seventeen

35 0 0
                                    

PAIRWORK

Saturday na, napag usapan ng barkada na maaga magkita-kita para daw kung mag decide ang by pair na mag practice or what, ay set na ang sa group na peta. Hindi naman ako masyado nagdala ng gamit since mag-iisip pa lang naman kami ng concept para sa gagawin namin. Maybe my phone and ipad is enough para naman makapag take down ako ng notes habang nag sasalita sila, sayang kasi kung salita sila ng salita at hindi nainote ang ideas.

TH: guys saan pala tayo magkikita-kita, also saan na tayo tatambay para makapag-isip?
SJ: edi sa lagi nating kinakainan since dun naman tayo lagi sanay unless u guys prefer other places?
TH: akin oks lang na dun na tayo, sa iba ba?
YG: oks lang naman din na sa amin
NJ: Yup oks na dun para kung gusto ng by pair na umalis at mag pracitce at least nasa gitna lang tayo, hindi ganun kalayo sa mga bahay natin haha
HS: sanaol di malayo.
SJ: set na sa dati na lang tayo magkita kita. 10am in punto andun na ah chos wanhap pero wag naman kayo papalate kase mahirap mag explain, mas maganda na nandun kayo at least u know what will happen and nakapag suggest pa kayo.
JK: opo mommy haha
SJ: aba aba umayos ka kook ah
JK: joke lang naman haha
JM: sige guys see you in a bit!
TH: oo nga, see u guys! ingat sa mga magda-drive papunta na?
NJ: yes po haha see you guys!

Inoff ko na yung phone ko, nagpahatid na ako sa driver namin sa pupuntahan ko. Medyo maaga ako umalis ng bahay kaya baka maaga ako dumating dun. Hindi din naman ganun katagal ang byahe considering na maaga pa at medyo malapit lang naman ako sa meeting place.

Pagkadating ko naman sa meeting place nag-order na ako muna ng aking breakfast. I walked to the counter, while waiting in line I looked up to their menu and chose to go with pancakes and coffee. Baka kasi antukin ako mamaya habang nag didiscuss kami ng mga balak namin. Pinili ko na yung table na kasya kaming pito para naman may mauupuan na sila pagdating nila.

TH: guys andito na ako
SJ: aga mo naman?
TH: ahhh hindi sakto lang, sandali lang kasi byahe ko papunta dito. also ingat sa papunta ah
SJ: ahhh okie okie, salamat.

Sakto naman na dumating na ang inorder ko na pagkain, habang kumakain ay dumating na si Namjoon. Kumaway ako para naman makuha ang atnesyon niya, nang mapansin ako ay pumunta na siya sa inuupuan ko at umupo.

"Good morning! Nag breakfast ka na?" bungad ko sa kanya.

"Good morning din, hindi pa eh." sabi niya naman sa akin.

"Hala sige breakfast ka na muna haha." sabay inom sa kape ko. Nginitian niya naman ako at tumayo para pumunta sa counter. Hindi naman siya ganung katagal umorder, umupo na lang siya sa tapat ko.Hindi naman nagtagal ay dumating na ang food niya at iba pa naming kasama. Nag-order din sila ng kanya-kanyang pagkain nila. Inantay ko na sila matapos sa mga kinakain nila bago naman gawin yung balak namin. Ngunit si Jungkook ay hindi pa dumadating, baka late nagising or baka may dinaanan.

"Anong ginawa mo Tae habang nag-aantay sa amin?" pagtatanong sa akin ni Seokjin, sabay subo ng kinakain niya waffles.

"Nag breakfast lang." sabi ko naman, hawak ko ang cellphone ko at busy sa pag scroll.

"Tae paki message naman si Jungkook paki tanong kung nasaan na siya." pag-uutos ni Seokjin sa akin. "Since andyan ka na rin naman sa phone mo." habol pa niya at diretso sa ang pagkain. Pumunta naman ako sa isa sa mg amessaging apps na alam kong makikita ni Jungkook agad.

TH: Jungkook saan ka na daw ba? pinapatanong ni Seokjin

Nag-antay ako ng sagot niya. Binaba ko na muna ang phone ko at nakisali naman sa usapan ng iba.

"Habang kumakain pa naman yung iba mag-isip na kayo ng pwede nating maging focus ng kanta natin." sabi ni Namjoon, biglang tumunog ang phone ko. Agad kong kinuha ang phone ko para naman tignan yung notification ko. Galing kay Jungkook.

JK: eto medyo malapit na
TH: okay okay dalian mo. bungangaan ka nanaman ni Seokjin dito haha
JK: yes love

Nanlaki ang mata ko sa nirespond niya.

TH: gege ingat

Yun na lang ang nasabi ko dahil sa gulat at kilig na aking nadarama. Napangiti ako ng magsink-in na sa akin na tinawag ako ni Jungkook ng 'love', tinatanggi ko na lang kasi sure naman ako na hindi niya naman sinasadya yun. Napansin naman ni Jimin yun, nakaramdam ako ng palo sa likod, kaya nabalik ako sa realidad. Tinignan ko ng masama si Jimin at binigyan niya naman ako ng isaang ngiting huminhingi ng tawad.

"Bakit ka kasi naka ngiti diyan?" pagtatanong naman, napatingin naman ako sa kanya.

"Ahh okay okay." tumango siya ibig sabihin na naintindihan niya na kung ano ang dahil ng aking mga ngiti. "Magkwento ka sa akin mamaya." habol niya pa.

Hindi naman nagtagal ay dumating na si Jungkook, tinawag naman siya ni Namjoon. Naglalakad siya papunta dito at umupo naman sa tapat ko. Sinundan lang namin siya ng tingin.

"Nagbreakfast ka na ba?" pagtatanong ni Seokjin. Umiling naman si Jungkook.

"Order ka muna ng pagkain mo pagkabalik mo dito saka tayo mag-usap-usap ng balak natin para sa group work." sabi ni Seokjin. Tumango siya at tumayo para pumunta sa counter para mag-order.

Lumipas ang ilang oras ay natapos naman namin ang balak namin para sa group peta namin.

"See you guys sa school, chat chat na lang ha? Next time na magpapatawag ng meeting, gawa na tayo ng lyrics natin." sabi ni Namjoon. Since maaga namin kami natapos ay nagpasya na kami na magkanya-kanya na, na magsama-sama ang pairs para sa kanilang pair peta.

"Bye guys." sabi ni Jimin. Nakatingin ako sa kanya at kumaway. Lumakad na sila papalayo, sina Seokjin at Namjoon din ay umalis na. Natira na lang kami ni Jungkook dito. Nagtinginan kami sandali at bigla tumawa.

"Well mukha tayong tanga dito." sabi ni Jungkook.

"Eh kasi yung mukha mo eh." depensa ko naman, tumatawa pa din ako.

"Hay nako, so ano balak natin?" sabi ni Jungkook.

"Gusto mo maglunch na muna tayo since maglulunch time naman na?" pagtatanong ko sa kanya.

"Pwede din." pagsang-ayon niya. "Kaso saan tayo after? dito na lang? your place or my place?" pagtatanong niya.

"Saan mo ba gusto?" pagtatanong ko.

"Sa iyo ko gusto." sabi niya. Nanlaki ang mata ko at medyo nag-init ang aking pisngi. "Joke lang." sinabi niya pa, nalungkot ako sa loob ko nang sinabi niya yun pero nakangiti pa din ako. Napaka pa fall naman hays.

magmahal muli | taekook auTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon