(Kate's POV)
Simula nung birthday nung mama ni Rence, mas naging close kami sa grupo nila Michael. Ewan ko ba pero sabi nila nag-eenjoy daw sila pag kasama nila kami. Kami din nag-eenjoy, lalong lalo na si Anton. Malandi eh. Nandito kami ngayon sa bahay ni George. Tatambay lang daw kami dito at magkkwentuhan. Parang di naman namin nahahalata na may gusto lang si George kay Cess. Hahaha.
"Hahaha! Alam niyo ba nung bata pa kami si Stephen ang pinakapanget, payatot at lampa samin? Hahaha." sabi ni George
"Makapanget naman toh!" sabi ni Stephen, sabay batok kay George
"Aray! Totoo naman eh! Kaya nga laking gulat namin nung nagbinata na kami eh naging lapitin na ng babae to!" sabi ni George
"Inggit ka lang eh! Pogi kasi ako!" pagyayabang ni Stephen
"Pogi nga napakapanget naman ng ugali!" sabi ni Cess
"Boooom!!!" sabi ni George
"Hahaha" natatawa na lang kami sa kanilang dalawa
"Tong ice cream girl na to!" sabi ni stephen.
"Hahaha! Bakit ba ice cream girl ang tawag mo sa kanya?" tanong ni Timothy
"Eh nung nasa mall ako, di niya tinitignan yung dinadaanan niya kaya ayun natapunan ako ng ice cream niya. Tatanga-tanga kasi :P" sabi ni Stephen
"Wow ako pa yung tanga? eh, ikaw ano tawag mo sa sarili mo hah?!" sabi ni Cess
"Pogi!" sagot ni Stephen
"Yuck!" sabi naman ni Cess
"Haha. Buti nga ikaw nga ganun lang ginawa sayo" sabi ni Dave habang nakatingin kay Margaux. Hmmm, something fishy ah.
"Bakit naman?" tanong ni Stephen
"Yung sakin kasi, sinilipan ako sa cr. Balak ata akong halayin" sabi ni Dave na nakatingin pa rin kay Margaux habang si Margaux ang sama na ng tingin kay Dave. Magkatapat kasi sila.
"Woah!! Hahaha! Sino naman yun pre?!" tanong naman ni George
"Si Margaux" sabi ni Dave habang nakangiti ng nakakaloko kay Margaux
"What?! Bakla ganyan ka na ba kaobssessed kay Papa Dave?! Mygaaaahd Margaux!" sabat ni Anton habang umaarte na akala mo mahihimatay
"Hahahaha"
"Wag ka ngang filingero! Hindi kita pinagnanasaan noh! Asa!! >.<" sabi ni Margaux
"Kaibigan mo na mismo nagsabi" sabi ni Dave
"Ewan ko sayo!" at biglang tumayo si Margaux
"Kung magkakagusto man ako, dun na sa taong matino di katulad mo! Hmmph!" dagdag ni Margaux
"Tss." sabi ni Dave
Umalis na si Margaux at pumunta ng kitchen. Sumunod si Timothy at Alex. Baka kukuha sila ng pagkain.
"Isabelle" napalingon ako sa taong tumawag sakin. Si Michael, kahit sinabi ko na Kate na lang, ayaw pa niya gusto niya Isabelle. Okay lang naman sakin eh. Natutuwa nga ako eh.
"Bakit? :)"
"Tara labas tayo" aya niya sakin
"Bakit naman?" tanong ko
"Usap tayo"
"Bakit? Ayaw mo ba dito?' tanong ko
"Gusto kitang masolo" :""") tama ba yung narinig ko? Haha :">
"Ha? Ah... eh...?"
"Tara na" hinila na niya ako palabas
Nung makarating na kami sa may garden niyaya niya ako na umupo sa bench. Ewan ko ba pero para akong kinakabahan or kinikilig? Haha :"")
Nagkwentuhan lang kami. Ang dami niya ring kinuwento sakin. Kahit yung tungkol sa ex girlfriend niya kinuwento niya rin. Mahal na mahal niya daw yung ex niya <///3 Pero di ko alam at di niya rin kinuwento kung bakit wala na sila nung ex niya.
"Ahmm. May gusto sana akong sabihin sayo" sabi ni Michael. Ang seryoso ng itsura niya
"Ano yun?" tanong ko. Kinabahan tuloy ako
"Isabelle..."
~~~~

BINABASA MO ANG
Pangarap Lang Kita.
Teen FictionLahat tayo may tinatawag na "Dream Boy", "Prince Charming", "Soulmate" at madami pang iba. Pano na lang kaya kung yang taong yan ay maging kaibigan mo o higit pa? Anong gagawin mo? :)