OVERTHINKING
Hindi ko mapigilan ang aking luha, gusto ko silang lapitan at tanungin bakit? Walang tigil ang aking pagluha. Yung taong mahal ko ay nasa iba na, masaya na siya sa yakap ng iba. Nilapitan ko sila para pigilan sila, I tried holding their hands but I can't. I tried screaming in front of them, but they can't hear me. Hindi ko sila mahawakan, I just cried my heart out. It hurts to see the person you love, happy with someone else.
Nagising na lang ako sa alarm ng aking phone. Tuesday. Bumangon ako at naramdaman ko ang malamig na hangin sa mukha ko. Hinawakan ko ang aking mukha at naramdaman ko na lumuha nanaman ako. Masakit pa rin pala talaga. Hanggang ngayon nasasaktan pa din ako dahil sa past ko.
Inayos ko na ang aking higaan at dumiretso na sa banyo. Naligo lang ako sandali. I realized, is this the price I have to pay just because I was happy yesterday? Akala ko okay na ako eh, okay naman na talaga. Natapos ako mag shower at namili ako ng aking susuotin.
I decided to go with oversized jacket and square-cut slacks and some sneakers. Wala ako sa wisyo na ultimo damit ko for school ay mema na lang. Pinatuyo ko ang aking buhok at naglagay lang ng moisturizer at lip balm. Bumaba na ako at nagtungo sa kitchen. Nakita ko naman na nakapaghanda na. Eggs, bacon, hotdogs and rice, I was not into that food right now.
"Kayo na lang po kumain. Busog pa po ako eh." sabi ko sa mga maid na nandun, binigyan ko sila ng ngiti. Kinuha ko na lang aking bag at nagpahatid na ako sa aming driver.
Nagpa drop na lang ako sa paborito kong shop, pagkapasok ko ay umorder na ako ng iced coffee at pancakes, naghanap ako ng mauupuan. Yun yung kinain ko kasi yun yung hinahanap ng panlasa ko. I opened my phone and noticed na magse-7am pa lang. First period pa lang, hinayaan ko na. Umupo ako sa table na nasa corner banda, habang nag aantay ng aking pagkain ay nag phone na lang muna ako.
From: Seokjin
Tae asan ka?To: Seokjin
wala ako sa schoolFrom: Seokjin
asan ka ba at saka may balak ka ba pumasok?To: Seokjin
basta at oo naman bakit mo naman natanong?From: Seokjin
wala kasi first period wala, parang hindi ikaw yan kaya pumasok ka naTo: Seokjin
oo, pagkatapos ko kumain ditoFrom: Seokjin
may prob ka ba? halata kase sa pag sagot mo sa texts koTo: Seokjin
wala, masama lang pakiramdam koFrom: Seokjin
wag ka na muna kaya pumasok?To: Seokjin
hindi pwede mahihirapan ako makahabol sa lessonsFrom: Seokjin
okay okay. mag iingat ka papasok ha?To: Seokjin
yup! thanks!Natapos ko ang aking kinakain na pancakes at lumabas na. Tinignan ko ulit ang phone ko at 7:20 am pa lang, ang bagal naman ng oras? Naglalakad ako nang may madaanan na convinience store, bumili ako ng ilang lollipop, dahil trip ko. Naglalakad ako habang may nakasalpak na earphones. Napansin ko sa di kalayuan ang isang pamilyar na likod. Lalaki siya at kaya ko nasabi pamilyar yung likod, ewan ko basta may kilala akong ganun yung built ng katawan. Napansin ko naman na may kasama siyang babae. Magjowa ata? Aba malay ko, wala naman akong pakialam sa kanila. Hinayaan ko na lang yun at nagpatuloy papasok ng school.
Habang naglalakad ako sa hallway, may dumantay na kamay sa balikat ko. Tinignan ko kung kanino nanggaling ang kamay na yun, sakto nang lumingon ako nagkasalubong ang aming mga mata. Panandaliang tumugil ang aking mundo, those perfect circled eyes makes me fall for him more. "hoy puso kalma mamaya mapaghalataan ka na niyan dahil sa kilos mo.", sabi ko sa sarili ko.
"Tae?" nabalik ako sa realidad. Tinignan ko siya ng malamya. "Ayos ka lang ba?" dagdag pa niya.
"Hindi." diretso kong sagot at nagpatuloy na ako sa paglalakad papasok ng room. Naglalakad pa din ako ng may lollipop pa sa aking bibig.
Pagkapasok ko ng room napansin ko naman ang tropa na nakakumpol sa isang table na malapit sa akin. Nilingon ko lang sila sandali, sakto naman sumenyas ng 'HI' si Namjoon. Nginitian ko na lang sila at dumiretso na lang sa aking upuan. Binibaba ko ang bag ko at nilibas ang phone ko, 7:30 am pa lang naman so may oras pa ako gawin ang gusto kong gawin.
"Anong meron kay Tae?" pagtatanong ni Namjoon. Naririnig ko sila dahil hindi na ako naka earphones at saka malapit sila sa upuan ko.
"Okay lang yan si Tae, hayaan niyo na lang muna." pagrarason ni Seokjin kay Namjoon.
"Weh? Ang sungit nga eh, daig pa babaeng may dalaw." sabi ni Jungkook. Tinignan ko siya ng masama, sumenyas naman siya ng peace. Tinarayan ko na lang at nagpatuloy sa pag gamit ng aking phone.
Hindi naman nagtagal ay dumating na ang prof namin, tinago ko na ang phone ko para makinig. Wala ako sa wisyo na gawin ang kahit ano, buti na lang may will pa ako makinig. Mahihirapan kasi ako maka-aral ng lesson nang mag-isa pag hindi ako nakinig. Nahihiya naman ako magpaturo sa tropa, baka isipin nila napaka pabigat ko.
Matapos ang isang oras ay next period na namin, hindi ko paborito yung subject pero kailangan ko makinig. Kahit boring at inaantok ako sa period na yun, still I managed to understand the lesson. Lumipas ang isang oras at ilang minuto, break time na namin.
"Tae bababa kami, sasama ka ba?" pagtatanong niya sa akin. Napatingin ako sa kanya at nginitian ko ng malungkot, alam niya na 'hindi' ang ibig sabihin nun.
"May papabili ka ba?" habol niya bago bumaba.
"Wala po." sagot ko. Bumaba na sila at andito ako sa room natira. Natulog na lang muna ako pampalipas ng oras ng break kasi wala naman ako maisip gawin saka hindi naman din ako gutom. Nagising na lang ako sa ingay ng mga kaklase namin, inikot ko ang aking paningin at nakita ko naman ang tropa na nasa isang banda lang naka upo. Napatingin ako sa nahawakan ko sa table ko, isang chocolate milk at banana bread.
Tinignan ko si Jimin at nakita niya naman na hawak ko na yung pagkain, I mouthed 'thank you' at nginitian niya na lang ako. Alam na alam ni Jimin kung ano makakapagpa-ayos ng aking mood. Natapos naman ang break namin ng mabilis at next period na. Medyo naging lively naman ako nung period na yun at sumunod pa. last period na namin nang malaman namin na wala yung prof namin, pero hindi pa kami pwede umuwi dahil daw malalagyan ng 'cutting' sa attendance.
Natapos ang klase namin at inaya naman ako nila Seokjin na kumain, pumayag ako para naman mawala yung lungkot na nararamdaman ko. Naglalakad kami ngayon papunta sa napag desisyunan namin ma puntahan.
Hindi naman kami nag tagal, tumambay na lang muna kami sa bahay nina Seokjin. Sa kanila na kami tumambay para gumawa ng mg assginments namin para ma-share ng bawat isa ang sagot nila. Payag naman ang iba na gawin ito. Hindi naman na kami inabot ng masyadong gabi dahil may kanya-kanya pang gawain pag dating sa kanilang mga bahay. Bumalik na lang ako sa school at dun na nagpasundo sa driver namin.
"Ingat Tae." sabi sa akin ni Jungkook. Umuwi na siya at sakto naman na dumating yung driver ko. Hindi naman ganun katagal ang aming byahe dahil medyo malapit lang naman ang bahay ko sa school.
BINABASA MO ANG
magmahal muli | taekook au
FanfictionBTS Fanfiction (on going) ------- Si Taehyung ay isang marupok at overthinker na tao. Takot na ulit magmahal dahil sa past niya, ngunit nakilala niya si Jungkook. Handa ba ulit siyang magmahal? Handa ba siya sa mga pwedeng mangyari? Sa mga pwedeng...