(Dwight's POV)
"Aaarrrggghhh!!!"
-BLAAAGGG!!!-
"DWIGHT!! Tama na yan!" sigaw ni kuya sakin
"Aaarrrghh!! Ang sakit kuya! Ang sakit"
"Tama na Dwight. Hindi naman natin ginusto yung nangyari. Siguro hindi lang talaga kayo sa isa't-isa"
"Mahal na mahal ko siya kuya"
"Alam ko--" naputol ang sasabihin ni kuya dahil biglang dumating sila Vince
"Kuya nakita mo na ba si Dwi... Dude what happened?" sabi ni Rence
"Kamusta na yung mga guest? Pina uwi niyo na ba?" tanong ni kuya
"Oo, pina uwi na namin sila" sabi ni Rence
"Pre, iiyak mo lang yan" sabi ni Vince
"A-ang sakit. Ganito pala ang feeling pag nireject ka ng taong mahal mo no? "sniff""
"Ano bang nangyari?" tanong ni Rence
"Sinabi ko na sa kanya na mahal ko siya. Pero di niya ako mahal"
"Masakit nga yun pre" sabi ni Rence
"Rence!" sita ni kuya
"Sorry" sabi ni Rence
"Ano na ang balak mo?" tanong ni Vince
"Sasama na ako kay Daddy"
"Ano?! Akala ko ba ayaw mo?' tanong ni kuya
"Wag ka magdesisyon ng biglaan!" sabi ni Rence
"Wag mong sabihin dahil kay Margaux kaya ka aalis" sabi ni kuya
"Ayaw na niya akong makita at para rin to sakin. Gusto ko makalimot" sabi ko
"Sigurado ka ba na ayaw na ni Margaux na makita ka?" tanong ni Rence
"Oo. Sinabi niya yun sakin "
"Sigurado ka na ba jan? Wala na bang makapipigil sayo?" tanong ni kuya
"Oo, desidido na ako. Kung hindi ko to gagawin baka lalo akong masaktan"
"Sige, ikaw may sabi niyan. Naiintidihan naman kita. Wala ka bang balak na sabihin kay Margaux ang tungkol sa pag-alis mo?" tanong ni kuya
"Sabihin niyo na lang sa kanya pag nasa LA na ako"
"Ikaw bahala bro" sabi ni Rence
"Sige maiwan ka muna namin dito. Pinapauwi na kami eh" paalam ni Vince
"Sabay na ako. Dwight, umuwi ka pagkatapos. Hinahanap ka din nila Dad" sabi ni kuya
"Sige"
Wag kang mag-alala Margaux, malaya ka na. Hindi na kita guguluhin. Sana maging masaya ka na. Mahal na mahal kita Margaux, mahal na mahal.
~~~

BINABASA MO ANG
Pangarap Lang Kita.
JugendliteraturLahat tayo may tinatawag na "Dream Boy", "Prince Charming", "Soulmate" at madami pang iba. Pano na lang kaya kung yang taong yan ay maging kaibigan mo o higit pa? Anong gagawin mo? :)