Chapter 26

6 0 0
                                        

(Margaux's POV)

"Ano?!!" 

"Oo ngaMargaux! Aalis na si Dwight mamayang 2am!!" sigaw ni Anton sakin  

"Seryoso?! Baka niloloko niyo lang ako?" 

"Kung gusto mo, sumama ka na lang samin at pupuntahan natin siya" sabi ni Princess 

"Eh, baka galit pa siya sakin :("

  "Edi mag sorry ka!" sabi ni Anton 

"Eh ..."

 "Ano ba? Hahayaan mo na lang ba na umalis si Dwight at mawalan ka ng bestfriend o aayusin niyo yang away niyo?" tanong ni Anton

"Aayusin!" sagot ko 

"Yun naman pala eh! Tara na!" sabi ni Princess

  "Pero ..." 

"Wala nang pero pero" at hinatak na ako ni Anton papasok ng van.

 "Isipin mo na lang ang mga pwede mong sabihin" sabi ni Anton.

Ang sama mo Dwight! Talagang wala kang balak na sabihin sakin ang tungkol sa pag-alis mo! Ganyan na ba kalaki ang galit mo sakin?! Hindi ko naman gusto na umalis ka eh! T.T Bakit mo naman tinotoo yung sinabi ko T.T!Joke lang yun eh T.T.

Sa sobrang pag-iisip ko kung ano ang mga sasabihin ko kay Dwight, di ko namalayan andito na pala kami sa tapat ng bahay nila Dwight.

"Bakla baba na!" utos ni Anton 

"Hah? Di ba kayo sasama? Iiwan niyo ako dito?!"  

"Di ka naman namin agad iiwan. Basta, layas na!" sabi ni Anton habang tinutulak ako palabas ng van.

Inhale ... Exhale! Woooh! Kaya ko to!

Naglakad na ako palapit sa gate nila Dwight

"Bakla! Kaya mo yan!" sigaw ni Anton 

"Eeeeh!..." pagmamaktol ko 

"Anak ng! Umayos ka! Ibabato ko yung sandals ko sayo eh!" sigaw ni Anton 

"Teh, nakarubber shoes ka kaya?" Sabat ni Princess

"Ay oo nga. Ayy basta! Margaux lakad na! Go!" sabi ni Anton

3 beses na akong nagdodoorbell at kumakatok sa gate nila pero walang sumasagot. Susuko na sana ako, kaso biglang bumukas ang gate...

"Margaux..."

 "Dwight..." 

"Anong ginagawa mo di--" 

"I'm sorry Dwight. Sorry na :(" at niyakap ko bigla si Dwight 

"Oh? Bakit ka umiiyak?" hinawakan niya ang mukha ko at pinunasan ang mga luha ko

  "Eh kasi eh..."sniff"" 

"Hoy!" singit ni Anton "Kayong dalawa hah! Mag-usap nga kayo at ayusin niyo yan! Kaloka kayo! Aalis na kami! Babyeee!" sabi ni Anton 

"Tara pasok ka muna sa loob" aya ni Dwight sakin.

Pumasok na kami sa loob ng bahay nila. Dumiretso muna siya sa may kusina, susundan ko na sana siya kaso sabi niya mag-intay na lang daw ako dito sa sala nila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 16, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pangarap Lang Kita.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon