Chapter 20

30.2K 599 6
                                    


"SORRY Maam, May Natanggap na po kasi Sa Trabahong Ito." Magalang na sabi sa akin ng Front Desk Officer.

"Ahh, Ganun ba?, Salamat nalang po". Pilit na ngiti ang iginawad ko sa Kanya.

Haist pang Pitong Rejection ko na ito Ha!, Hindi naman Masakit Ma-Reject, Hindi Talaga Pramis!!, Peksman Mamatay Man Si Light.

Kaya ito Sobrang Sakit Na ng Mga paa ko, Nagugutom na din ako, Grr!.

Napadaan ako sa park.. Napangiti ako bigla, Naalala ko,Dito kami unang nagkita ni Liam..

Umupo ako sa Table ng Park at Inilabas ang Panyo Na ibinigay sakin ni Liam noon ,Dito kami Unang nagkakilala. Napangiti. Nalang ako at Pumikit.

"11 years ago".

"Ayaw ko na, Mag resign na kaya ako sa Trabaho ko?, Andami kasing Pinapagawa ng Light na yan eh". Pinahid ko ang Luha ko na bahagyang Tumutulo.

Lunch Break na namin ngayon at ito nandito na naman ako sa Park..Kumakain... Mag-isa.

Buti nalang may mga Wooden Tables at Chair sa park na to at Dagdag Relaxing din.

At Tsaka Ano ba ang Gagawin ko doon?, iingitin lang ako ni Cloe kasi yung Pagkain niya ay adobo samantala akong Sardinas lang, Ayun lang afford ko eh!.

Pinahid ko ulit ang mga Luha na patuloy pa din na bumabagsak sa mga mata ko.. Hanggang sa...

"Here Use It". inangat ko ang tingin ko sa nagbigay ng panyong ito. Mukhang Mamahalin ang Panyo at Mabango pa.

Tinignan ko ang nagbigay nito at Isang Lalake pala na naka bussiness suit at may hawak na Lunch Box?.

Nagdadalawang isip pa tuloy ako kung tatanggapin ko ba ito o Hindi, Naiwan ko kasi ang Panyo ko sa Opisina, Maglalakad pa ako ulit kung babalikan iyon.

Kaya Kinuha ko nalang ang H&M niyang panyo na may Initial pa ng Name niya? Hindi ako sure, At agad na pinunas sa aking luha at Sa aking sipon. Kahit nakakahiya man.

"Lalabhan ko nalang ang Panyo mo".
Nahihiyang sabi ko.

"Its Okay, You can have it".

Umupo ang Lalake sa tapat ko at Pinatong Ang kanyang Lunch box sa Table mukha mamahalin din ang Lunch Box niya, Nahiya Yung Lunchbox kong Jollibee na ni nakaw ko lang din sa Jollibee.

"Ano Ulam mo?". Biglang Nakangiti niyang tanong sa akin, Shooks..Wafu!!!..

"Sardinas". Confident na sabi ko, Bakit ko ikakahiya ang Sardinas na ito, Galing kaya ito sa Paghihirap ko.

"I Like your Confident, By the way,Here I have A Sinigang, Baka gusto mong maki-Share, Basta penge ng Sardinas."

Really?!, Gusto niyang makishare ng Ulam ko?... but Mukha siyang Mayaman... Nakakahiya?..

Pero dahil mukha namang gusto niya at nagugutom na ko ay Tumango ako, At sabay kaming Kumain.

Nang Matapos kami ay Konting lakad lang pala ang lalakarin sa kumpanya na pupuntahan namin, Pero magkaiba kami ng kumpanya siya kasi Ay Sa Cortez-Montero Corp. ako naman ay sa Cortez Corp. Magpinsan kasi Si Light at ang Ceo ng CMC kaya Halos magkalapit lang sila.

Nakilala ko na din ang lalaking Kasama ko ngayon Siya pala si Liam at ngayon Friend na kami.

"Why are you crying Earlier?".

"Si Sir Light kasi eh, Nagkamali lang ako ng Spell sa isang Word Pinunit na yung papel na pinaghirapan ko at pinagpuyatan ang Monster niya, Kaya walang Tumatagal sa kanya eh."

Magaan naman ang loob ko sa kanya, Kasi kaibigan ko na siya, Hindi naman siguro ito makakarating kay Light.

"Ahh, Ganun talaga yun si Light pero Mabait din at madaming kalokohan sa buhay".

"Parang ang Hirap naman paniwalaan yung Madaming kalokohan?,Si sir light may kalokohang Tinatago?.. Weh di nga?, Paano mo naman nasabi?". Nakataas na kilay na tanong ko.

"Kasi Magpinsan kami". Agad akong Nanigas sa sinabi niya, Pinsan? Sila? so sya yung may Ari ng CMC na nalagpasan na namin?..

sakto din pala nasa Harap na ko ng CC.

"M-Mag P-pinsan Kay-o?". hindi ako makapaniwala.."sasabihin mo ba yung mga sinabi ko sayo abuth Him?".kinakabahang tanong ko sa kanya.

"No!, Of course not, You're my friend, Hindi ako man lalaglag ng kaibigan".

Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya.

"By the way Lagpas kana Sa Company mo!". hindi ako makapaniwala na CEO ang kasama ko at kumain pa ito ng Sardinas.

"Ahh, Sinadya ko talaga lumagpas para mahatid kita". Ngumiti ulit siya sa akin.

"O, Pano? ,Pasok kana Hinihintay ka na ni Light, Ayaw pa naman nun na naghihintay, Text nalang tayo".

Oo nagpalitan kami ng Phone number kasi mag Kaibigan na din naman kami eh.

"Bukas nalang Ulit , after Lunch!, Bye".

"Sige Bye, Ingat, Fighthing!!.". Nag fighting pose pa sya sa akin at Kumaway na.

"End of Flashback"

Ang Daming ala-ala, haist!.

Nakakamiss Din pala.

Sumakit na naman ang paa ko kaya Nabanas ulit ako.
"Umaga ako nagsimula tapos Wala pa din, Haist! ,Malapit na Gumabi, Kamusta na Kaya mga anak ko?, Buhay Nga naman Talaga!". Ano Na kayang Gagawin ko? , Never Give Up ako dapat!, Madami pa namang Company doon meron pang Cortez-Montero Corp—.

Speaking Of That, Pumunta kaya ako? ano na kayang Itsura ng Kumpanya ni Liam, Ano na kaya nangyari sa kanila ni Cheena?,Sila pa rin kaya?".

Gabi na naman Maaga naman yun umuuwi Siguro Pwede akong Dumaan titingin lang naman ako sa labas, Mabilis lang, Kahit Banned ako Doon.

Umabot muna ako ng Ilang Minuto Bago Tumayo at Pumunta sa CMC (Cortez-Montero Corporation), Kung Si Light Resort at Hotel ang Bussiness Si Liam ay Pagawaan ng Furnitures.

Buti nalang pala At malapit lang ang Park na pinuntahan ko kanina dito, Konting Lakad lang.

Kasalukuyan akong Nakatayo sa Matayog na Building ng CMC, Sarado na ang mga ilaw sa ibang Floor.

"Nakauwi na siguro siya". Napabulong nalang ako sa hangin. Sa pagkakaalam ko Successful na ang kumpanyang Ito. Nakakatuwa, atleast naging Okay din siya.

"Umhh, Miss May kailangan ka?".

Nanlamig bigla ako at nanigas sa kinatatayuan ko, Ang Boses na ito.. Hindi ako maaaring Magkamali, Boses Ito ni..

Liam.

-

Thank you sa 90+ na Votes I appreciate that, sana suportahan niyo pa din ang story ko, Maraming salamat don't vorget to Vote po🥺, Lovelots💜

Hiding My Sons (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon