fourteen

29 0 0
                                    

PURE HAPPINESS

Tumahan na ako, at huminga ng malalim. Sumunod na si Jimin sa pagkanta dahil sa aking mga walang tigil na paghikbi ay hindi ako makakakanta ng maayos. Napawi na ang aking lungkot nung mga sumunod na kanta. Lumipas ang ilan pang mga kanta ay ang saya saya na namin sa loob ng room. Halos masira na ang speakers dahil sa sobrang lakas ng boses namin kapag kumakanta. Halos masira ang mga gamit dun dahil sa sobrang gulo namin.

Natapos na kami sa karaoke at nagkayayaan na kumain na kami ng dinner. Nagdinner kami dito ng samgyupsal sa mall na libre ni Seokjin. Matapos namin mag dinner ay nag usap usap na kami kung sino sino mag sasama sama umuwi.

Sina Jimin at Seokjin ang nag sabay na umuwi tapos sina Namjoon, Hoseok at Yoongi naman. Kaming dalawa ni Jungkook ang magkasama pauwi dahil parehas kami ng direksyon pauwi. At siya na rin kasi ang nag presenta na ihatid ako at ako naman si tanga, kinilig at nahalata naman yun ni Seokjin.

"Ayus ayusin mo Tae mamaya malaman namin may ginawa na kayo ah." bulong sa akin ni Seokjin, tinulak ko siya agad dahil nagulat ako sa sinabi niya.

"Luh isip mo Seokjin. Hindi naman ako ganun okay?" pagklaro ko sa kanya.

"Okay, sige sabi mo ih. Mag iingat sa pag-uwi. Oy Jungkook! ingatan mo kaibigan ko ha?" pagbibilin ni Seokjin. Tinulak ko na lang siya para makahabol kay Jimin, baka mamaya ano pa masabi neto.

Sumakay ako sa shotgun seat ng kotse ni Jungkook habang siya naman sa driver seat, syempre. Nasa byahe na kami pauwi, at ang tahimik. Masyado naman ako nahihiya para buksan yung radyo, kasi hindi ko naman ito kotse. Saka isa pa, katabi ko yung taong gusto ko so lahat ng kilos ko dapat maayos, jusko mamaya maturn off toh. Edi nawala pa chance natin?

"Uy Tae, tanong ko lang bat ka nga pala naiyak kanina?" pagtatanong ni Jungkook. Tumingin ako sa kanya sandali at tumingin ulit sa labas.

"Ahh yung kinanta mo kasi kanina, may naalala lang ako na masakit dahil sa kantang yun." rason ko.

" Pwede ko ba itanong kung ano yung masakit na alala yun? Kung hindi ka komportable sabihin okay lang naman." ngumiti siya ng naninigurado.

"Ahhh. Na ghost kasi ako dati, so may takot na ako mafall ulit. Yung minahal kong tao pa naman ay close friend ko tapos nung nag confess ako, nung first two weeks okay naman kami nun. Alam ko naman na sa sarili ko na wala akong pag-asa sa kanya, still I tried my shot. Pero nung sumunod na weeks hindi niya na ako biglang kinausap. Tas malaman laman ko na may girlfriend na siya, tapos yung girlfriend niya, was one of my closest friends in that school." pagkwento ko sa kanya. Nakatingin siya ng diretso sa daan pero nung tumingin ako sa direksyon niya, nakita ko yung mga mata niya. Napansin ko ang malungkot sa kanyang mga mata.

"Sorry." yun lang ang kanyang nasabi. Nagtaka ako sa sinabi niya.

"Bakit ka nag sosorry?" pagtatanong ko.

"Dahil sa ginawa ko kanina." sabi niya.

"De okay lang, matagal na yun. Saka hindi mo naman alam eh." sabi ko sa kanya, para naman gumaan yung pakiramdam niya at di niya na isipin.

"Pero kahit na, sana sinabi mo sa akin para hindi ka umiyak." pagrarason niya pa. Tumingin ako sa kanya at tumingin siya sa akin sandali, sakto namang nginitian ko siya.

"Okay nga lang. Tapos na rin naman yun." sabi ko sa kanya. Tumingin ako sa labas at pinagmasdan ang mga nadadaanan naming mga bahay at puno. Buong biyahe namin ang tahimik lang matapos ang usapan na iyon, tanging maririnig mo lamang ay ang pagtama ng gulong sa kalsada.

"Dito na lang haha." sabi ko kay Jungkook, napatingin siya sa akin at nagtataka.

"Sure ka dito ka na lang?" paninigurado ni Jungkook. Tinignan ko ang paligid, napansin ko na medyo madilim na. Ahh kaya siguro siya nagtataka?

"Oo naman! salamat!" sabi ko sa kanya. "Mag-iingat sa pagdrive lalo na gabi na oh. Message ka na lang sa gc kapag nakauwi ka na ha?" pagpapa-alala ko sa kanya.

"Okay po." sabi niya naman na parang bata. Bumaba na ako sa kotse niya at umatras ng kaunti para makaandar na siya. Naglakad lang ako ng kaunti para naman maabot ang bahay namin.

TH: guys jgh kayo ba?
SJ: yup naka uwi na kami ni Jimin
YG: same here
HS: yup naka uwi na pa
NJ: kakadating lang sa house
TH: si Jungkook pauwi pa lang kasi kaka drop off niya lang sa akin
TH: anyways okay goods! pahinga na kayo, im sure pagod na kayo. THANK YOU FOR TODAY!
SJ: THANK YOU GUYS!
JM: LOVE Y'ALL
NJ: yes tae. THANKS DIN!!!
TH: Goodnight! inunahan na kayo ni Yoongs sa pagtulog.
SJ: goodnight din!!

Pumasok ako sa loob ng bahay at dumiretso sa aking kwarto. Binaba ko ang aking bag at tinanggal ang aking sapatos para makapag palit ng tsinelas. Pumasok ako sa shower and I took a little bath and did my night time/skin care routine.

Humiga na ako sa kama and got my phone para mag scroll through my social media.

SJ: onga pala tae! pasend naman nung pics kanina
TH: sige wait pero oks lang ba na hindi scanned?
SJ: yup okay lang

Taehyung sent two photos

SJ: tenchuu tae!

Nang masend ko iyon, tinanggal ko na ang aking face mask at tinapon ito sa basuharan. Hinugasana ko ang aking mukha at nag apply ng moisturizer, nang makita ko ang phone ko sa kama na umilaw. Kinuha ko naman iyon at nakita kong may notification ako from both instagram at messenger. I opened the notification from instagram and nakita ko naman na naka mention ako sa story ni Jungkook. Ito yung stolen sa akin habang pinapakita yung picture namin sa photobooth. Pati din sa messenger naka my day at mention ako.

TH: huyyyy bat naman yun yung pinost mo?
JK: bakit?
TH: ang panget ko dun eh :(((
JK: okay na yun. cute mo naman dun ih
TH: eh kahit na
JK: wala ka na magagawa na post ko na haha
TH: okay payn
JK: matulog ka na
TH: oo na ikaw din!
JK: goodnight
TH: nanayt din:))

Kinilig naman ako sa sinabi niya, cute daw ako? Oh kalma selp masyado ka nanamang kinikilig. Nagscroll pa ako sa phone para magpa antok. May nag notif naman sa akin na chat.

SJ: hoy Tae!!
TH: ano?
SJ: magkwento ka nga.
JM: oo nga
TH: ano naman ikkwento ko?
JM: diba hinatid ka ni Kook, kwento mo sa amin kung anong nangyari habang nasa sasakyan kayo.
TH: wala naman masyado nangyari. tinanong niya lang bakit ako umiyak kanina habang kumakanta tapos sabi ko may naalala lang ako
SJ: tapos?
TH: kinuwento ko sa kanya yung dahilan nung pag iyak ko sa kanta na yun. na ghinost ako and yung nangyari afterwards.
SJ: sure ka ba na okay lang sa iyo na inopen up mo yun? okay ka na ba?
TH: oo naman anu ba kayo, okay na ako. im comfortable na sabihin sa kanya yun, also, i trust him na rin na that much para iopen ko sa kanya yung past ko.
JM: ano respond niya?
TH: sabi niya lang sorry.
SJ: bakit naman siya magsosorry?
JM: malamang maguguilty yan duh?
TH: tama si Jimin, naguilty si Jungkook na kinanta niya yun. na sana sinabi ko daw sa kanya nung una pa lang para iniwasan niya daw yung kantang yun.
SJ: ano naman sabi mo?
TH: sabi ko okay lang, he insisted pa din pero sabi ko okay nga lang. tas ayun na.
SJ: okay okay yun lang hahah salamat tae labyuuu! tulog ka na! see you tom!!
TH: wuv you too, both
JM: love you both, see you tom!

Natapos naman ang usapan namin. Napangiti ako nang maalala ang mga nangyari kanina, yung picture hanggang sa paghatid sa akin pauwi. Inoff ko na ang aking phone at natulog na.

Masyadong masaya ang araw na ito.

magmahal muli | taekook auTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon