(Anton's POV)
"Tulungan mo ako! Help me!!" sigaw ko kay Princess
"Anton my loves, wag kang maingay! Nakakahiya!!" sabi ni Shanel
Pumunta ako ng mall para magshopping hindi para magpa-api dito kay Shanel! Si Princess di man lang ako tinulungan!
"Anton?"
"Walang hiya ka Shanel! Pwede bang bitiwan mo na ako? Kadiri ka!" habang pilit kong inaalis ang kamay niya sa braso ko
"Ayoko nga! Tatakasan mo lang ako eh!"
"Bitiwan mo ako!!"
"Ayaw ko!!"
"Isa!"
"Dalawa!!"
"Arrrggghhh!!! Nakakaloka kang babae ka!"
"Wag ka ng magreklamo! Samahan mo na lang ako!" sabi ni Shanel habang hila-hila niya ako
"Anong gagawin natin at san tayo pupunta?!"
"Basta!"
Namili lang siya ng mga regalo para sa mga bata niyang pinsan, para sa mga tita niya, at sa buong angkan niya. Galante pala tong babaeng to! Kaloka. Nagpatulong pa nga siya magbuhat ng mga pinamili niya eh, hinayaan ko nga! Siya tong nanghila sakin tapos gagawin pa niya akong jolalay niya?! Kapal!
"An....ton..." tawag nu Shanel sakin habang hinihingal siya at pinagpapawisan dahil sa dami ng dala niya.
"Bakeeet?"
"Wala, masaya lang ako" chosera tong babaeng to? Hinihingal na masaya pa siya!
"Bakit naman?"
"Kasama kasi kita ngayon eh"
"Magtigil ka nga! Di tayo talo ok? Kadiri"
"Seryoso ako ^__^"
"Che! Kumain na nga tayo. Mukang gutom ka na eh" sabi ko
"Wow! Yiiieee :"") Concern si Anton ko!"
"Shattap Shanel!"
Nilibre ko na siya ng pagkain. Tutal magpapasko na naman na eh. Ito na lang regalo ko, kahit na lagi akong binubwiset ng babaeng to! Nung natapos na kaming kumain, niyaya niya akong pumunta sa may seaside na malapit dito sa mall. Akala ko pagod na tong babaeng to pero naisipan pa ring maglakad -lakad. Kaloka!
"Anton thank you talaga sinamahan mo ako ngayon"
"Hoy babae! Hinila mo lang ako kaya kasama mo ako ngayon! Hindi kita sinamahan pinilit mo lang ako. Hmmmph!"
"Ay ganon? Sorry naman! Panira ka ng moment eh!" sabi niya at umupo na siya sa may bench. Napagod siguro
"Anton, wala ba akong pag-asa sayo?"
"Hoy parehas lang tayong babae kaya wag ka nang umasa" sabi ko
"Lalaki ka! Nalilito ka lang!"
"Tumigil ka na nga!"
"Basta, Anton mahal kita!"
"Shattap!"
"Mahal talaga kita! At di ako titigil hanggang dumating yung panahon na mahalin mo rin ako!" sabi ni shanel
"Shanel wala ako sa mood para makipagtalo okay? Haaaaay! Kakapagod!" umupo na rin ako sa upuan. Pagod na ang aking mga paa.
"Daming stars noh Anton?" sabi ni shanel habang nakatingin sa langit
" Malamang gabi na kaya!"
"Panira ka talaga Anton! Maging romatic ka naman kahit konti!" reklamo niya
"Totoo naman ah! At bakit kailangan kong magpakaromantic? Eh hindi naman kita gusto!" sabi ko. Hindi agad siya sumagot natahimik siya bigla. Napasobra ata ako sa pagiging pranka ko? Eh ano naman kasi sasabihin ko?
Tumayo siya bigla kaya napatayo na din ako. Maya-maya ay humarap siya sakin at inabot ang isang box
"Merry Christmas Anton :) Alam ko namang di mo ako magugustuhan at alam kong malabong mangyari yun. Pero sana hayaan mo akong mahalin ka. Bye. Ingat ka sa pag-uwi" sabi niya at lumakad na siya ng palayo sakin.
Nang buksan ko ang box, isang necklace lang naman ang laman . Korny pero cute :) Wait? Anong sabi ko?! Kaloka!
BINABASA MO ANG
Pangarap Lang Kita.
Teen FictionLahat tayo may tinatawag na "Dream Boy", "Prince Charming", "Soulmate" at madami pang iba. Pano na lang kaya kung yang taong yan ay maging kaibigan mo o higit pa? Anong gagawin mo? :)