Chapter 14

32 0 0
                                        

(Princess's POV)

Nanonood ako ng tv nang biglang tumawag si Anton sa cellphone

 *ring ring ring*

"Hello Anton! Bakit?" sabi ko

"Oi bakla! Samahan mo ako sa mall" sabi ni Anton

"At bakit?" tanong ko

"Bibili ako ng bagong damit at sapatos" sagot ni Anton

"Kila Margaux na lang tinatamad ako" sabi ko

"Eh busy sila! Ikaw na lang! Ano ba ginagawa mo?" tanong niya

"Nanonood!"

"Yun lang pala eh! Tara na!"

"Ok fine! Sunduin mo ako dito sa bahay"

"Osige! Magbihis ka na bilis! Papunta na ako!"

"Sige bye"

"Bye"

Pagkababa ng phone nagbihis na ako at sinundo na ako ni Anton. Habang nasa mall kami pinakita niya sakin yung sapatos na napili niya.

"Bakla anong mas maganda dito?" tanong ni Anton

"Ito!" sagot ko

"Ito kaya!" sabi niya

"Tatanong tanong ka tapos ikaw din pala ang sasagot ng tanong mo! Hay naku!" sabi ko

"Hinihingi ko lang opinyon mo" sabi ni Anton

"Anton!"

Biglang may sumigaw na babae. Mukhang pamilyar yung boses na yun.

"Anton si Shanel oh!" sabi ko

"Anong ginagawa niya dito? Sinusundan niya ba ako? Stalker talaga oh!" sabi ni Anton habang nagpapanic

"Anton!" sigaw ulit ni Shanel

"Tago mo ko bilis!" sabi ni Anton

"Bakla nakita ka na niya wag ka na magtago" sabi ko

"Anton" sabi ni shanel na nasa harapan na namin

"Hi Shanel!" sabi ko

"Hi din Cess, hi din Anton, ano ginagawa niyo dito?" sabi ni Shanel

"Eh ikaw bakit ka nandito?" pagsusungit ni Anton

"Kasi iba ang pakiramdam ko ngayong araw eh. Feeling ko magiging sobrang saya ko, kaya tara na Anton, mag-enjoy tayo" sabi ni shanel habang hinihila si Anton.

Sa sobrang lakas ni Shanel, wala nang nagawa si Anton kundi ang sumama. Habang papalayo may sinasabi siya sakin ng pasigaw.

"Tulungan mo ako! Help me!!!" sigaw ni Anton

Naku naman oh! Di man lang nakapalag si Anton. Kawawa naman siya. Pero pano na ako? Tss! Ano gagawin ko? tinatamad pa naman akong umuwi. Nagulat siya nang biglang may tumakip sa mata niya

"Oi sino ito?!" gulat na gulat na sabi niya pero di nagsasalita yung tumakip ng mata niya

"Naku ah bakla ikaw yan noh!" sigaw ni Cess

Pangarap Lang Kita.Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon