twenty one

6 1 0
                                    

DEEP TALKS

Andito kami ngayon sa labas ng convenience store, naka upo kami dito sa bandang labas. Nainom lang ako ng juice and si Kook naman banana milk, pansin pa din ang maliliit na hikbi na mula sa kanya. Pinagmamasdan ko lang siya, kita pa din naman ang lungkot sa mga mata niya. Gusto ko siya tulungan, I wanna be that friend na pwede niyang mapagsabihan ng problema niya.

"Alam kong wala ako sa lugar para magtanong pero gusto ko lang naman malaman kung anong dahilan ng pag-iyak mo? Kung hindi ka handa na mag-open, ayus lang naman sa akin." sabi ko sa kanya. Huminga muna siya ng malalim, pinaikot ikot ang kanyang paningin. Alam kong nagdadalawang isip siya na sabihin at naiintindihan ko naman siya.

"May problema kasi kami sa bahay, ang hirap lang at mabigat sa pakiramdam sa bawat araw na umuuwi ako. Araw-araw na lang silang nag-aaway, tapos may expectation pa sila sa akin, to excel in my studies. Nakakabingi lang, nakakasawa, nakakapagod. Hindi ko naman dapat toh nararanasan from them, I should be living my youth, enjoying my life as a student. Hindi yung constant na lahat ng mga salita nila eh nakapatong sa blikat ko, at kung may pagkakataon akong lumayas, lalayas ako." sabi niya, tumutulo ang mga luha niya. Natahimik lang ako, I am lost for words, gusto ko siya lapitan at yakapin, ngunit tanging presensya ko na lang muna ang aking mabibigay dahil ayaw ko naman din na isipin niya na masyado akong feeling close. Porket nagsabi lang siya, I want to hear his problems pero I don't want to risk the moment and lose it forever.

"Hindi ko man alam ang nangyayari sa iyo, pero tandaan mo lang nandito ako bilang kaibigan, na pwede mong pagsabihan ng mga problema mo." sabi ko na lamang sa kanya.

"Salamat Tae." yun na lang din naman ang nasabi niya. Naka upo lang kami dun ng ilang oras, dun hinayaan namin ang katahimikan na sumakop sa amin. Nag-usap pa kami pero tungkol na lang ito sa mga kaibigan namin, hindi din naman ganun kaseryoso ang usapan. Di naman katalagan saka namin napagpasyahan na umuwi na.

Mabilis naman na lumipas ang week namin, at sa mga araw na dumaan, nagiging close na ulit kami. Most of the time, mag-oopen siya sa akin ng mga problema niya. Madami naman akong natuklasan pa lalo, tulad nang pag-umuulan natatakot siya and nahihirapang kumalma. Mas lumalim pa ang pagkakakilanlan ko sa kanya, mas naiintindihan ko siya. Naging masaya ako nang mapansin ko na nagiging okay na siya from time to time, na para bang hindi na siya gulong gulo at laging may iniisip. Hindi na rin awkward makipag usap sa kanya.

Isang araw napagkasunduan namin nila Jin at Jimin na gumala, weekend naman at tapos na kami sa mga requirements namin sa mga subjects namin.

"Hoy Tae may napansin ako ah." sabi sa akin ni Jin. Nagtaka naman agad ako sa sinabi niya, nagkatinginan sila ni Jimin.

"Ano yun?" pagtatanong ko.

"Close niyo na ni Jungkook ah. Halos hindi na kayo mapaghiwalay, lagi na lang kayo magkasama ah." sabi niya, tumango naman si Jimin na nasa gilid. Nagtaka na lang ako sa sinasabi nila at bigla na lang napangiti sa mga sinasabi nila."Oh aba si gaga kinikilig oh." sabi ni Jimin, hindi ko naman maitago ang aking pag ngiti dahil sa sinabi nila. Ganun na ba kami ka close? Mali! Hindi pwede, ganun ba kahalata ang mga galaw ko? Hindi naman ako ganung pinapakita ah. Magkaibigan lang kami, pinagkakatiwalaan niya lang ako.

"Hindi ah, magkaibigan lang naman kami ni Kook–" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla silang sumabat na "KOOK?!?!" nagulat naman ako sa pagsabay nila na halos pasigaw. Ang OA ah, kaibigan ko nga tong mga toh.

"Wow first name basis na pinaikli HAHAHA" sabi ni Jin at sabay naman silang dalawa tumawa, sabay pa nila akong inalog. Jusko naman tong dalawang toh, sumasakit ulo dito sa ginagawa nila.

"Nasanay lang naman ako." depensa ko. "Saka lately kasi nagsasabi siya sa akin ng mga personal niyang mga problema, at nagpapasalamat ako na pinagkakatiwalaan niya ako sa mga bagay-bagay na medyo personal sa kanya." dagdag ko pa. Nagkatinginan naman ang dalawa, at halata sa mga titigan nila na hindi sila kombinsido. Luh eh kung sinampal ko kayo. "Mga mata niyo ah." pagbabala ko sa kanila, at tumawa sila parehas ng patago.

"Okay ano pa ba gusto niyo malaman?" pagtatanong ko. "Wala naman akong pwedeng ikwento sa inyo dahil hindi ko naman buhay yun, hindi ko din problema. Isa pa, wala akong karapatan at sa pwesto para ipagkalat ang problema ng iba.. At wala akong balak na i-take as advantage yung pagiging malapit namin, kung may gusto kayo malaman, sa kanya niyo na tanungin yun." sunod ko.

"Oo gusto ko siya, pero hindi naman ako ganun kasama na I would turn the situation to my advantage at mafall siya sa akin, masaya ako na friends kami kahit masakit para sa akin." What the— hala, nasabi ko na! Nanlaki ang mga mata ni Jimin at Jin, maski ako nanlaki ang mga mata ko ng sabihin ko ang mga salitang iyon. Napatakip na lang ako ng bibig ko, nagkatinginan silang dalawa at alam ko na iyon. Minsan talaga may pagka tanga ako eh, pero ano pa magagawa ko, nasabi ko na.

"Please kayo lang nakakaalam ng sitwasyon ko, kaibigan ko kayo kaya parang awa niyo na wag kayong maingay or wag kayong aakto na kakaiba pag andyan sila, specially siya." sabi ko at sabay naman sila tumango. Lumipas ang buong maghapon at hindi tumigil sa pang-aasar yung dalawa tungkol sa pagkakaroon ko ng crush kay Kook, hanggang sa group chat naming tatlo, hindi sila natigil sa pang-aasar.

Lumipas pa ang mga buwan, masasabi ko nang nandun na yung tiwala ni Kook sa akin. Parang naging safety person na niya ako, I am honored and thankful kasi pinagkakatiwalaan niya ako on something na personal, something private. I know I have feelings for him, I confirmed it in the most embarrassing way, pero hindi yun ang magiging dahilan para masira ang pagkakaibigan namin. One more I'm not going to risk it, kasi masyado na siyang importante para sa akin, isasantabi ko na lang itong pagtingin sa kanya para na rin hindi ako masaktan dahil alam ko naman hindi niya ako magugustuhan.

Sa bawat araw na lumipas, hindi ko maikakaila na mas lalo akong nahuhulog sa kanya. Alam kong mali toh dahil sa kaibigan lang naman ako, at sa bawat araw na lumipas din ay mas lalong binibigyang pansin ng mga kaibigan ko ang mga kilos ko. Bwisit kasi na yan eh, sa lahat naman ng oras na pwede mong maiconfirm sa sarili mo na may gusto ka na sa kanya, sa harap pa ng dalawa mong kaibigan.

Hanggang yung araw na yun. 

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

hihi pasensya na kayo at ngayon ko lang toh naupdate, alam ko medj nagulo yung story pero aayusin natin in the next chapters HAHAHA sa mga nag babasa po nito, i labyu beri mats. ALSO THANK YOU FOR 1K READS<333 MY HART IS BERI BERI HAPEEE

I won't keep this story very long since ayun nga nagulo siya, I would just give justification to the characters' feelings and to my dear readers. the next chapters are still in draft and development. i apologize for prolonging the update of this story. 

Please do let me know what kind of stories are you looking for. I have something in my drafts right now, and it's not a TaeKook au but an original story, I would post aus of taekook, zeenunew and other ships in the future, please look out for it. 

I am open to requests. Again thank you for reading my story, I know its not much but seeing comments that readers are waiting for an update, it makes me happy that someone is reading my work. 

magmahal muli | taekook auTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon