twenty

46 1 5
                                    

OVERTHINKING PT.2

Lumipas ang buong linggo na hindi niya ako kinausap, hindi ko alam kung bakit dahil sa tuwing lalapitan ko siya, ay siya mismo lumalayo. I kept on trying to reach out, and talk to him but he won't respond. I just surrendered and kept on with my life.

"Guys gusto niyo ba tumambay sa bahay? Since wala na din naman tayong gagawin." pag-aya sa amin ni Seokjin.

"Tara!" sang-ayon naman ni Jimin.

"Tara na!" sabi ko naman. Sabay sabay naman kami lumakad, nang biglang tumigil si Seokjin dahilan para kami ay mapatingin sa kanya."Teka lang ayain ko lang sina Namjoon." Habol niya. Kinuha niya ang phone niya para naman tawagan si Namjoon.

"Hello Joon. Balak namin kasi tumambay sa bahay ko, kami nina Tae at Jimin since wala namang gagawin. Movie marathon tapos if gusto niyo, overnight na din haha joke" sabi ni Seokjin, nagkatinginan na lang kami ni Jimin. Alam na agad namin sa sarili namin at sabay na tumingin kay Seokjin. "Sige kita na lang tayo sa lagi nating kainan para sabay sabay tayo na pumunta sa bahay. Sige, see you!" sakto namang binaba niya na ang call.

"Oh bakit ganyan mukha mo Tae?" pagtatanong sa akin ni Seokjin, minsan sarap din tuktukan si Seokjin. Parang hindi niya alam yung nangyayari sa amin, sa akin. Alam ko naman at dahil sinabi na rin nila, wag ko na siya masyado isipin, pero ano magagawa ko, Gusto ko yung tao, mahihirapan akong gawin yun.

"Kayo na lang, hindi na ko sasama saka may gagawin pa akong importante." sabi ko sa kanya.

"Mas importante pa sa aming mga kaibigan mo?" pagtatanong naman ni Seokjin. Agad naman tinuktukan ni Jimin si Seokjin dahilan para matawa ako.

"Luh tanga ka? Hindi mo ba naalala yung kwento sa atin ni Tae tungkol sa kanila ni Kook?" madyong asar na sabi ni Jimin, nanlaki ang mga mata ni Seokjin nang maalala iyon.

"Hala sorry Tae, gusto mo ba sabihin ko na cancel na lang para tayong tatlo na lang? Gusto ko lang kasi kayo makasama eh, saka naisipan ko lang sina Namjoon kasi naging parte na sila ng tropa natin." sabi ni Seokjin, napaisip naman ako. Oo nga naman tropa na namin sila kaya naging part na ng sistema namin na lagi silang ayain.

"De gusto mo lang talaga makasama si Namjoon eh, sabihin mo lang haha." pang-aasar ko kay Seokjin.

"Huy hindi kaya." pagtatanggi pa niya, pero halata mo din naman sa mukha niya na kinikilig. "De ayos lang, sige sama mo na sila, sasama din ako." sabi ko naman sa kanila.

"Sure ka ba diyan?" sabi ni Jimin. Tumango na lang ako bilang desisyon.

Wala namang masamang mangyayari diba? Hayaan na lang natin, saka isa pa kaibigan pa rin naman siya, sila. Anong masama kung kasama sila?

"Tara na?" pag-aaya ko sa kanila. Napakamot na lang ng batok si Jimin, inakbayan ko na lang sila para sabay-sabay na maglakad.

Buti na lang na may dalang kotse si Seokjin, siya na ang nag drive papunta sa kanil. Buti na lang din na wala akong dalang sasakyan, ganun din si Jimin. Hindi naman ganun katagal ang byahe, sakto din na pagdating namin ay kakadating lang ng sasakyan nila Namjoon.

Nakita ko nanaman siya, bakit parang nakaramdam ng biglang paglamig ang aking tiyan. Kinakabahan ako na hindi ko maintindihan, nginitian ko siya. Pero umiwas na lang siya ng tingin, buti hindi nakita nila Seokjin yun.

Sabay-sabay kaming pumasok sa bahay, at dumiretso agad sa living room. Nagsi-upo sila sa sofa na nasa living room, kami naman ni Jimin ay sumunod kay Seokjin. "Diyan lang kayo ah, akyat lang kami sa kwarto ko." sabi ni Seokjin.

Pagkaakyat namin sa kwarto ni Seokjin, binaba agad namin ang bag namin at dumiretso kami na nahiga ni Jimin sa may higaan niya. "Wow kwarto niyo." sabi ni Seokjin, at natawa na lang kami. Binaba ni Seokjin ang bag niya at kumuha ng damit at dumiretso na sa bathroom para magpalit ng damit.

"Tae, sure ka na ba na okay lang sa iyo na andito sila?" pagtatanong naman sa akin ni Jimin. "Oo naman bakit hindi?" sabi ko sa kanya. "Baka hindi ka kasi komportable na andiyan sila, lalo na si Kook." sabi ni Jimin. "Sus, wag niyo na lang isipin yun, oks naman na sa akin kung andiyan sila, tropa tayo." nginitian ko na lang siya.

"Oh ano wala kayong balak tumayo diyan?" sabi ni Seokjin, napatayo na kami at sabay sabay na bumaba. "So anong trip niyong gawin?" pagtatanong ni Seokjin. May sandaling katahimikan, bago nagsalita si Hoseok, "Netflix and chill tayo? Nood tayo ng moive?"

"Pwede naman." sabi ni Namjoon, "Sige yun na lang gawin natin." sabi ni Jimin. "Min at Tae, kuha kayo ng snacks sa pantry. Tas Yoongs at Kook, kunin niyo yung drinks sa ref." pag iinstruct sa amin ni Seokjin. Pumunta na kami ni Jimin sa pantry, at kumuha na kami ng kung ano-anong chips na makita namin, kumuha din kami ng popcorn. Syempre manonood ng movie kaya hindi mawawala ang popcorn.

Nauna nang lumabas si Jimin, may kinuha lang ako sandali bago ako lumabas. Napatigil ako sa paglalakad ko ng makita ko si Kook, nagkasalubong pa nga kami. Nagkatinginan na lang kami bago ako dumiretso sa paglalakad, nakasunod lang naman siya sa akin.

Nilagay ko ang nakuha na snacks sa table na naka set sa gitna, umupo ako sa tabi ni Jimin. Tinignan ko lang si Kook sandali bago pa ako mahuli. Buti na lang at nakapili sila agad ng papanoorin kaya't nagsettle na din naman kami. Horror ata yung napili nila.

Natapos ang movie, walang tigil ang tawa namin. Sigaw ng sigaw si Hoseok at Seokjin kaya walang tigil lang ang tawa namin lahat. Naghanap pa sila ng isang movie, dahil sa medyo maaga pa naman. Same as before horror pa din ang pinili nila, kawawang Hoseok at Seokjin, hindi na natapos ang pagsigaw.

Natapos naman kami manood, kaya naman nagpasya na kami na magsi uwi. Napansin ko naman sa hindi kalayuan si Jungkook na naglalakad mag-isa, nagdadalawang isip pa ako kung hahabulin ko siya. Bahala na nga, buti na lang mabilis ko siyang nahabol.

"Huy Jungkook" hingal kong tawag sa kanya, nilingon niya lang ako sandali tapos yumuko pero patuloy pa din siya sa paglalakad. "Huy! Jugnkook" tawag ko sa kanya habang tumatakbo. "Uy ayos ka lang ba?" pagtatanong ko sa kanya, sabay kami sa paglalakad pero hindi pa din niya ako sinasagot. "Pansin ko na parang hindi mo ako pinapansin, may nagawa ba akong mali?" pagtatanong ko ulit, pero wala pa ding imik. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad, tumahimik na lang ako.

Tanaw ko sa hindi kalayuan ang bus stop, pero bago pa ako makalayo nakaramdam ako ng hila sa aking kamay. Sumalubong sa aking ang isang mahigpit na yakap, yakap na hindi ko maipaliwanag ang ipinadarating. Ramdam ko na nagiging basa ang aking mga balikat, niyakap ko na lang din siya pabalik. Lalong bumuhos ang kanyang mga luha, nanatili lang din kami sa posisyon na ganun ng ilang minuto.

"Sorry Tae, nakita mo akong ganito" hindi pa din siya tumitigil sa paghikbi, pinapatahan pa din siya. "Kung ayos lang sa iyo pag-usapan, at kung may oras, tara pag-usapan natin. Sabihin mo lang lahat ng gusto mong sabihin sa akin" sabi ko sa kanya, buti na lang pumayag siya. Naglakad lang kami papunta sa pinaka malapit na convinience store, naka akbay ako sa kanya dahil sa pinapatahan ko pa siya.

magmahal muli | taekook auTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon