(Margaux's POV)
Nagulat kami nung lumapit yung grupo nila Michael saamin pero hindi nila kasama si Dave, umalis kasi bigla :(
"Sabi ko sainyo kaibigan namin sila eh ;) Wag kayo mag-alala, hindi ko naman sinabi sakanila na pinag-uusapan niyo sila"Pagyayabang ni Dwight =.=
"Wow! Thank you Dwight hah? Thank you talaga!"Tinarayan ko nga. Epal kasi eh >.<
"Mahal na mahal mo talaga ako Margaux noh? Tss. Oo nga pala, ito si Stephen Sy, Michael Arce, George Mariano at Timothy Villaluz."Sabi n Dwight habang tinuturo niya sila Stephen."Wala si captain Dave, may lakad daw kasi sila ng girlfriend niya" Dagdag ni Dwight.
Ouch naman <//3
"Hello :)"Sabi nila
"Hi I'm Alex"
"I'm Cess"
"I'm Margaux"
"I'm Kate"
"And I'm Anton."Akala ko sasabihin niya Athena, pero bakit Anton ang sinabi niya? Boses lalaki pa siya nung nagpakilala siya hah? Anong balak nitong baklang to?"But you can call me Atheeenaa! :D"Psh. Yun naman pala eh.
"You're a..?" Tanong ni George.
"I'm a goddess!"Sabi ni Anton
"Oh really? Hahahaha :)))"Sabi ni George.
Nagkwentuhan lang kami, okay din sila kasama. Madaldal din sila. Si George yung pinaka madalas na magkwento, bagay nga sila ni Cess >:) Sabi nila na sa grupo nila si Stephen daw yung masungit, pansin ko nga kasi di siya nagsasalita eh, ngumingiti lang. Pero si Dave daw ang pinakamasungit, may pagkabipolar daw yun. Tapos si Stephen din daw ang matatawag nila na Casanova, kasi daw every week iba iba ang babaeng kasama o kadate.
"Hindi namin akalain na masaya din pala kayo kasama at kausap. Akala namin masusungit kayong lahat kasi sikat kayo."Sabi ni Alex.
"Kami? Sikat? Weh? Hahahaha :)) Hindi naman."Sagot ni George.
"Pahumble pa? Haha. Eh syempre kilala kayo dahil magaling kayo sa basketball, matatangkad, mayayaman at pogi! Sinong babae ang hindi magkakagusto sainyo? Full package na kayo? Kaya impossible na sa mga naririnig niyong mga papuri eh hindi lalaki ang mga ulo niyo?"Sabi ko, totoo naman kasi yun eh.
"Pranka yang kaibigan niyo hah? I like her ;)"Sabi ni Timothy :") Kinilig naman ako dun! :))
"Nako! Wag siya Timothy!"Kontra ni Dwight. Ano nanaman ang problema nito?
"Why? She's beautiful, muka namang masaya siya kasama, kahit na medyo mataray siya? Hahaha. Anong mali sakanya?"Tanong ni Timothy
"Bestfriend ko yan, wag siya pre. Akin lang yan."Sabi ni Dwight. Wow! Taas mangarap hah? Haha.
"What? Never mo ko naging pag-aari Dwight. Tandaan mo yan."Sabi ko.
"Ouch pre! Basted agad! Hahaha :))"Pang-aasar ni Vince
"Atleast hindi ako katulad mo. T-O-R-P-E!!"Pang-aasar ni Dwight
"Tumigil na nga kayo! parehas lang naman kayo eh."Sabi ni Cess. Natahimik naman silang dalawa. Mababait eh :))
"Guys excuse me, I have to go na. May pupuntahan pa ako eh. Tumawag na si Cherry."Sabi ni Stephen. Halata ko sa muka ni Cess na nalungkot siya.
BINABASA MO ANG
Pangarap Lang Kita.
Teen FictionLahat tayo may tinatawag na "Dream Boy", "Prince Charming", "Soulmate" at madami pang iba. Pano na lang kaya kung yang taong yan ay maging kaibigan mo o higit pa? Anong gagawin mo? :)