(Alex's POV)
Ilang araw na ang lumipas nung birthday nila Dwight at Margaux. Andito kami ngayon sa bahay nila Vince. Pinag-uusapan ang tungkol sa pag-alis ni Dwight.
"Whaaat?! Aalis talaga siya? Seryoso? As in ngayon na?" tanong ni Anton
"Oo nga" sagot ni Rence
"Bakit di niyo sinabi samin?" tanong ni Anton
"Ayaw ni Dwight na malaman ni Margaux ang tungkol sa pag-alis niya" sagot ni Vince
"Bakit naman? Alam niyo bang ilang araw nagkukulong si Margaux sa kwarto at di rin kumakain ng maayos?!" sabi ni Princess
"Bakit? Anong akala niyo kay Dwight? Chill chill lang? Di nga rin namin makausap ng maayos eh" sabi ni Rence
"Maaaaygaaahd! Hindi ko makontak si Margaux!" sabi ni Kate
"Ayaw din sagutin ni Dwight ang phone niya" sabi ni Vince
"Anong oras ba ang alis ni Dwight?" tanong ko
"Mamayang 2am ata?" sagot ni Vince
"Anooo?! Anong oras na! 5:00 pm na! Dapat malaman ni Margaux ang tungkol dito!" sabi ni Anton
"Oo nga. Sige pupuntahan ko si Dwight, kakausapin ko" sabi ni Rence
"Sige, kami naman pupunta kay Margaux" sabi ni Kate
"Oo tama. Balitaan niyo na lang kami ni Alex sa nangyayari" sabi ni Vince
"What? Di tayo sasama?" tanong ko
"Di na. Kaya na nila yan" sagot ni Vince
"Pero--"
"Wag na Alex. Stay put ka na jan. Nahihiya naman kami sayo eh. Sige babush!" paalam ni Anton
"Bye!" sabi ni Vince at umalis na nga sila Anton
"Hoy! Ikaw lalaki, anong plano mo?" tanong ko
"Wala naman. Ayaw mo ba?" sabi ni Vince
"Anong ayaw?"
"Na makasama ako?"
"Gusto syempre! Pero kasi--"
"Madami na sila"
"Eh. Pero--"
"Di din nila matitiis ang isa't isa"
"Sabagay. Tama ka jan"
"Pero alam mo, ang swerte natin"
"Bakit naman?"
"Di naging ganon ang kinalabasan ng lovestory natin. Di kumplikado"
"Oo nga eh. Pero may hihilingin ako sayo"
"Ano naman yun?"
"Kahit anong mangyari, wag mo ako iiwan, kahit gaano pa kahirap ang sitwasyon"
"Oo naman. Hinding-hindi kita bibitawan"
"Pangako yan ah?"
"Oo. Walang bibitaw"
"Wala talaga :)"
"I love you Alex"
"I love you too Vince"
Panghahawakan ko yang pangako mo Vince. Mahal na mahal kita at hindi kita iiwan. Sana ganun ka din sakin.
BINABASA MO ANG
Pangarap Lang Kita.
Roman pour AdolescentsLahat tayo may tinatawag na "Dream Boy", "Prince Charming", "Soulmate" at madami pang iba. Pano na lang kaya kung yang taong yan ay maging kaibigan mo o higit pa? Anong gagawin mo? :)