Chapter 10

33.5K 758 12
                                    


" Miss Me?, Slut slash Gold Digger?." nakakatakot na ngisi ni Light kay Marzena.

N- No, Hindi ito pwede. Paano niya nalaman na nandito ako?.

"P-pa- paano mo nalaman na N-nandito ako?". Nanginginig na boses na tanong niya.

"I have my ways, Marzena". tumalim ang titig nito sa kanya na para bang nais siya nitong patayin.

Nagulat nalang siya nang hablutin ni Light ang kanyang braso at pinipilit siya na sumama sa kanya.

"Let's go, Madami ka pang babayaran sakin,papahirapan pa kita". Galit na tinig nito.

"Bitawan mo ko, Hindi ako sasama sayo, BITAW!!.". Nagpupumiglas siya sa hawak ni light ngunit sadyang malakas ang lalake. Sumisigaw na siya upang makahingi ng tulong.

"Hey, what are you doing to our Mama".Lumabas ang panganay niyang si Thunder sa kanilang bahay ganun din ang kanyang bunso na si storm.

"Let go of our Mama".Pinaghahampas naman ni storm si Light dahil sa pananakit nito sa kanilang nanay.

"What the fu*k?, Hey kiddo stop!." Naiiritang sabi ni light sa bunsong anak nila.

Dahil sa ayaw tumigil ng bunsong anak nila na si Storm ay Natulak ito ni Light. Nakita niyang nasaktan ang kanyang anak dahil sa pagtulak ni Light sa anak nila.

"Storm!". Buong lakas niyang tinulak din si light at mabilis na pumunta sa anak na nila na umiiyak sa lapag hawak ang kanyang pwet.

"M-Mamaaa!!". Iyak ng iyak ang anak niya habang tinatawag ang kanyang pangalan, lumapit sa kanila si thunder upang tulungan ang kapatid nito.

"Baby, shh na andito na si Mama , Dont cry Baby, shh, sorry baby nadamay ka pa!". Inaalo niya ang kanyang anak na patuloy pa din na umiiyak.

"You!". Turo ni Thunder kay light na nakamasid lang sa kanila,"You hurt my mother and my Brother!, you are monster, i Hate you!".

"What is The meaning of this?, What's happening?". Napatingin sila kay Ginang cortez na kakarating lamang.

Napabaling ito kay Storm na karga na ni Marzena pero patuloy pa din na umiiyak.

"Apo ko!, anong nangyari sa apo ko? , at anong ginagawa mo dito light?." Nataranta itong pumunta kay storm at hinarap si Light.

"A-Apo?!". Nagtatakang tanong ni Light sa ina nito.

"Oo, Apo ko Light!". Matalim na titig ng Ginang sa Anak. "Marzena, pumasok na tayo at ikaw light, sumunod ka din samin."

Nauna na ang ginang sa loob kasama ang kanyang mga anak , kinabahan ulit si marzena sa nangyayari, kukuhanin na ba nito ang anak nila?. Hindi siya papayag kung ganun ang mangyayari.

Tinignan niya ulit si light na mukhang nagtataka at walang pasabing pumasok na din sa loob na sinundan niya.

Pagkapasok niya ay nakaupo ang mga ito sa sala. Hindi na umiiyak ang kanyang bunsong anak samantalang masamang titig naman ang ginagawa ng panganay nila kay light.

Umupo siya sa tabi ng ginang."Mabuti nalang at naisipan kong pumunta dito, Bakit ka nandito Light, paano mo natunton si marzena?".

Sinong nagsabi na nandito ako? hindi naman siguro ang mga kapatid niya diba? May tiwala ako sa kanila.

"At bakit umiiyak ang apo ko?". Tanong ulit ng Ginang. " Lola, Tinulak po siya ng Monster na yan!" Sumbong ni Thunder at tinuro si Light.

"Bakit mo Tinulak ang Anak mo Light?." Mas lalo akong kinabahan sa sinabi ni Mrs , Cortez.

"A-anak?" Gulat na tanong ni Light.

————

Hello po salamat po sa patuloy na pagbabasa ng storyang ito maraming maraming salamat po tlaga💜.

Hiding My Sons (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon