Chapter 17

19 0 0
                                    

(Dwight's POV)

"Vince, nahatid mo na ba sila sa sakayan?" tanong ni Rence 

"Oo, magtetext na lang daw sila pag nakauwi na sila" sagot ni Vince. Kakaalis lang nila Margaux. Hindi na ako nagprisinta pa na ihatid si Margaux, gusto ko rin kasi makapag-isip

"Dwight?" tawag ni Rence sakin 

"Bakit?" 

"Ang lalim ng iniisip mo ah? Nasabi mo na ba kay Margaux?" tanong ni Rence 

"Hoy! Ano yun? Ano yung dapat sabihin ni Dwight kay Margaux?" tanong ni Vince 

"Hindi mo ba alam? Huli ka na sa balita" sabi ni Rence 

"Eh hindi niyo naman sinasabi sakin eh!" sagot ni Vince 

"Aalis na si Dwight pre" sabi ni Rence 

"Hah? San ka puputa pre?" tanong sakin ni Vince  

"Sa LA pre" sabi ko 

"Hah?! hanggang kelan ka dun?" tanong ni Vince 

"Dun na daw kami titira. Siguro pag bakasyon na lang kami uuwi dito sa Pinas o kaya pag di busy" sabi ko 

"Weeeh?! Seryoso na ba yan pre? Sasama ka ba sakanila?" tanong ni Vince 

"Ayoko pre. Ayokong iwan si Margaux. Ayoko siyang maiwang mag-isa. Tsaka sigurado ako di niya din kaya" 

"Si Margaux nga ba o ikaw?" tanong ni Rence 

"Kanina nga nung nag-usap kami sabi ni ---" 

"Sa tingin ko pre, hindi mo kayang mawala sa tabi mo si Margaux" sabi ni Vince

"Hah?" 

"Mahal na mahal mo si Margaux noh pre?" sabi ni Rence 

"Oo" sabi ko 

"Pero, ang tanong, mahal ka rin ba ni Margaux?" sabi ni Vince 

"..." wala akong maisagot. Hindi ko alam pero parang nasaktan ako, dahil pakiramdam ko hindi ko magugustuhan ang sagot sa tanong na yun. 

"Pre, ayaw naming masaktan ka, ayaw din naming umasa ka sa wala" sabi ni Vince 

"Hay nako Vince, tantanan mo nga si Dwight! Pre sasama ka ba sa LA?" tanong ni Rence 

"Hindi ko alam. Pag pinigilan ako ni Margaux na umalis, di na ako sasama" sabi ko 

"Nak ng! Puro ka Margaux!" sabi ni Vince 

"Eh ikaw? Bat puro ka Alex?" pambabara ko 

"Heep! Chill lang! Bat di mo na lang sabihin ang tungkol jan kay Margaux sa birthday niya? Birthday niyo pala" sabi ni Rence. Sabay kasi ang birthday namin ni Margaux. Sabay din kami laging nagcecelebrate

"Oo nga pala! Next next week na ang birthday niyo parehas" sabi ni Vince 

"Anong balak mo Dwight?" tanong ni Rence 

"Hindi ko alam" 

"Kelan ba ang alis mo pre?" tanong ni Vince 

"Feb. 23" sagot ko 

"Ano?! Di ka man lang aabot sa JS natin?" sabi ni Vince 

"Makakapunta ako ng JS kung ..."  

"Ano?! Kung sasabihin ni Margaux na mahal ka din niya at hihilingin niyang wag ka ng umalis?" tanong ni Vince 

"OO!! Masaya ka na?!" sagot ko 

"Hay pre! Wag ka masyadong mag-expect! Baka mas masaktan ka pa" sabi ni Rence 

"Goodluck bro!" sabi ni Vince

Alam kong mahal din ako ni Margaux. Sa tagal ng pinagsamahan namin impossibleng hindi siya magkagusto sakin. Kaya sigurado akong may dahilan pa ako para magstay dito sa Pinas.

Pangarap Lang Kita.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon