(Stephen's POV)
"Sino ba kasi yung gustong promdate ni George? Kilala ko ba?" kanina ko pa sila tinatanong pero ayaw nilang sabihin sakin kung sino.
"Basta! Kilala mo yun!" sagot ni Timothy
Hindi na ako nagsalita pa dahil di rin naman nila masasagot ang tanong ko. Hanggang sa mapansin ko na tumigil ang van ni George sa school nila Princess.
"Taga dito yung ..."
"Oo, kilala mo naman siguro si Princess di ba?" sabi ni Timothy
"Siya? Siya ang gustong promdate ni George?!!" tanong ni Timothy
"Woah! Bakit nakasigaw ka jan? May problema ba?"
"Ah. Wa-wala! Nagulat lang ako!"
Bakit si Princess pa? Ang dami namang babae jan ah! Bakit siya pa?! Arrrggh!!!
Pagpasok namin sa school nila. Lahat ng mga babae nakatingin samin. Sanay na rin naman kami sa ganyang eksena. Inantay namin na lumabas si Princess at ang mga kaibigan niya. Nung nakita na niya kami este si George lang pala, lumapit na siya agad kay George. Binigay naman agad ni George yung cake na binili niya at ...
"Yes!!" sigaw ni George. Mukhang pumayag si Princess na maging promdate siya ni George. Psh.
"Congrats bro!" bati ni Timothy at Michael kay George
Tiningnan ko si Princess, gusto kong makita kung masaya siya. At ayun, masaya nga siya! Psh! Magsama sila kung gusto nila. Tss.
"Congrats bro, sige alis na ako" sabi ko at umalis na ako agad. Hindi ko alam pero di ko gustong ang nakita ko. Hindi ko alam kung bakit! Arrrggh!!
Agad akong umalis sa school at nagtaxi papunta sa bahay. Magpapahangin muna siguro ako. Pagkadating ko sa bahay agad akong sinalubong ni Mommy.
"Anak! Aga mo ata umuwi. How's school?"
"Fine mom"
"Sure? May problema ka ba?"
"Naaaaah ... It's just ... Nevermind"
"What? Tell me?"
"Mom, do you still remember Nicole?"
"Nicole...?"
"Yeah, si Nicole! Nicole taba! My childhood friend"
"Oooh! Your tita Rose's daughter? Nicole Mendiola?"
"Yes"
"Oh ano meron? Nakita mo na siya?"
"Yes mom"
"Really?? Oh dapat masaya ka! Matagal mo na siyang hinahanap diba?"
"Oo nga pero..."
"Pero ano? What's the problem?"
"She's George's girl"
"What??! Are you sure?"
"Oo mom. Kanina niyaya ni George si Princess na maging promdate niya and pumayag siya. And it..."
"It hurts? Baka naman di pa nanliligaw si George kay Nicole"
"Pero dun din pupunta yun!"
"Edi unahan mo si George!"
"Pero mom!"
"Ano? Ang tagal mong hinanap si Nicole tapos hahayaan mo na lang siya mapunta sa iba ulit? Una kay Jaedon, ngayon kay George? Masyado ka namang mapagbigay, Anak"
"Arrrgggh!!! Magpapahinga muna ako mom"
"Sige. Pero anak, magisip-isip ka. Okay?"
Umakyat na ako agad sa kwarto ko at humiga sa kama.
---Flashback---
(9 years ago)
"Hay Nicole! Gusto mo itulak kita jan sa swing mo?" tanong ko
"Sige! Pero wag masyadong malakas hah?" sabi ni Princess
Tinutulak-tulak ko na si Princess sa swing niya ng biglang dumating si Jaedon. Ayaw ko na mag-usap sila kaya nilakasan ko ang pagtulak ko kay Princess
"Aaaaaaahhhh!!! Asher!!! Bababa na ako!! Ayaw ko na!!! Huhuhu!" sigaw ni Princess
"Ayaw ko! Ayaw ko na mag-usap kayo ni Jaedon! Ayoko! Aagawin ka lang niya sakin!"
"Asher! Ibaba mo na si Princess umiiyak na siya!" utos ni Jaedon
Nung nakita ko umiiyak na nga si Princess, tinigil ko na ang pagtulak kay Princess. Nakababa naman siya at agad siyang pumunta kay Jaedon
"Princess wag ka nang umiyak" sabi ni Jaedon
"Huhuhu! Ikaw! Asher! Lagi mo na lang akong pinapaiyak! Ayoko ko na sayo! Di na tayo friends! Huhuhu!" sabi ni Princess sakin
"Gusto lang naman kita pasayahin eh. Pero kahit anong mangyari, ikaw lang ang princess ko" sabi ko at tumakbo na akp pabalik ng bahay habang umiiyak
-----
(2 years ago)
Ito na, aaminin na ako kay Princess tungkol sa nararamdaman ko. Sana ganun din ang nararamdaman niya para sakin.
Habang papunta na ako sa bahay nila. May narinig akong hindi ko nagustuhan.
"Princess, pwede bang manligaw?" sabi ni Jaedon
"Oo naman :")" sagot ni Princess </3
"Yes! Pangako, hinding hindi kita papaiyakin Princess :) Mahal na mahal kita"
Pagkatapos kong narinig ang usapan nila, tinapon ko na yung flowers at umalis na ako. Siguro dapat itigil ko na ang pagpapantasya ko at ang kakaasa sa babaeng hindi naman ako gusto ..
----
(Present)
Ikaw ang naging dahilan kung bakit ko inayos ang sarili ko. Ikaw ang dahilan kyng bakit naging playboy ako. Pero bakit hindi mo ako makilala ngayon Princess? Dahil ba sa lagi kitang pinapaiyak noon kaya kinalimutan mo ako? O kahit minsan di man lang ako tumatak jan sa puso mo o kaya man lang sa utak mo. Kaya di mo na ako kilala? Arrrggghh! Why Princess? Why?! Arrrgghh!

BINABASA MO ANG
Pangarap Lang Kita.
Novela JuvenilLahat tayo may tinatawag na "Dream Boy", "Prince Charming", "Soulmate" at madami pang iba. Pano na lang kaya kung yang taong yan ay maging kaibigan mo o higit pa? Anong gagawin mo? :)