thirteen

39 0 0
                                    

PICTURE

Kinabahan ako sa sinabi ni Jungkook, pero kinilig ako ng kaunti. "Hay nako selp tigil tigilan mo kakakilig diyan kundi masasaktan ka nanaman." sabi ko sa sarili ko. Sakto naman na lumabas ang picture ng tropa. Kinuha ko ito para tignan.

"Uy patingin din!" sabi ni Jungkook at lumapit sa tabi ko, napatigil naman ako sa aking pag galaw at kinabahan naman ako. Ang lapit ng mukha niya, naamoy ko na rin ang kanyang pabango. Nais ko lang na nasa ganito kaming posisyon kaso baka hindi ako makahinga sa kilig dito.

"Keep ko na yung isa tas yung isa sa iyo na yung isa, you want?" asking him, giving him the other picture.

"No, keep mo na both, mamaya mawala pa sa akin eh." binalik ni Jungkook sa akin yung picture, pagkakuha ko ay sumagi ang kamay ko sa kamay niya, medyo nagulat ako. Binuksan ko ang aking bag para kunin ang aking notebook.

"Akin na muna yan." sabi ni Jungkook. Bago pa ako makatanggi ay kinuha niya na ang bag ko at isinukbit ito sa harap niya. Nagulat lang ako, medyo kinakabahan ng hindi ko maintindihan.

"Kunin mo na yung kukunin mo, pahihirapan mo pa sarili mo psh." sabi ni Jungkook. Okay aaminin ko lalo ako nahulog sa ginawa niya, kalma lang puso masyado ka masaya mamaya umiyak ka nanaman ulit.

Kinuha ko ang nag-iisang notebook sa akin bag at inipit sa may cover yun pictures. Binalik ko na sa aking bag yung notebook at isinara, kinuha ko na kay Jungkook yung bag ko at isinukbit sa likod ko.

"Halika may papakita akong game sa iyo, masaya toh laruin." hinawakan niya ang aking kamay, nakaramdam agad ako ng kaba. Naglalakad kami, parang may hinahanap siya. At sa paglalakad namin ay hindi niya ako binibitawan, bumagal sandali ang mundo. Nakatingin lang ako sa kanya, at sa kamay naming magkahawak. Lumingon siya sa akin sandali habang nakangiti.

Nakangiti lang din ako, ang saya naman masyado selp. Tumingin siya ulit sa dinadaanan namin, at nilibot ang tingin. Tumigil kami sandali habang iniikot niya ang kanyang paningin, hindi matanggal sa aking isipan ang kanyang mga ngiti, kaya naman napangiti lang din ako

"Eto na lang laruin natin. Ano game ka ba?" napatingin ako sa larong nasa harap namin. Zombie killing game at ang gamit ay baril. Nag swipe si Jungkook nung card para naman makapaglaro kami, naglaro kami for a few rounds tapos lumipat kami dun sa mga basketball. After ilang rounds and games later napagod na kami.

"Tae last na sama ka lang sa akin." sabi ni Jungkook, pretty unsure kung saan pero as long as siya kasama ko I'm okay with it naman. "Landi natin selp ah?" "Oo ngayon na lang eh." kinakausap ko ang aking sarili.

Hila hila ako pa rin ako ni Jungkook, parang ang sarap sa pakiramdam ng magkahawak ang aming kamay. Kaya ko naman masanay sa ganito, hanggang isip na lang yun.

Sa hindi kalayuan napapansin ko na patungo ulit kami sa photo booth. Nagtaka ako kasi bakit niya ako dadalhin dito?

"Anong ginagawa natin dito?" pagtatanong ko.

"Picture tayo haha." sabi ni Jungkook habang nakalagay ang kamay sa batok. Hindi naman ako kinilig sa sinabi niya noh? Nahulog lang naman lalo.

"Sabi ko sa iyo na kunin mo na yung isang picture eh." sabi ko sa kanya.

"Hindi naman yun. PIcture tayo, yung tayong dalawa lang." sabi ni Jungkook. Medyo lalo lang ako kinilig sa sinabi niya. Wait, hindi ako makahinga sa kilig.

"O-oh sige ba." utal kong sabi. Sinampal ko ang sarili ko sa isip dahil sa utal na yun. "selp kalma lang. picture lang hinihingi, hindi pa kasal kaya wag ka masyado kiligin diyan." sabi ko sa sarili ko.

Pumasok kami sa booth para magpicture. Sa unang shot naka smile lang kaming dalawa, sa sumunod naman wacky with our cute headbands na napanalunan namin sa game namin kanina. Tapos sa pangatlo naman lumapit kami sa camera, yung zoom in sa mukha namin. Yung pang apat naman naka smile lang siya tapos ako naman nilagyan ko siya ng sungay. Sa panglimang shot naman ay naka akbay siya sa akin habang ako naman naka nguso at kindat.

Nung last shot na, nabigla ako sa ginawa niya. I was just smiling and it looks like I'm laughing. Basta it looked genuine tapos siya naman nakatingin lang sa akin. Natapos na yung picture, lumabas na kami sa booth at inantay yung print nung picture naming dalawa. Nung lumabas yung print nung picture, lumapit naman siya kaagad sa akin at tinignan yung picture namin. Too much feels naman itong arcade na ito.

"Kunin mo na haha since ikaw naman may idea neto." sabi ko sa kanya habang inaabot sa kanya yung picture namin.

"Hindi keep mo na siya, pero bago yun kailangan kong magtake ng picture as a memory." sabi niya. "Tingin ka dito Tae." sabi ni Jungkook. Tumingin naman ako sa kanya at nakita kong nilabas niya ang phone niya, akmang kukuha na ng picture..

"Teka lang baka mamaya mukha akong tanga diyan." sabi ko habang inaayos ko ang aking sarili. Pero bago pa ako makapag protesta ay nacapture niya na.

"Uy isa pa dali na. Ang panget ko dun, sure ako." sabi ko sa kanya, parang pilit na.

"Sige na nga." sabi ni Jungkook. Nagsmile naman ako at kinuha na niya yung picture. Binalik niya na sa akin yun picture at ako naman ay nilagay sa notebook kasama nung mga pictures namin. Kinuha ko ang aking phone at binuksan ang gc namin.

TH: san kayo?
NJ: dito kami sa karaoke
SJ: punta na kayong dalawa ni Kook dito tas karaoke na tayo.
TH: okay otw na haha

"Asa karaoke daw sila. Punta daw tayo dun." sabi ko kay Jungkook.

"Okay sige tara." sabi niya at naglakad na kami papunta sa karaoke at nakita naman namin sila. Saktong pagdating namin ay papasok na sila kaya naman sumunod na lang kami.

"Oh pinakabata hanggang sa pinakamatanda." sabi ni Seokjin.

"Eh hyung naman.." protestang sabi ni Jungkook.

"Wala ka nang magagawa hahaha mauna ka na." tumatawang sabi ni Seokjin. Pumili naman ng kanta si Jungkook at inenter ito. Pinili niya ay Huling Sandali ng December Avenue, isa sa mga kantang matindi ang hatid na sakit, at paborito kong kanta.

Hindi mapigil ang bugso ng aking puso
Sa tuwing ako'y papalapit sa'yo
Maaari bang hingin ang iyong kamay?
Hawakan mo't 'wag mong bitawan
Hindi mapigil ang tibok ng aking puso
Sa tuwing ako'y nakatingin sa'yo
Maaari bang huwag kang humiwalay
Dahil sandali na lang

Habang kinakanta niya yun, nakatingin lang ako sa kanya at nakikikanta. Ang iba naman ay nakikikanta at iwinawagayway ang kanilang kamay, sabay sa kanta. Naluluha ako ng bahagya dahil naalala ko yung huling lalaking nagpaiyak sa akin. Isa ito sa mga pinakinggan ko na kanta para mailabas lahat ng sakit, lungkot at galit.

Kahit sandali, palayain ang pusong 'di mapigil
Sana'y tayong dalawa sa huling pagkakataon na ika'y magiging akin

Bumuhos ang aking luha dahil sa bumabalik lahat ng mga naalala ko. Lahat ng sakit, lungkot at mga iniisip ko nung panahon na yun. Nahirapan ako mag let go lalo na kapag tao yun, tapos malaki na ang naging parte niya sa aking buhay. Minahal ko na nga yung taong yun pero iniwan pa din ako. Nasanay na ako na nandyan siya, pero nung nawala ay nahirapan ako bumalik sa dating ako. Nakita naman yun ni Seokjin, at pinatahan ako. Tinatapik tapik ang aking likod, habang nakikikanta pa din. Alam ni Seokjin at Jimin ang lahat ng pinagdaanan ko. Sa bawat gabi sila ang aking kasama, sa bawat luha, sa pag ooverthink ko at sa bawat tanong na bumubuo sa aking isip, sila ang kasama ko.

Napansin naman ng iba, nag alala sila, nakita ko naman na sinenyasan ni Seokjin na 'okay lang' ako. Niyakap ako ni Seokjin at tumabi naman sa akin si Jimin to comfort me. I have a soft heart talaga ultimo simpleng kanta na ginamit ko to remove the pain from the past is still haunting me with the same exact pain that I felt. With the same exact sadness that it brought me.

At sa bawat minuto
Ako'y 'di natuto
Ipilit mang iba, ako'y maghihintay sayo
Ikaw ang aking kapiling sa huling sandali
Kasalanan ba kung puso natin ang magwawagi?
Kahit sandali, palayain ang pusong 'di mapigil
Sana'y tayong dalawa sa huling pagkakataon na hindi na para sa'tin
Kahit sandali, patawarin ang pusong 'di tumigil para sa'ting dalawa
Ang maling pagkakataon na ika'y magiging akin

I wiped the tears away and calmed myself. I mouthed 'thank you' kay Seokjin at Jimin, and they hugged me again, but much tighter. I felt the home in them.

magmahal muli | taekook auTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon