(Margaux POV)
(sa Room)
Haaay si Anton talaga! First subject pa lang pasaway na. Ayan tuloy napala niya. Pero, bagay sila ni Shanel ah? hahaha.
"Margaux!" tawag ni Cess sakin
"Bakit?"
"Itago mo yang cellphone mo, makita ni Ma'am yan, yari ka." wow concern si Cess ah.
"Oo, wait lang!"
"Nagbabasa ka nanaman sa twitter niya noh? di ka ba nadala? Kahapon sabi mo kay Timothy ka na lang kasi may GF na si Dave pero sige ka pa rin sa pagbabasa ng tweets niya!"
Oo :( may gf na ang aking ultimate crush :( </3. Pero crush lang naman eh. Kaya okay lang. Diba? Haay.
"Oo na eto na!" Sabay tago ng cellphone sa loob ng bag.
"Oh Margaux? Di pa rin makamove on kay Dave hahaha. Si Dwight na lang kasi!" Sabi ni Alex.
"BFF lang kami noh"
"Pero mahal ka niya" Hirit ni Alex.
"Bilang kaibigan lang yun"
"Manhid mo teh!"
"Wow ah? Nagsalita ang hindi!" Kung magsalita tong si Alex, kala mo siya hindi manhid =.=
"Ako ba pinapatamaan mo?"
"Hindi! Baka si Kate!"
"Bakit narinig ko ang pangalan ko? Anong meron?"
"Wala!! Kain ka kasi ng kain jan di ka man lang nagbibigay! Impakta ka talaga!" Sabi ni Cess habang inaagaw yung sandwich kay Kate
"Tumigil nga kayo! Para kayong bata."
"Sorry :|" Wow,Sabay sabay talaga ?
Natapos na ang first 2 subjects namin, breaktime na namin :) tamang-tama ! Gutom na ako.
Pinauuna ko na sila Princess sa canteen dahil mag ccr muna ako.
Palabas na sana akong cr ng biglang may pumasok na lalake na naka cap, shades at leather jacket. Parang na-estatwa ako sa kinakatayuan ko, gusto ko na tumakbo kaso di ko magawa.
Natakot ako nung ni-lock na niya ang pinto at lumapit skin. Paatras ako ng paatras at siya naman ay palapit ng palapit hanggang sa wala na akong maatrasan at nung ma-corner na niya ako, ngumiti siya ng nakakaloko at lalo pang lumalapit sakin. Sisigaw na sana ako kaso naamoy ko yung pabango niya, Ang bango niya ah ! Pero wait, iisang lalake lang ang alam kong may ganyang pabango ! Kaya tinanggal ko ang shades niya at pinaghahampas ko siya.
"Araaay ! Ouch ! Wait ! Wait lang ! Ah ! takte, sandali lang !"
"Hayop ka Dwight ! Leche pinakaba mo ko ! Grrr !!!"
"Wag kang maingay Margaux ! Tumakas lang ako, Pag nalaman nilang andito ako, baka magkagulo"
"Bakit ka ba nandito ?"
"Wala. Miss lang kita " Tapos bigla niya akong niyakap "Ano ba ?!"
"Ito naman pakiss nga !" Nag pout pa.
"Tumigil ka nga Dwight"
"Andaming nangangarap na mahalikan ako tapos ikaw ayaw mo ? libre na nga to oh !"
"Sila un hindi ako :P"
"Ang sakit ah ! nga pala. Pwede kayo sa sabado? May party kaming pupuntahan sama kayo?"Sabado? Hala test namin yun ! Di pwede :(
"Hindi eh :( Test namin" sagot ko.
"Hanggang anong oras ba test niyo?"
"12 po"
"Okay lang, gabi naman yun eh"
"Ayy ganun ba ? Sige sasabihan ko sila"
"Sige ! Punta ka este kayo pala, hehehe"
"Sige, paano ka lalabas ?."
"Edi dadaan sa pinto !" Binatukan ko nga ! Epal eh.
"Aray ! Bahala na. Nasa canteen naman naman silang lahat eh. Sige na bye na, Sa sabado ah ? Kain ka na. I love you" :O Hinalikan niya ako sa pisngi at biglang kumaripas ng takbo. Loko yun ah :")
(Princess's POV)
"Ayan na si Margaux. Margaux dito ! " tawag ni Alex sa kanya.
"Oh bat abot hanggang EDSA yang ngiti mo ? At bakit ang tagal mo mag-cr ? Tumae ka ba ?" Diredirestdong tanong ni Alex.
"Ah ? Ano wala, Si Dwight pumunta dito kanina kaya natagalan ako"
"Kaya naman pala ! Kinikilig ang puwit nitong impaktang to !" sabi ni Anton na kadadating lang at may dalang sandwich.
"Oyy hindi ah ! Niyayaya niya tayo sa Sabado"
"Ah oo ! Sinabi sakin ni Vince. May party daw ata silang pupuntahan sama tayo !"
"Sige !!" sabi ni Kate at Margaux.
"For sure may papa dun kaya gorabells tayo !" sabi ni Anton.
"Cess ? Ayos ka lang ba ?" napansin ata ni Margaux na di ako okay. Siya lang nakakaalam pag malungkot ako eh .
"Oo :) Sige , punta lang ako ng cr" pinilit kong ngumiti para di nila masyado mahalata. Pagdating ko ng cr dun ko na inailabas ang mga luha na kanina ko pa gustong ilabas.
(Flashback)
Nagffacebook ako sa phone ng may nabasa akong article tungkol sa isang taong may malaking parte sa buhay ko.
"Jaedon Dela Cruz confirms his relationship with Amaica Reyes"
Ang sakit. Ang dami ring nagsabi na bagay sila at sana sila na talaga hanggang huli.
- - -
Si Jaedon , ang first love ko. Mahal na mahal ko siya. Kaya nga nung niligawan niya ako ang saya saya ko. Sabi ko sa sarili na sasagutin ko siya agad. Akala ko kami na talaga. Pero iniwan niya na lang ako, ng hindi man lang nagpapaalam. Simula ng iniwan niya ako, walang gabi na hindi ako umiyak. Halos hindi na rin ako kumakain. Sobra akong nasaktan sa pag-iwan niya sakin. Tapos ngayon nalaman ko na may iba na siya. Ang sama niya! Manloloko siya! Ang sabi niya di niya ako iiwan pero anong ginawa niya? Dalawang taon na ang lumipas pero hanggang ngayon hindi parin nawawala ang sakit. Hindi ko na kaya T.T
- - -
(Margaux's POV)
"Feeling ko hindi okay si Cess. May mali eh, ano kaya ang nangyari?" feeling ko may mali eh.
"Ay bakla! Alam ko na kung bakit!" sabi ni Anton
"Ano naman yun Anton?"
"Look oh!" inabot niya sakin yung phone niya at tinuro ang isang article.
"Yan bakla! Nabasa niya siguro yan kaya ganun siya"
"Whaaaat??!!! Walang hiya talaga si Jaedon. Psh! Tara puntahan natin si Cess"
"Wait! Alex, Kate jan ka lang ah? Margaux wait lang!!!" sabi mi Anton habang hinahabol niya ako.
Tama nga ang hinala ko. Nasa CR si Cess at umiiyak. Niyakap ko siya agad.
"Cess! Tahan na"
"Margaux, ang sakit. Ang sakit sakit" iyak lang siya ng iyak
"Tahan na Cess, hayaan mo na siya. Tanga siya" iyak parin ng iyak si Cess at feeling ko hindi na kami makakapasok sa susunod na subject namin.
"Anton sabihin mo kay Ma'am may sakit si Cess at ihahatid ko siya sa bahay niya" bilin kokay Anton.
"Sige bakla. Cess okay lang yan. Iiyak mo lang yan. Margaux ikaw na bahala jan ha?"
"Oo. Cess tara, uwi na tayo" Inalalayan ko si Cess. Wag na wag lang talagang magpapakita sakin yang hayop na Jaedon na yan! Hindi niya alam ang nangyari kay Cess nung iniwan niya na lang basta basta ang kaibigan ko. Grrrrr!! >.<
*****

BINABASA MO ANG
Pangarap Lang Kita.
Roman pour AdolescentsLahat tayo may tinatawag na "Dream Boy", "Prince Charming", "Soulmate" at madami pang iba. Pano na lang kaya kung yang taong yan ay maging kaibigan mo o higit pa? Anong gagawin mo? :)