Chapter 7

68 2 0
                                    

(Kate's POV)

Andito na kami sa hotel kung saan gaganapin yung party. Natutuwa ako at kinakabahan. Bakit? Kasi naman kanina lang sinabi nila Vince na andito ang mga estudyante ng Xavier School! Eh dun nag-aaral yung mga crush naming magkakaibigan. Kaya tuwang tuwa kami kasi ito na ang chance namin na makilala sila.

Kung tatanungin niyo ako kung ano ang nangyari kanina bago kami makarating dito, nako! magulo. Si Anton kasi ayaw suotin yung Coat & Tie na binili para sa kanya. Gusto daw niya magdress O.O. Well, malandi eh -__- . Ako, si Alex, Cess at Margaux naka-cocktail dress lang. Kulay violet kay Margaux, pink kay Cess, Yellow sakin, bluegreen ang kay Alex. Si Anton, napilitan nalang suotin ang binili sa kanya para makasama samin.

Kakalabas ko lang galing ng CR. Di na kasi mapigilan eh. :D Babalik na nga ako, baka hanapin na nila ako. Naaamaze talaga ako sa hotel na ito. Pang mayaman talaga. Tapos yung mga tao na nandito halatang high class talaga, karamihan mga taga Xavier School at St. Catherine School ang nandito. Birthday daw ng kaibigan nila Rence na taga Xavier at St. Catherine. Kambal daw yun. Matalik na kaibigan nila yung Birthday celebrant kaya din sila naimbitahan.

From: Marugaux :)

       Hoy asan kana? Malapit na sila magperform.

To: Margaux :)

     Oo na. Ppunta na.

Isesend ko na sana yung message kaso may bumangga sakin kaya nalaglag yung cellphone ko. "Ouch" bulong ko. Pupulutin ko na sana yung cellphone ko kaso inunahan ako ng nakabangga sakin at inabot sakin ang cp ko.

"Miss sorry nagmamadali kasi a.......ko" tiningnan ko kung sino yung nakabangga sakin at OMAAAAAYYYGAAAAHHHD!!! Si Michael pala yung nakabangga sakin *o* Pag sinuswerte nga naman :")

"Aah... o - ok lang. Di din kasi ako tumitingin sa daanan kaya sorry" sabi ko. Grabe ang gwapo niya talaga pag malapitan. Tinitigan ko lang siya at tinitigan niya lang din ako. Pero parang gulat siya nung nakita niya ako. Basta parang ganun, di ko maintindihan eh? Para siyang nakakita ng multo na ewan.

"Ah, eh, ano, sige mauna na ako. Bye"  Sabi ko. Baka kasi kung magtagal pa ako eh marape ko na siya. JOKE! :)

Hanggang sa makaalis ako ganun pa din yung ekspresyon ng mukha niya. Gulat ba siya dahil ngayon lang siya nakakita ng dyosang kagaya ko? Hahaha. Nahawa na ako kay Anton! Haaay! Ikekwento ko to kila Cess! Matutuwa yung mga yun panigurado at baka mainggit pa sila! ^.^

 - -

(Cess' POV)

"Antagal naman ni Kate! Asan na ba yun?"  tanong ni Anton.

"Hindi pa nga nagrereply eh"  sagot ni Margaux.

"Malapit na sila magperform, wala pa rin si Kate, baka naman kumain na siya? Haaaay! Wag naman sana" sabi ni Alex.

"Haaaay! Buti pa kayo nakita niyo na mga crush niyo. Ako hindi pa :(" sabi ko. Hindi ko pa nakikita kahit anino man lang.

"Nakita ko nga si Dave pero . . . Hay , kasama naman nita GF niya kaya wala rin :(" sabi ni Margaux.

"Ouch naman yun Bakla. eh si Papa Timothy? Nakita mo na?" tanong ni Anton.

"Hindi pa" sagot ni Margaux.

"Hayaan mo na, anjan lang yan. Makikita mo din siya" sabi ni Anton.

"Oo nga. ikaw din Cess, anjan lang yan sa tabi-tabi. Oh, ayan napala si Kate!" sabi ni Alex.

Pangarap Lang Kita.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon