(Vincent's POV)
Last week naging busy ako. Nawalan na ako ng oras para sa sarili ko at para rin kay Alex :( Pero ngayon, babawi ako. Miss ko na siya eh :(
"Vince?" di ko namalayan, nakapasok na pala si mama sa kwarto ko
"Bakit ma?"
"Anak, aalis pala ako mamaya. May pupubtahan lang ako baka next week na ako makauwi"
"Hah? San ka pupunta ma?" tanong ko
"Ah basta, malalaman mo din. Basta iiwanan kita ng pera hah. Pag may kailangan ka tawagan mo lang ako"
"Opo Ma :)"
"Aalis ka ba ngayon?" tanong ni Mama
"Ah oo Ma. Magkikita kami ni Alex ngayon"
"Mahal mo ba si Alex, anak?"
"Ma, alam mo na po ang sagot diyan"
"Osya sige. Umalis ka na baka malate ka pa. Basta anak, gusto ko maging masaya ka :)"
"Thank you Ma :) Alis na ako bye" humalik na ako sa pisngi ni Mama at umalis
Nakarating na ako sa mall at inaantay ko na lang ang pagdating ni Alex. Di rin nagtagal ay dumating na rin siya.
"Vince!"
"Alex! Namiss kita. Hahaha"
"Weh? Wag mo nga akong bolahin!"
"Seryoso ako noh! O ano? tara na?"
"Sige! :)"
Nanuod lang kami ng sine, siya na pinapili ko kung anu ang panunuorin namin. Pagkatapos ay niyaya ko na siyang kumain. Nang wala na kaming magawa, niyaya na lang niya ako akong maglaro sa Timezone, isip bata eh? Hahaha. Nung napagod naman kami niyaya ko siya na pumunta sa park para dun na kami magpahinga. Umupo lang kami sa may swing wala na rin kasing masyadong tao 6:30 pm na kasi
"Alex"
"Oh?"
"May itatanung ako"
"Ano naman yun?"
"Ahmm... ganito kasi yun..."
"Ano nga? Dami pang pasikot-sikot"
"Ito naman mainipin!"
"Ikaw kasi eh! Ano ba kasi yun?"
"Pano pag...ano...pag..."
"Ano nga?!!"
"Galit?!"
"Vince naman kasi umayos ka!"
"Oo na ito na. Pano pag nainlove ka sa bestfriend mo? Anong gagawin mo?"
"Mahirap yun kasi pipili ka kung ano gusto mo. Friendship o love" sabi ni Alex
"Bakit di ba pwedeng parehas?"
"Anong parehas? Panu yun?"
"You treat each other like bestfriends pero you love each other more than a bestfriend? Hah? Tama ba? Hahaha :)))"
"Hahaha. Pwede din pero mahirap pa rin eh"
"Bakit naman?" tanong ko
"Di ba nothing last forever? Panu pag nagbreak kayo tapos di pa maganda yung break up niyo. Di lang relationship niyo ang nasira, pari na rin friendship di ba?"
"Ang nega mo! Edi wag kayo magbreak!"
"Sus, pwede ba yun?"
"Oo naman!"
"Hahaha. Bat mo ba natanong yan?"
"Wala si Dwight kasi"
"Dwight daw! Hahaha"
"Totoo naman eh. Ano ba sa akala mo,ako?"
"Pwede rin, malay ko ba?"
"Pano kung ako nga yun?"
"Edi goodluck"
"Yun lang?"
"Ano ba gusto mo? Tulungan pa kita?"
"Pwede rin :D"
"Sino ba yung bestfriend mo? Pakilala mo naman skin"
"Isa lang naman bestfriend ko eh"
"Hah?"
"Ikaw lang naman bestfriend ko"
"Ahh"
"Alex, pano kung mainlove nga ako sayo. May possibilidad ba na mainlove ka din sakin?" hindi sumagot si Alex, tumingin lang siya sa kabilang direksyon
"Alex, mahal kita"
"Mahal din kita, bestfriends tayo eh"
"Mahal kita higit sa kaibigan Alex"
"Wag mo nga akong lokohin" tatayo na sana si Alex pero pinigilan ko siya. Aamin na talaga ako, ayoko ng patagalin pa ito
"Seryoso ako Alex. Mahal kita" sabi ko. Tumayo siya bigla at lumakad palayo sakin
"Alexandra mahal na mahal kita. Gagawin ko lahat mahalin mo lang din ako"
Nakatalikod pa rin siya sakin. Hindi siya nagsasalita. Feeling ko busted na ako :(((
"Mahal din naman kita Vince eh" sabi niya
"Pero bilang bestfrie---"
"Higit pa sa isang kaibigan"
"Hah? Tama ba ang narinig ko? Paki-ulit nga?"
"Ayoko. Talo ang bingi!"
"Dali na, humarap ka naman kasi sakin"
Humarap naman siya sakin
"Paki-ulit nga yung sinabi mo"
"Ayoko nga!"
"Dali na!"
"A-Y-A-W!"
"Dali na, please?"
"Ayoko :P"
"Mahal na mahal kita Alex"
"Hahaha"
"Oh? bat ka tumatawa?"
"Wala"
"Dali na kasi! I love you Alex :)"
"Alex, mahal na mahal kita. Mahal mo din ba ako?"
"Haha. Oo na po Vince. Mahal na mahal din kita"
"Yan! Umamin din! Yes!" sa sobrang tuwa ko niyakap ko siya
"Heeep! Tsansing na yan! Subukan mo lang akong lokohin Vince, babasagin ko yang mukha mo!"
"Opo boss ^___^ I love you Alex :)"
"I love you too Vince"
~~~~
A/N: Yown! Umamin din! :) :D ^____^
BINABASA MO ANG
Pangarap Lang Kita.
Fiksi RemajaLahat tayo may tinatawag na "Dream Boy", "Prince Charming", "Soulmate" at madami pang iba. Pano na lang kaya kung yang taong yan ay maging kaibigan mo o higit pa? Anong gagawin mo? :)