang tao.

Simula ng ipinanganak ito nawala na sa puso ni Lord Dracula si mommy. Palagi na lang ang bukambibig nito ay ang ina ni Bloody Ace. Hindi na rin ako naging paborito nito. Sya na. Hindi patas at pantay ang pagmamahal ng ama namin sa aming magkakapatid. Mas lamang at mas higit ang pagmamahal nito kay Blood. Balewala na ako. Kaya hindi ko ito mapapatawad.

Naamoy ko ang tahimik na pagdating ni Third sa loob ng kwarto.

"Kumusta?" Ako.

"Mamayang alas dyes na ang blood moon. Handa na ang lahat." si Third.

"Good. Si Young Princess Sapphire?"

"Natutulog pa kasama ang blood container nya."

"Tss." isa pa ang taong iyon. Makita ko lang sya kumukulo na ang dugo ko. Parang gusto ko ngang kagatin sa leeg at sipsipin na lang ang dugo nya. Kung hindi lang dahil sa kapatid ko. 

"Sino sinisilip mo dyan?"

Umalis ako sa bintana. Pumalit naman si Third.

"Theyre sweet. Bagay sila. But dont you know its bad to eavedrops?"

Oo, naririnig ko ang usapan nila. Pagganoon kasing walang pader na nakaharang sa layo ng mga bampira, kaya naming marinig ang usapan nila. But so what? Mga walang kwentang bagay lang naman ang pinag-uusapan nila. Pati na rin ang pagkanta ni Heizel ang naririnig ko lang.

"Tss. Hindi sila bagay. Tao at bampira sila."

"Year right."

Third saw me with disgusting look.

"Whats in your mind, kuya Prince?"

"Wala."

"Oh come on. Alam ko may masama ka na namang iniisip. Whatever it is kuya, please dont."

"Wala pa nga akong ginagawa nag-aalala ka na."

"Kuya."

"Umalis ka na, Third. Iwan mo muna ako. Gusto kong mapag-isa."

"Kuya-"

"I said leave."

No choice si Third kundi ang umalis. Nakatatanda ako sa kanya kaya sinusunod nya ako. And besides wala naman talaga akong binabalak na masama sa blood container ni Bloody Ace pati na rin sa magaling kong kapatid.

"I just wanted to see them suffer." Pero  syempre hindi  ako ang gagawa niyon.

Hmm..



<Heizel's POV..>

"Heizel, mamayang gabi I want you to be the most beautiful lady. Gusto ko din after dinner, matulog ka na ng maaga okey. And whatever happen huwag na huwag kang lalabas ng kwarto. Just stay there. May ibibigay sayo si Ichan. And I want you to keep that thing. Kahit na anong mangyari huwag na huwag mo din iyon wawalain."

"Ano ba yong ibibigay sakin ni Ichan? Ano din bang mangyayari mamayang gabi? Bakit ayaw mong sabihin sain?"

Bloody Ace kissed and hugged me. Kanina ko pa napapansin palagi nya akong hinahalikan at niyayakap. Tapos kanina pa din kami nag-uusap ng mga seryosong bagay. 

"Hindi mo na dapat malaman yon. Mas maige ng wala kang alam. Ayoko kasing matakot ka."

"Blood ayoko din ng ganito. Clueless ako sa mga pinagsasabi mo sakin. Hindi na kita maintindihan at wala akong naiintindihan. Natatakot na ako."

"Shh." he again kiss me. "Dont be afraid. Trust me and have faith on me. Just like I said before I'll get you out of this mess. Bukas pag gising mo na sa bahay ka na kasama ang mommy mo. Heizel, ibabalik ko sayo ang normal mong buhay tulad ng dati. Kayo ni Zathan. Makakauwi kayo. Kahit na ang kapalit pa non ay ang pagiging imortal ko."

"Blood-"

Kumawala ako sa pagkakayakap nya. Nakakapangilabot naman ng mga pinagsasabi nito. At anong yong kahit kapalit pa daw ay ang pagiging imortal nya?

"May tinatago ka ba sakin, Blood? Tell me. Kasi nagsisimula na talaga akong makaramdam ng kakaiba sayo."

I look straight to his eyes. May inililihim ba ito sakin?

"Of course wala akong tinatago sayo. Ano naman ang inililihim ko sayo. Although may binabalak lang ako."

"Ano naman iyon? Sabihin mo kasi sakin."

"I just wanted to--"

"To? Ano, Blood?"

"To kiss you and hug you."

Oo nga. Yon nga ang ginagawa nya ngayon. Kiss ang hug me.

But not the usual kiss ang ginagawa nya. Mas mapusok, mas mapaghanap at mas malalim. Puno din ng pagmamahal. Napapatangay na lang ako. Konting push na lang, mapapa oh yeah na ang lola nyo sa kissing scene namin ng bampira. Kundi lang biglang tumigil si Blood.

Naman! Bitin eh.

"What do you want Ichan?"

O_O? Ano daw? Andito sa paligid namin si Ichan. Saan? Bakit di ko sya masight seeing? I mean makita.

Then out of nowhere biglang lumabas si Ichan.

=_=' Ngek! Kanina pa ba sya sa likod ko? Ano naman ang ginagawa nya doon? Naghahide and seek? Kanino?

"Pwede ba tayong mag-usap sandali, kuya? Tungkol lang sa blood moon."

"Blood moon? Kelan yon?"

Hinawakan ng boyfriend ko ang kamay ko." Mamayang gabi na. Aalis muna ako. Doon ka na muna sa kwarto mo. Tatawagin na lang kita pag hapunan na."

"Okey. sige."

He first give me a smack kiss before he disappear together with Ichan. Ilang segundo muna akong nagtambay sa kinatatayuan ko bago ko napag-isipang pumasok na sa kwarto.

Humiga na lang ako sa kama at pinilit ang sarili ko na matulog. Pero kahit na anong gawin ko hindi ako makatulog. Bumabalik sa isip ko ang mga sinabi sakin ni Blood na makakaalis kami dito ni Zathan ng buhay. At bukas daw yon paggising ko. 

Paano mangyayari yon? Paano nya gagawin yon? At ano yong bagay na ibibigay sakin ni Ichan na kelangan kong itago at ingatan? Bakit di na lang ibinigay sakin kanina? Bakit mamaya pa? Ano naman yong ibig sabihin nya sa kahit ang pagiging imortal pa ang maging kapalit? 

Hayss. Sakit naman sa ulo. Pinag-iisipan ko ang mga komplikadong bagay na yon. E, napakaclueless naman ng mga sagot. Mahahati na lang tuloy sa dalawa ang utak ko sa kaiisip.

Blood.. Blood.. Blood.. Argh! Kasalanan nyang lahat kung bakit ngayon sumasakit ang ulo ko. Nagiging makata kasi sya kaninang kausap ko. Kaya ayan tuloy wala akong na G. Hay, ang boyfriend kong bampira talaga. Kakaiba. Hintayin ko na lang ang alas siete. Para makita ko ulit sya sa dinner. 

Aba, himala. First time din na maghahapunan kaming lahat ng maaga. Palagi na lang kasing tuwing hating gabi ang dinner dito sa lumang mansyon. Weird lang ng mga bampira ano. Kakaiba ang mga nangyayari ngayong araw na ito ah.

I Love You, Mr. Vampire (Diabolic Lovers Version) (complete..)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon