A STROLL
Nagising ako sa tunog ng aking alarm, kinuha ko ang aking phone at nakitang Monday na ulit. I snoozed my alarm and got up. I got inside the bathroom and took a bath. I'm feeling pretty good so I wore a loose striped white shirt with a loose tie and white-washed jeans. Lastly, I wore my sneakers. I got my bag at nilagay ang mga gamit ko doon na gagamitin ko for today.
Bumaba na ako para mag-almusal. Buti na lang nagluto na ang isa sa mga helper, I ate my breakfast and asked our driver to drive me to our school. Syempre nagpadaan ako sa paborito kong coffee shop, bumili lang ako ng usual na binibili ko at nagpahatid na din ako after sa school.
Pagpasok ko naman, sa hindi kalayuan ay nakita ko ang tropa. Binilisan ko ang aking paglalakad para naman maabutan ko sila, napatigil ako sa aking paglalakad at natulala na lang ako nang makita ang isang pamilyar na tao. Nakita ko na ulit siya, after a one long week.
Mga matang makahulugan, ang pisnging napakakinis at ang labing napakaganda. Lalo akong kinabahan dahil nagkasalubong ang aming mga tingin, nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam sa aking tiyan. Yung tinatawag nilang "butterflies in the stomach" o nasa isip ko lang iyon. Napansin niya ata ako?
"Uy Tae!" tawag sa akin ni Jungkook. Nabalik ako sa realidad, dahan dahan akong naglakad papunta sa kanila. I am pretty unsure kung paano ako kikilos since I have a guilt feeling, and hindi ko alam kung bakit, I just felt guilty.
"Hi Jungkook!" sabi ko naman sa kanya, may halong gulat ang aking tono. Kinalabit naman ako ni Seokjin at binigyan ako ng mga tingin na makahulugan, dahil sa mga nalaman niya siguro nung Sabado. Hinayaan ko na lang, sabay-sabay na kaming naglakad papasok sa classroom.
Hindi naman nagtagal ay dumating na ang professor at nagpunta na kami sa kanya-kanyang upuan at nagsimula na ang aming klase. Ang ilang oras na boring at nakakaantok na klase, kahit na ganun ginawa ko pa din ang aking makakaya para hindi makatulog dahil natuto na ako sa nangyari sa akin last time.
Natapos ang unang ilang subjects at break time na namin, nagkayayaan naman ang tropa na sabay-sabay na bumaba. Buti na lang sumama si Jungkook sa amin, buo na ulit ang tropa. Bumili lang kami ng mga pagkain at umupo sa isang bakanteng table.
"Kamusta ka naman Kook?" pagtatanong ni Namjoon. " Medyo matagal ka ding nalayo sa amin. Kahit one week lang naman haha." dagdag pa niya.
"Ayos naman na hyung. Pasensya na mga hyungs kasi lumayo ako, I just felt the need to be alone." rason ni Jungkook.
"Mabuti naman yan Kook. Basta andito lang kami pag kailangan mo ng kausap ha?" Hoseok said.
"Yes yes, salamat talaga hyungs." binigyan kami ng malungkot yet mapanigurado na ngiti ni Jungkook.
Natapos naman ang lunch namin nang mabilis at dumiretso na sa classroom. Nag-antay na lang ako ng ilang oras bago matapos ang klase. Mabilis naman itong lumipas kaya uwian na.
"Hoy tara kain tapos gala tayo!" pag-aaya ni Hoseok.
"Aba g ako diyan!" sang-ayon naman si Seokjin.
"Ako din!" sabay naming sabi ni Jimin.
"Kayo ba Namjoon? Yoongi? Jungkook?" tumingin kaming apat sa kanilang tatlo.
"Aba oo nanaman sasama ako." sabi ni Namjoon.
"Luh inaantok ako eh. Kayo na lang, matutulog pa ako." sabi ni Yoongi at halata sa tono niya na tinatamad siya.
"Luh KJ naman neto, lagi ka naman nang natutulog eh. Sumama ka na minsan lang naman tayo makumpleto eh." sabi ni Hoseok.
"Sige na nga." wala nang nagawang sabi ni Yoongi. Tumingin kaming lahat kay Jungkook, umaasa kami na sasama siya dahil nga sa hindi siya sumama sa amin last week.
BINABASA MO ANG
magmahal muli | taekook au
FanfictionBTS Fanfiction (on going) ------- Si Taehyung ay isang marupok at overthinker na tao. Takot na ulit magmahal dahil sa past niya, ngunit nakilala niya si Jungkook. Handa ba ulit siyang magmahal? Handa ba siya sa mga pwedeng mangyari? Sa mga pwedeng...