Chapter 19

23 0 0
                                    

(George's POV)

"Oh! Yan na ang plano George. Ready ka na ba?" tanong ni Timothy 

"Thanks bro, Oo, ready na"  

"Anong oras ba tayo pupunta?" tanong ni Timothy 

"After class?" sagot ko  

"Sino ba yang malas na babae na gagawan mo ng promposal mo?" tanong ni Stephen 

"Basta malalaman mo na lang mamaya. Gusto mo sama ka samin mamaya?" tanong ni Timothy 

"Sige, asan na pala si Dave?" tanong ni Stephen 

"Ewan ko. Nagkukulong na naman ata sa bahay nila" sagot ko 

"Oh basta hah? Mamaya?" sabi ni Timothy 

"Oo, samahan niyo ako!" sabi ko 

"Okay!" sabay na sabi ni Stephen at Timothy

(Princess's POV)

---RIIIINNNNGGGG!---

Dismissal time na!

"Bakla! Next week na birthday mo! Ano na ang plano?" tanong ni Anton kay Margaux 

"Sabi ni Dwight dun daw tayo sa kanila. Dun kami magcecelebrate" sagot ni Margaux 

"Ah sige! kasama ba sila papa Dave?" tanong ni Anton 

"Siguro? Ewan!" sagot ni Margaux 

"Ano yun?" sabay turo ni Alex dun sa may quadrangle  

"Oo nga? Ano meron at ang daming tao dun?" tanong ni Kate 

"Tara! Maki-chismis tayo!" aya ko sa kanila

Habang palapit na kami sa quadrangle naririnig namin ang usapan ng mga tao.

"OMG!! Ang swerte naman nung girl!" 

"Ang gwapo niya!!!" 

"Sana ako na lang!!"

"Ano kaya yun? Anong meron?" tanong ni Alex 

"Ewan? Basta tara, puntahan na lang natin!" sabi ni Anton

Habang lumalakad na kami natatanaw ko na ang isang lalaki. Nakatalikod siya, sure ako siya ang pinagkakaguluhan. Sabi kasi nung isang babae gwapo daw. Pero mukhang pamilyar yung lalaki ah? Nung malapit na kami bigla na lang may mga batang lumalapit sakin at inaabutan ako ng rose.

"OMG! Princess! What the hell is happening?!!" sigaw ni Anton 

"Hindi ko alam" kahit ako nagugulat sa nangyayari kaya naman tinanong ko na lang yung bata na nag-abot ulit ng pang-11 na rose 

"Bata anong meron?" 

"Bigay po ni kuya pogi!" sabay turo sa lalaki na unti-unting namang humarap sakin

"George?! O.o" tapos lumapit na si George sakin  

"Hi Princess :)" sabi ni George 

"Ehem! Siguro lalayo muna kami? Nakakahiya eh! Di man la--"  

"Aish! Sige dun lang kami George ah!" di na natuloy ni Anton ang sasabihin niya dahil hinila siya palayo ni Alex 

"Ahm. Anong meron?" tanong ko 

"Nagustuhan mo ba?" tanong niya 

"Yung flowers? Oo naman :") Ikaw pa lang gumawa nito sakin :") Ano bang meron?"  

"Ahm. Princess..." 

"Yes?" 

"Ah.. wait" tapos pumunta siya dun kanila Timothy, ngayon ko lang napansin andito rin pala ang barkada niya. Andito kaya si ... Aish! Nevermind!

"Princess, para sayo" sabay abot ng isang box 

"Ah thank you"  

"Buksan mo :)" 

"Wow! :")" pagbukas ko, ang favorite cake ko na red velvet ang laman at may nakasulat pa na "Will you be my promdate?"

"Nagustuhan mo?" tanong ni George 

"Seryoso ka? Ako? Ang gusto mong kasama sa prom mo?" tanong ko 

"Bakit? Ayaw mo ba?" tapos medyo nalungkot siya 

"Ano ka ba! Syempre gusto ko!" 

"Weh? Talaga?"  

"Oo naman!" 

"Yes!!" sigaw ni George 

"Hoy! Haha! Makasigaw naman to!" 

"Natuwa lang ako :) Thank you Cess :)"  

"Thank you din :) Ikaw lang ang gumawa nito sakin :)"

Tapos maya maya lumapit na ang barkada niya at barkada ko

"Naks! Si Cess lumalablayp!" sabi ni Alex 

"Yieee!" sabay-sabay na pang-aasar nila sakin 

"Congrats bro!" sabi ni Michael at Timothy 

"Thanks" sagot ni George

Nung tiningnan ko si Stephen, parang ang sama ng tingin niya? Para siyang badtrip na ewan?

"Congrats bro, sige alis na ako" sabi ni Stephen at umalis 

"Anong meron dun?" tanong ni George 

"Ewan kanina pa yan eh" sabi ni Timothy 

"Baka badtrip? Hayaan niyo na nga yun ... Ahm, Isabelle.." tawag ni Michael kay Kate  

"Oh? Bakit?" tanong ni Kate 

"Tara labas tayo :)" sabi ni Michael  

"Ah sige :)" sagot ni Kate 

"Sige guys! Alis na kami. Bye!" paalam ni Michael at umalis na sila ni Kate 

"Hay maglalandian na naman sila. Cess gusto mo kumain tayo sa labas?" tanong ni George sakin 

"Ah... eh sila, wala silan--" 

"Wag mo na kami intindihin. Cess, si Alex susunduin ni Vince mamaya yan tapos ---"  

"Ano? Anton? Bat ako nasali jan?!" sabat ni Alex 

"Bakit? Hindi ba? Nako girl! Wag na maglilihim! Ako uuwi na. Ewan ko lang kay Margaux?" sabi ni Anton 

"Uuwi na ako, may gagawin pa ako" sabi ni Margaux  

"Okay, so Cess?" tanong ni George 

"Sige na nga :')" sagot ko  

"Bro sabay na ako sa inyo. Bye guys :) Bye Margaux :)" paalam ni Timothy 

"Talagang special mention si Margaux? Kdot bye" sabi ni Anton 

"Sus! Arte mo Anton! Sige na, Ingat kayo" sabi ni Margaux 

"Oh ate! Mag-ingat ah! Dahan-dahan lang!" pahabol ni Anton 

"Bastos mo!" sabi ko 

"Hahahaha! Tara na Cess" yaya ni George sakin

At umalis na rin kami :)

Pangarap Lang Kita.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon