Chapter 5

87 1 0
                                        

(Anton's POV)

Dalawang araw na ang lumilipas simula nung ninakawan ako ni Shanel ng halik. Hindi alam ng mga kaibigan ko ang ginawa sakin ng babaeng yun at ayaw ko rin naman malaman nila yun noh. Masisira ang reputation ko! Yun ang aking pinakatatagong sikreto! At simula din nung ginawa ni Shanel sakin yun, lagi ko na siyang iniiwasan. Ayaw ko ng lumapit pa sakanya.

"Anton! Kanina pa ako nagsasalita dito, hindi ka naman nakikinig. Ang lalim ata ng iniisip mo bakla? May problema ba?" Nakalimutan ko kasama ko pala si Alex.

"Ah.. Ano wala, nagrerecall lang ako ng mga nireview ko kagabi. Mahirap na baka wala pa akong masagot sa test mamaya." Test nga pala namin ngayon. 2nd day na, at next week Christmas Party na namin. Yeah, December na haaaay. Ang bilis ng oras.

"Ahh.. Sure ka? Parang may mali sayo? Ilang araw ka ng tahimik. Tapos pansin ko din iniiwasan mo si Shanel ah?"

"Hah? Ah.. wala! ha? iniiwasan ko si Shanel? Hindi ah! Sinong may sabi?!" Hala! Baka may sinabi si Shanel sakanya! Nako sana wala >.<

"Ah hindi ba? Ayun siya oh! Hi Shanel! :D" Sabay turo sa bandang likuran ko.

"Ha???!! San?! Itago mo ko Alex! Itago mo ako!"

"Akala ko ba hindi mo siya iniiwasan?"

"Ha? eh basta! Naiirita lang ako sakanya!"

"Bagay kaya kayo! Baka siya na ang susi para maging lalaki ka na Anton! :D"

"Tumigil ka nga Alex! Babae ako. Dyosa ako! Tandaan mo yan hah?!"

"Okay :) Oh ayan na pala sila Margaux at Cess." Sinalubong ni Alex sila Cess at Margaux.

Susundan ko na sana si Alex kaso nakita ko si Shanel na kasama sina Margaux at Cess. Mukang kailangan ko na ulit magtago dahil mukang nakita rin ata ako ni Shanel...

"ANTOOOOOOON!"

PATAAAAAAAY!!! >.<

(Princess's POV)

Papunta na kami ng school ngayon ni Margaux. Nagpasundo kasi ako sakanya wala kasi yung driver namin, nagkasakit.

"Cess, okay ka na ba talaga?" Tanong ni Margaux. Nag-aalala kasi siya sakin simula nung nangyari nung nakaraang araw. Haaay. Ayoko na alalahanin.

"Oo naman Margaux ^__^ Ako pa? Hahaha :D"

"Sure ka ha?"

"Oo naman. Masyado mo akong inaalala!"

"Syempre, kaibigan kita eh"

"Ang sweet mo naman. Hahaha :)) Oo okay na ako, wala na sakin yun. Siguro yun na yung sign na dapat mag move on na ako. Tsaka madami pang lalaki jan! Anjan si papa Stephen diba? :">"

"Kahit kelan malandi ka parin talaga. Haha :)) Tara na andito na tayo inaantay na tayo nila Alex sa loob."

"Sige tara na. Manong thank you :)"

"Wow kay manong nagpasalamat ka pero sakin hindi? Bait mo talaga. Psh."

"Hahaha :)) Ito naman nagseselos agad? Thank you Margaux :D"

"Ewan! Tara na!"

Papasok na kami ng school ng bigla kaming tawagin ni Shanel.

"Margaux! Princess! Nakita niyo ba si Anton?"

"Hindi pa. Baka kasama siya ni Alex. Gusto mo, sumabay ka na samin?" Sabi ni Margaux sakanya.

"Sige sige :) Hi Princess! Okay ka na?"

Pangarap Lang Kita.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon