---Resumption of classes na!---
(Kate's POV)
"Good morning manang!" bati ko kay manang na inaayos yung almusal ko
"Good morning din iha, kain na"
Oo nga pala, hindi ko pala nasabi na si manang lang ang kasama ko sa bahay. Simula bata pa lang ako, siya na nag-aalaga sakin. Nagtatrabaho kasi sa ibang bansa sila mama at papa. Umuuwi lang sila pag may okasyon or pag trip lang nila :D
Pakatapos kong kumain, umakyat na ako sa kwarto ko, naligo na ako, nagbihis at inayos ko ang mga gamit ko.
"Kate, iha! May bisita ka" tawag ni Manang sakin kaya naman, agad akong bumaba para tignan kung sino. At tama nga hinala ko.
"Good morning Isabelle :)" bati ni Michael sakin
"Good morning din :) ang aga mo ah? Bakit ka nga pala nandito?"
"Ihahatid sana kita sa school mo"
"Hah? Naku wag na, nakakahiya naman"
"Sige na please? Tsaka napag-usapan na natin to diba?"
"Ah...sige" oo nga pala, nakalimutan ko. Pero di ko naman kasi akalain na seryoso siya eh
"Manang, alis na po ako" kinuha ko na ang bag ko at nagpaalam na ako kay Manang
Pinagbuksan naman niya ako ng pinto pagkatapos ay sumakay na rin siya.
"Isabelle"
"Oh?"
"Naiilang ka ba sakin?" tanong ni Michael sakin
"Hah?"
"Dun sa sinabi ko sayo noon?" sabi niya habang nakatingin lang siya ng seryoso sakin
---Flashback---
"Isabelle...." bigla niyang hinawakan yung mga kamay ko
"Ah...Ahm....Bakit?"
"Pwede bang manligaw?" tama ba ang narinig ko?! Anong irereact ko?? o.o
"Isabelle?" tawag ni Michael sakin. Napansin niya siguro na natulala ako sa sinabi niya
"Hah? Nagpapatawa ka ba?" sabi ko
"I'm serious"
"Hah?" hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi niya
"Whether you like it or not, liligawan kita" sabi niya ay bigla siyang tumayo kaya tumayo na din ako para sundan siya
"I like you" sabi ni Michael
"Like lang?" wait? Anong sinabi ko?
"Bakit anong gusto mo?" humarap siya sakin at ngumiti ng nakakaloko
"I mean, like mo ko kaya liligawan mo ako? Pwede ba yun?"
"Habang nililigawan kita, kikilalanin kitang mabuti & vice versa, okay na ba yun?" tanong niya
"Parang ang bilis? Kailan lang tayo nagkakilala"
"Matagal na tayong mag*****" bulong niya, kaya di ko masyadong naintindihan yung huling sinabi niya
BINABASA MO ANG
Pangarap Lang Kita.
Teen FictionLahat tayo may tinatawag na "Dream Boy", "Prince Charming", "Soulmate" at madami pang iba. Pano na lang kaya kung yang taong yan ay maging kaibigan mo o higit pa? Anong gagawin mo? :)
