seven

48 2 0
                                    

D-DAY

Kinabukasan ay nagising ako sa isang boses na pamilyar.

"Tae gising na daw. Kakain na daw tayo ng lunch sabi ni Seokjin." sabi ni Jungkook. Naalimpungatan agad ako, bumangon at nag-unat. Inayos ko lang ang aking sarili at bumaba na. Hindi ko naman napansin na almost lunch time na.

Pagkababa ko, napansin kong nakaupo na ang iba at ang iba ata ay pababa pa lang. Nang makumpleto ay kumain na kami.

"Seokjin marunong ka pala magluto." manghang sabi ni Yoongi

"Sakto lang haha" nahihiyang sagot naman ni Seokjin.

"Ang sarap naman ng luto mo Seokjin!!" sabi ni Hoseok.

"Salamat!" sabi naman ni Seokjin.

"Thank you Seokjin for the lunch" sabi naman ni Namjoon.

"Walang anuman haha" sabi ni Seokjin.

"Anyways guys may almost or more than 2 hours tayo to digest our lunch bago tayo mag swimming. May time pa kayo mag palit ng mga damit niyo and do some things. Let's swim pag hindi na ganung sikat ang araw." pag-iinform ni Namjoon.

"okay okay" sabi ko naman.

Umakyat na ako sa aking kwarto at nagpahinga ng onti. Nanood lang muna ako ng series para naman lumipas ang oras. Inihanda ko na ang aking susuotin na swimsuit. Rushguard and some pair of beach shorts. Naglagay din ako ng sunscreen cuz I want to protect my skin. Nakabihis na ako at bumaba na.

Downstairs, I noticed that almost all of them are doing something. Si Seokjin ay nag prepare ng mga pagkain na iiihaw. Si Namjoon ay tinutulungan si Seokjin sa pag handa. Ang tatlo namang sina Jungkook, Hoseok at Jimin ay may pinag uusapan at nagkukulitan na din. At si Yoongi naman ay natutulog, sus lagi na lang.

Lumusong na ang lahat sa swimming pool, si Seokjin naman ay nag ihaw muna ng barbecue, some hotdog in stick and laslty, burgers. Mabilis niya lang natapos ang pag iihaw, kaya naman sumama na rin naman siya sa amin.

Pagka lusong pa lang ni Seokjin sa pool ay bigla na lang siya binasa ni Hoseok at Jimin. Gumanti naman si Seokjin. Isa-isa na silang nagbasaan. Nagulat ako ng biglang binasa ni Jimin, andito lang naman ako sa gilid, pinagmamasdan sila. Gumanti ako, binasa ko pabalik si Jimin. Lahat kami ngayon nag babasaan. Napagod na sila at nag isip naman ng pwedeng laruin.

Nakapatong sa likod ni Jungkook si Jimin habang si Hoseok naman sa likod ni Seokjin. Nagpapalakasan sila ng tulak at sino man ang unang tumumba ay talo. Medyo mahirap ang laban dahil mga malalakas ang magkalaban. Ngunit hindi nagpatalo si Jungkook at Jimin kaya't sila naman ang nanalo.

Bigla namang sumakay sa likod ko si Hoseok at si Jimin pa rin sa likod ni Jungkook. Hindi ba ito napapagod? Isa pa, ayaw patalo? Kinabahan ako bigla, nakita ko kung gaano kalakas si Jungkook dahil sa built pa lang ng katawan niya halata mo nang malakas. Nahirapan kami ni Hoseok na kalabanin si Jungkook ngunit hindi kami nagpatalo.

Buti na lang natalo namin sila. Natapos ang games, nagkwentuhan na lang kami ulit. I was able to see their talents. Also, napansin ko magaling sila kumanta at mag rap. Ang ganda ng paligid, palubog na ang araw, andito pa din kami sa swimming pool. Nagtake pa sila ng picture sa ilalim ng tubig. Halos gabi na din kami natapos.

Nag banlaw na kami at nagsuot na ng pang bahay o pang tulog. Tinawag na kami isa-isa para mag dinner na.

"Wala muna babalik sa kwarto ha? Game nigt tayo ngayon." sabi ni Hoseok.

Naghanda na sila sa living room. Nag prepare ng snacks and some liquor. Hindi lang basta ata game night ito, sembreak naman kaya siguro nila gusto mag inom. Also, sabi nila break from stress daw kaya ayan.

magmahal muli | taekook auTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon