(Margaux's POV)
Andito kami sa bahay nila Princess. Pinapunta lang niya kami para ikwento kung anu nangyari sa kanila ni Stephen. Halatang kilig na kilig ang loka.
"Basta! Grabe ang hot niya talaga *u*!" sabi ni Princess
"Oo na! Paulit ulit ka eh! Ilang beses mo na bang sinabi yan?!" sagot ni Alex
"Ang KJ mo talaga!" sabi ni Cess kay Alex
"Hayaan mo na siya Cess, badtrip si Alex eh. Osya mauna na ako may bibilhin pa ako eh" sabi ko habang inaayos ang gamit ko
"Sige, basta sumunod ka mamaya sa bahay nila Rence invited tayo sa birthday ng mama niya" sabi ni Alex
"Oo nga bakla, bilisan mo! Malay mo mamaya andun sila. Sige ka unahin kita kay papa Timothy!" sabi ni Anton
"Oo na! Bye!"
"Bye!" sabi nila
~~~~
------ Sa Mall -----
Sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung ano ang bibilhin ko =.= Gusto ko lang talagang pumunta ng mall para tumambay.
Nung nagutom na ako, naisipan ko na bumili na lang ng Piattos pa na natitira. Nung kukunin ko na yung Piattos biglang may kumuha at umagaw ng Piattos ko T.T Nung titignan ko sana kung sino ang umagaw ng Piattos ko ay nakatalikod na siya sakin. Kaya naman hinabol ko siya at inagaw yung Piattos ko sa kanya.
"Watda---"
"Akin tong Pia---tos--"
Si Timothy pala yung umagaw ng Piattos ko >.<
"Margaux?"
"Timothy?"
"Hahahaha" natawa kami parehas
"Haha. Sorry ah. Nakita mo pa yung panget kong ugali >.<" sabi ko. Nakakahiya ka talaga Margaux! >.<
"Haha. Okay lang X) talagang hinahabol mo pa ako para lang sa Piattos? Haha. Ang cute ^___^" sabi niya
"Hehe. Nakakahiya tuloy sayo" sabi ko
"Favorite mo ba to?"
"Oo eh"
"Parehas pala tayo. Haha" sabi ni Timothy
"Gusto mo sabay na lang natin tong kainin? Nagugutom na din kasi ako eh" sabi ni Timothy
"Ah..eh.."
"Wag ka ng mahiya sakin :) Tara na!" aya ni Timothy sakin
Hindi na ako nakatanggi kay Timothy. Kumain lang kami sa may foodcourt. Nagkwentuhan lang kami habang kumakain. Nakakatawa nga kasi naging komportable na agad ako sa kanya. Ang dami niyang kinuwento sakin tungkol sa sarili niya :"") Ganun din naman ako.
"Hindi ka naman pala suplada.Ang saya mo rin palang kausap ^___^" sabi ni Timothy
"Ikaw din eh. Daldal mo pala :D" sabi ko
"Ay oo mga pala, pupunta ba kayo sa bahay nila Rence? Birthday ng mama niya ngayon" sabi niya
"Ay oo nga pala! Muntik ko nang makalimutan!" sabi ko
Yari ako kanila Princess pag di ako pumunta
"Sabay na tayong pumunta. Pupunta din ako dun eh" aya sakin ni Timothy
"Talaga? Okay lang ba sayo?" tanong ko
"Oo naman :) Pero daan muna tayo sa bahay may kukunin lang ako. Okay lang?" tanong ni Timothy
"Oo naman. So, tara na?"
"Tara, Let's go" sabi ni Timothy
Nakarating na kami sa bahay nila, ang laki ng bahay nila. Malinis
"Timothy, san ba ang cr dito?" tanung ko
"Ah, kumanan ka dun andun na yung cr. Akyat lang ako saglit may kukunin lang ako."
"Sige, thanks" sabi ko
Pagkaakyat ni Timothy ay pumunta na ako sa cr. Kanina ko pang gustong magcr eh. Nung nakita ko na yung pintuan ng cr ay nagmadali ako na buksan ito. Kaso nagulat ako sa nakita ko.
"Aaaaaaaaaahhhh!!!" sigaw namin parehas
"Sino ka?!!" tanong ni Dave habang inaayos niya yung pantalon niya
"Anong nangyari?!" tanong no Timothy
"Dude, sino yan?" tanong ni Dave kay Timothy habang nakatingin siya sakin
"Ah, si Margaux, kaibigan nila Dwight. Ano bang nangyari?" tanong ni Timothy
"Sinisilipan ako ng babaeng yan" sagot ni Dave
"Whaaaat??!! Kapal naman ng mukha mo! Kadiri ka!" sabi ko. Kapal ng face niya huh!
"Talaga? Eh ano pala ang gagawin mo hah? You'll rape me?" sabi ni Dave
"Baka iihi ako? Baka lang? At wag ka ngang umasa na pinagnanasaan kita! Kadiri! Tss. Tabi!" sabi ko at sinara ko na ang pinto
Pagkatapos kong magcr ay lumabas na din ako at pumunta nako sa labas at pag minamalas ka nga naman, hindi pa pala umaalis yung walang hiyang lalaking yun.
"Margaux, sasabay si Dave satin papunta dun sa bahay nila Rence. Okay lang?" tanong ni Timothy
"Okay lang :)" sabi ko, kahit ayaw ko naman talaga =.=
"May magagawa pa ba siya? Psh. Tara na baka marape pa ako dito" sabi ni Dave habang naglalakad papunta sa kotse nila Timothy
"Pasensya ka na kay Dave, ganyan lang talaga yon" sabi ni Timothy
"Kundi lang dahil sayo, siguro binugbog ko na yung lalaking yun!" sabi ko
"Hahaha. Hayaan mo na. Tara na, baka malate tayo :)" sabi ni Timothy
"Sige :")" sabi ko
"Aalis na ba tayo o maglalambingan muna kayo jan?" sabi ni Dave
Epal ka talaga kahit kelan DAVE FUENTABELLA!!!!
BINABASA MO ANG
Pangarap Lang Kita.
Ficção AdolescenteLahat tayo may tinatawag na "Dream Boy", "Prince Charming", "Soulmate" at madami pang iba. Pano na lang kaya kung yang taong yan ay maging kaibigan mo o higit pa? Anong gagawin mo? :)