REASONS
2am na pero eto lang ako, walang tigil ang paglabas ng luha sa aking mga mata. Walang katapusan din ang pag-iisip at pagtatanong sa sarili kung ano ba ang mali? Pilit pinapaintindi sa sarili. Bakit kailangan niya gawin sa akin yun? Nagmahal ka lang naman ah, pero bakit grabe yung sakit na epekto sa iyo neto?
Nagmahal na ako noon. Ginawa ko nga ang lahat para mag stay siya. Kaso ayun hindi na lang ako bigla kinausap at malaman laman ko may iba na. Napakagulo ng isip niya. Iba't ibang motibo ang pinakita niya. Pero ako yung tanga. Binigyan ko ng kahulugan lahat ng ginawa niya sa akin. Simpleng "Hi! Kamusta ka?" ayun grabe na ang kilig. Nakilala ko siya sa napaka sandaling panahon kasi hindi naman siya nag dalawang isip na magpakilala kung sino siya.
Lumipas ang ilang araw, mas napapadali ko ang proseso ng pagtitiwala niya sa akin. At mas lalo akong nahuhulog sa kanya. Alam ko naman na wala akong pag-asa sa kanya eh pero kasi wala namang masama kung i-try diba? I have grown to know him more and fall for him more. Ganun ba ako karupok na just a simple gesture can really make me go nuts? Nasanay na ako na nandyan siya. Nasanay ako sa presensya niya.
Isang araw nakita ko na lamang may kasama siyang babae, parang masaya sila. Totoo ang mga ngiti. Nag-aasaran, kita sa mga ngiti nila na may something. It also hit me, the girl he was talking with was one of my closest friends. Di niya alam yun dahil never ko naman nabanggit sa kanya ever.
Ako lang ba? I'm already overthinking and concluding things just by observing. Questions entered inside my head. What if sila? Paano ako? Sino nga ba ako sa kanya? Hamak na isang "kaibigan" lang.
Nasasaktan ako pero anong magagawa ko. Hindi naman siya akin. Ako lang naman ang may gusto sa kanya. So anong karapatan ko masaktan. Ako lang naman kasi yung umaasa at nagbabaka sakali.
Tinanong ko siya kung anong meron sa kanila ang sabi niya naman ay magkaibigan lang din. Tinanong ko din yung kaibigan kong babae ang sabi naman niya magkaibigan lang naman daw sila. Pero bakit ganun? Bakit parang hindi?
Base kasi sa mga nakikita ko sa school and sa social media ko, hindi lang sila magkaibigan. Kung hindi nila sasabihin, aakalain mo na may relasyon sila.
Lumipas ang ilang araw pero ganun pa din. Ganun pa din sila umakto at mas lalo pang lumalim. Kilala ko kasi sila pareho eh, yung babaeng yun hindi malayo na may gusto na siya sa taong mahal ako at pakiramdam ko na ganun din naman siya.
One time nag dm siya sa akin. Nag open up siya sa akin about sa kaibigan ko. Na nagalit daw at hindi siya kinakausap. Sabi niya din na lahat ng tao iniiwan siya. Napaisip ako, "eh ano ako? wala lang para sa iyo?"
Sinabi ko sa kanya na try niya muna kausapin at tanungin kung anong problema. Sabi naman nito ay hindi daw sumasagot.
Kinailangan ko nang kausapin yung babae. At ayun nga din ang rason niya. Aalis din naman yung lalaking yun, edi uunahan niya na daw. Sinabi ko sa kanya na intindihin na lang niya since kaunti lang kaming mga nakakaintindi sa kanya. Nagka-ayos na din naman sila at bumalik din sa dati.
Hindi nanaman niya ako kinausap. Syempre masaya nanaman siya. Masaya siya sa piling ng iba. Naging close kami ng taong gusto ko, ngunit di kami nag-uusap ng katulad ng dati. Mas kinakausap niya na yung tropa ko. Nasaktan ako.
Nagmukha akong tanga. Ginawa lang akong takbuhan pag may problema sila? Ginawang tulay para magkabati sila. Alam naman niya na may gusto ako sa kanya. At alam din ng tropa ko na may gusto ako sa lalaking iyon. Nung una kasi walang masama kung lagi sila magkausap, kasi sa totoo lang sila lang naman kasi yung nagkakaintindihan. Isang hamak na kaibigan lang ako para sa kanya at para sa kanila. Kaya wala silang pakialam kung masaktan nila ako, dahil alam nila sa sarili nila na sila lang ang nagkakaintindihan at sa isa't isa lang sila nakakahanap ng totoong saya na wala sa iba. Na kahit kailan ay hindi niya makukuha sa akin. Na kahit kailan ay hindi ako ang magiging dulot nun.
Napagdesisyunan ko na din na lumayo kahit na madami pang tanong sa aking isip na nais ko ng kasagutan. Dahil lalo lang ako mahihirapan kung hindi ko iyun gagawin. Nais ko magalit, kaso hindi ko magawa iyon dahil naalala ko na wala lang naman sa kanya. Isa sa mga nakakaintindi sa kanya pero hindi ako yung taong gusto niya. Ginawa ko ang lahat para mawala ang sakit. I tweeted. I opened up to some of my friends. And most of all, I wrote a poem. And in that poem, I poured it all out. All the aches.
Gustong gusto ko magalit sa kaibigan kong babae. Gusto ko siyang tanungin kung anong meron sa kanila? Kung nahulog na ba siya? Para sana matigil na yung pag-iisip ko ng ganito. Kahit tanungin ko siya ng ganun, sasabihin niya na wala. Bakit pakiramdam ko hindi totoo yun?
At sa bawat araw na lumipas ay nakikita ko ang iba namin kaklase ay suportado sila sa relasyon nila. At makapag flex pa sa social media at aakalain mong magkarelasyon.
Pero hindi mapalagay ang aking damdamin. Alam mo yung kahit masakit na makita ay titignan mo pa din? Yung gusto mong saktan yung sarili mo. Alam ko naman hindi open sa mga relationship yung taong gusto ko dahil yun yung sabi niya sa akin, at tinanggap ko yun, naghintay ako at nagbaka sakali na baka lang naman, pero bakit nung siya yung dumating parang handa na siya agad para sa ganun. Bigla na lang ako nawala sa paningin niya. Nawalan ako ng halaga sa kanya.
Para silang soulmates, tamang tama at para bang itinadha para sa isa't isa. Oo aaminin ko, nais ko din gawin sa kanya yung ginagawa ng babaeng yun. Sana ako yung nagsasabi na "Sobrang swerte ko sa iyo". Sana marinig ko mula sa kanya yun. Sana kaya ko gawin yung mga bagay na yun.
At oo aaminin ko na nilabas ko lahat ng damdamin ko sa twitter. I even tweeted a bunch of stuffs hoping na matatamaan sila. Ganun ako nasaktan. Ganun kasi ako karupok. At ganun din ako katanga at kabobo para gawin yung bagay na yun. I looked desperate.
Masaya na sila ngayon sa isa't isa. Wala nang makakapigil sa kanila. Syempre wala na ako eh. They both lost a friend but they don't really care about me. At least now they can be with each other. I really hope that their relationship would stay strong. After all, I didn't gave him up to someone that I don't have any idea who she is. At least I know that he is genuinely happy and safe in my friend's care and embrace. But I love him. But maybe he wasn't the one for me. The one I've been loooing and waiting for.
——————————————————————————————————
a little backstory for y'all
——————————————————————————————————
BINABASA MO ANG
magmahal muli | taekook au
FanfictionBTS Fanfiction (on going) ------- Si Taehyung ay isang marupok at overthinker na tao. Takot na ulit magmahal dahil sa past niya, ngunit nakilala niya si Jungkook. Handa ba ulit siyang magmahal? Handa ba siya sa mga pwedeng mangyari? Sa mga pwedeng...