Chapter 9

43 0 0
                                    

(Princess's POV)

Bakasyon na namin!!! Sa wakas! Makakapagpahinga na rin ako at di na ako gigising ng maaga :D!

Kaso wala naman akong magawa =.=. Bored na ako, gusto ko lumabas pero wala akong kasama. Si Alex di pwede kasi may date sila ni Vince, si Kate naman pumunta sa reunion ng family nila, si Margaux umalis kasama family niya. Si Anton naman ayaw lumabas! Grrrr >.<. Ako na nga lang mag-isang aalis, ililibre ko na lang ang sarili ko X).

----- Sa Mall ----

Ang daming tao ngayon ah? Sale kasi. Kumain muna ako ng pizza at pasta, nagutom na kasi ako. Pagkatapos ng pizza at pasta, bumili naman ako ng favorite kong dessert, Ice cream *o*! Strawberry ang flavor na binili ko. Nung nakuha ko na ang ice cream ko naisipan kong magwindow shopping, titipirin ko rin yung ice cream ko para sulit ^_____^. Kaso habang naglalakad ako, may nakabangga sakin.

"Shit!!" inis na sabi nung nakabangga sakin habang ako ay nakatingin lang  sa ice cream ko na natapon sa damit niya T.T sayang yung ice cream T.T.

"Anong gagawin ko?! May date pa naman ako! Dinumihan mo ang damit ko! Arrrrgh!" sabi nung lalaking bumangga sakin. Wait? Pamilyar ang boses niya hah?! Unti-unti kong tiningnan kung sino yung nakabangga sakin at di ako nagkamali!! Si Stephen Sy nga!

"Sorry, sorry talaga. di ko sinasadya."  sabi ko.

"Anong magagawa ng sorry mo?! Tingnan mo ang nangyari sa damit ko!"  galit na sabi niya.

"Sorry na nga diba? Di ka rin naman kasi tumitingin sa daan eh! Babayaran ko na lang yan" sabi ko.

"Babayaran? Mahal to baka di mo kaya. Teka ikaw yung kaibigan nila Dwight ah? What a small world" sabi ni Stephen. Nakakainis siya ang yabang niya! Kala mo kung sinong gwapo! Hmph!

"Eh anong gusto mong gawin ko?!" sabi ko nakakapikon kasi siya eh.

"Labhan mo ang damit ko!" sabi niya.

"Sige papalaba ko na lang sa katulong namin." sabi ko. Madali lang pala eh.

"Gusto ko ikaw ang maglaba ng damit ko!" sabi niya.

"Ano?!! Ano ka ? Sinuswerte?! Kapal ah! Asa!" kapal ng muka nitong lalaking to! Di porket gwapo siya eh bibigay na agad ako at sususnod sa gusto niya! Kapal.

"Wala akong pake! Pag sinabi kong lalabhan mo ang damit ko, lalabhan mo! Tara na!"  sabi niya at bigla na lang niya akong hinila palabas ng mall at pumara ng taxi.

"Saan mo ako dadalhin?!" tanong ko pero di niya sinagot, at tinulak na lang niya ako bigla papasok sa loob ng taxi.

"Sir, saan po tayo?" Tanong nung driver.

"Greenwoods kuya." sagot niya. Teka di naman ako dun nakatira dun ah?!

"Hoy di ako dun nakatira! Saan mo ako dadalhin?!" tanong ko.

"Sinong nagsabi na dun ka sa bahay niyo maglalaba?! Dun ka sa bahay maglalaba! At pwede bang manahimik ka na ?! Pag nagsalita ka pa, lahat ng damit ko ang papalaba ko sayo!!" galit na sabi ni Stephen.

Tahimik lang ako buong byahe, di na ko nagsalita pa baka kasi totohanin pa niya yung sinabi niya eh. Nakakarating na rin kami agad sa bahay nila. Ang laki ng bahay nila. Ang laki ng garden nila, ang lawak. Pagpasok namin sa bahay nila, mapapansin mo agad yung grand staircase nila! *o* ang ganda! Pangarap ko na magkaganyan kami sa bahay eh! Tapos yung sa ---

"Hoy! Gandang ganda ka sa bahay namin noh?" sabi niya. Ang yabang niya talagakahit kelan!

"Pogi nga panget naman ugali >.<" bulong ko. Nakakapikon na kasi eh!

"Anong binubulong mo jan?!" tanong niya.

"Wala po =.= Saan ba ako maglalaba? Para matapos na ako agad at makauwi?!" tanong ko.

"Doon!" Tapos tinuro na niya sakin kung saan ako maglalaba.

"Oh ayan na ang damit ko. Pagbalik ko dapat tapos ka na!" sabay tapon ng polo niya sakin.

"At oo nga pala, paki plantsa na din ha?" sabi niya pa.

"Oo na nga ---" Tapless pala siya ngayon :O. Nakita ko ang abs niya! Maaaaygaaaahd!! *o* umalis din agad. Sayang naman, nabitin ako sa show T___T hahaha.

Natapos na rin akolabhan at plantshin yung damit niya. Pupuntahan ko sana siya kaso nahihiya ako. Aantayin ko na nga lang siya..... 

Zzzzzzz .......

(Stephen's POV)

Stephen Asher Sy. 17 years old. HIndi naman ako playboy. It's just that girls like me. Sila ang lumalapit at nagbibigay ng motibo, kaya pinagbibigyan ko na lang sila. Kanina sa mall may nakabangga sa akin kaya nadumihan ang damit ko. Yung kaibigan nila Dwight si ......... si Princess! Tama, siya nga.

Bumaba na ako sa sala dahil sisilipin ko kung tapos na siya. Mukang tapos na nga siya kasi nakatulog na siya sa sofa namin. Gigisingin ko na sana siya, kaso ang himbing ng tulog niya. Pinagmasdan ko lang siya, ang ganda niya rin pala, makinis ang mukha, maamo ang mukha niya. Lalapit pa sana ako nang biglang nag vibrate yung phone ko.

     [ Asher! Asan ka na? Ikaw na lang ang kulang]  Si George lang pala.

            "Oo na papunta na. May inasikaso lang ako"  

     [Ano? Babae na naman? Bilisan mo na]

            "Oo na nga!"

Paalis na sana ako kaso naisipan kong mag-iwan ng note. Para naman dumagdag ang pogi points ko X).

       Princess,

                   I'm sorry sa inasta ko kanina.

                  Badtrip lang kasi ako. BTW, 

                 thank you nga pala. Take care! 

                Hope to see you soon :)

                                                                      Stephen

Pangarap Lang Kita.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon