SOMETHING CHANGED
Tuesday came and maaga naman ako pumasok pati na din ang tropa. Mabuti na lang pumasok na si Jungkook ng maaga, ngunit ganun pa din hindi pa din kami pinapansin. Hinayaan na lang namin, baka naman kasi mag open up sa amin pag ready na siya.
Wednesday, Thursday at Friday, lumipas ang ilang araw ay ganun pa din si Jungkook. Ano kayang nangyari? Bakit hindi niya kami kinakusap? We are reaching out pero ayaw niya mag open up, na para bang ayaw niya kami kausapin. Na para bang lahat gagawin niya upang iwasan lang kami. Para namang hindi niya kami kaibigan.
Hindi kaya dahil sa akin? Sana hindi naman. Hindi pa naman niya alam na gusto ko siya eh. Nakakalungkot lang kasi laging hindi kumpleto ang barkada. Tapos kaya pala hindi sumasama ay dahil sa akin, pero wag naman sana. Masakit lang na iniiwasan niya ako, kami.
Saturday nanaman at wala naman masyadong gagawin kaya naka tambay lang ako sa bahay. Nanonood ako ng series sa living room nang biglang nag chat si Seokjin at Jimin sa groupchat naming tatlo.
SJ: night out tayo mamaya, tayong tatlo lang. namiss ko na kayo kasama, subukan niyo tumanggi. wala namang pinauwi na gawain kaya tara na.
JM: sige g ako!
SJ: ikaw Tae?
TH: sige sama ako haha kaso what time tayo kita at saan?
SJ: since Saturday naman sa bahay ko na lang mga 8pm andun na ha?
TH: okay okay!
JM: see youuu!Napansin ko namang 6pm na, may 2 oras pa mag ayos ng aking sarili. Umkayat ako sa aking kwarto, kinuha ko ang aking mga gamit at nagsimula na. Habang may nakalagay na facemask sa akin, nagsimula na akong tumigin sa closet ko ng pwede kong suotin mamaya.
Nakita ko naman ang black jeans and some red loose polo, yun na lang pinili ko since comfortable siya yet pwdeng gamitin for gala or night outs.
7pm umalis na ako sa bahay at nagpahatid kina Seokjin sa driver naming, alam naman ng parents ko ito since nagpaalam ako sa kanila.
Saktong 8pm nakila Seokjin na ako, andun na din si Jimin. Umalis na agad kami at pumunta sa isang bar na pagmamay-ari ng parents ni Seokjin. Pagpasok namin, inassit naman kami kaagad sa VIP lounge since anak nga si Seokjin ng may-ari ng bar na ito.
We seated and nag order kami ng drinks namin. Hindi kami nag order ng hard stuff since we just want to have fun and chill lang kami. We danced through the night and we've had a couple more drinks, which turned us a bit tipsy.
"Guys let's find a coffee shop nearby." sabi ni Seokjin, siya lang ang sober up saming tatlo since he has high tolerance on alcohol. Pinasakay kami ni Seokjin sa sasakyan niya.
"Wag lang kayo susuka naku ha?!" pagbabanta ni Seokjin. Hindi naman nagtagal nakahanap na ng coffee shop at sabay din namang nag sober na kami ni Jimin.
Buti na lang na at bukas pa itong isang coffee shop. Nag-order na kami, the three of us got some hot coffee.
"Tae may gusto ka ba sabihin sa amin? Lately kasi ang distant mo and parang gusto mo mag open up pero hindi mo magawa." pagtatanong ni Seokjin. Napatingin ako sa kanya dahil sa gulat, agad ko namang iniwas ang aking tingin at nag-isip ng pwedeng maisagot.
"Tae napansin ko din kasi na parang ang lungkot mo lang palagi, lalo na ngayong week." dagdag pa niya. Nahalata niya yun? O fc ourse kaibigan ko siya kaya kilala niya yung kilos ko.
"Ahmmm...A-ano kasi..." nauutal kong sabi. Kinakabahan ako ng hindi ko mainitindihan, gusto ko sabihin kaso may pumipigil.
"Ano? Open mo lang Tae, kaibigan mo kami." sabi ni Seokjin. Wala na akong nagawa, halata na niya.
"Nasabi ko na ito kay Jimin nung out of town natin. May g-gusto ako sa isang tropa natin." nahihiya kong sabi. Nakayuko lang ako, kinakabahan sa sasabihin ni Seokjin. "Kaya ako nalulungkot at wala sa sarili ay dahil sa kanya." dagdag ko pa.
"Si Jungkook yan noh?" sabi ni Seokjin, sabay kami ni Jimin na napatingin sa kanya na gulat na gulat.
"P-paano mo nalaman?" pagtataka ko.
"Eh kasi siya lang naman yung wala sa tropa. At saktong naman nung hindi na siya sumasama sa atin ay nagsimula na yang lungkot mo." Seokjin explained.
"Okay suko na ako." sabi ko sabay taas kamay, senyas ng pasuko. "Oo siya yung gusto ko, hindi ko alam basta nung medyo nakilala ko siya these past few months, I've grown to like him." nakayuko kong sabi.
"There is something about him na hindi ko masabi na dahilan kung bat ako nafall." pagpapaliwanag ko pa.
"Sorry kasi ang rupok rupok ko." malungkot kong sabi.
"No, it's okay Tae. We totally understand. Syempre kaibigan ka namin kaya naiintindihan ka namin." Seokjin assured.
"Hindi naman masama mafall Tae, pero kasi sa sobrang kilala ka namin, baka mangyari ulit yung dati? Dahil sa karupokan mo nahirapan kang bumalik sa dati." dagdag pa niya.
Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi niya. Totoo naman kasi, nagmahal ako ng isang lalaki noon, one-sided love. I confessed my feelings to him, kasi feel ko na right time na yun, at saka feel ko okay lang sa kanya since kilala niya na ang pagkatao ko.
Nang sabihin ko yung mga salitang "Gusto kita." naalala ko pa nun nakangiti siya. Ako naman ay kinakabahan baka hindi naman maibalik yung feelings. Nag thank you lang siya, after a week nag uusap pa kami. After a month, nagsimula siyanh umiwas. It took me almost 6 months to move on. 6 fucking months for a stupid puppy love or what the hell they call it.
"Uy Tae nakikinig ka ba?" Seokjin snapped at my face, napabalik ako sa realidad.
"Tae, wag mo ibigay lahat ha? Magtira ka para sa sarili mo. Also, alam mo na ngang marupok ka, wag ka nang rurupok pa?" pagpapa-alala ni Seokjin sa akin.
"Aray ha?" nasaktan ako sa sinabi niya.
"Diba masakit? Kasi nga truth hurts. Kidding aside, guard your heart bub! Kilala mo sarili mo, last time you had to spend away almost 6 months of your life over that stupid guy / friend of yours." panenermon niya.
"I know, medyo mahirap lang since ayun nga I'm too soft." malungkot kong sabi. Alam ko naman sa sarili ko na marupok ako pero kasi kahit na anong advice nila sa akin mahihirapan ako. Pero ginagawa ko naman ang lahat para naman maisagawa yung mga payo nila.
"Hindi kami palagi nasa tabi mo Tae. Mahal ka namin alam mo yan. We only want the best for you kasi alam namin kung gaano kasakit yung nararamdaman mo." Seokjin said, he gave me a reassuring smile. "Hindi ko pipigilan ang nararamdaman mo, andyan na yan, nasa sa iyo na yan kung paano mo patatakbuhin. At ikaw ang may hawak niyan, ibig sabihin ikaw ang mag-aalaga diyan. Kaya kapag nasaktan yan, alam mo na." pagpapaliwanag ni Seokjin.
"Bub wag mo na masyado isipin yun si Jungkook. Don't overthink too much. I'm sure okay lang yung bugok na yun." pagsabi naman ni Jimin.
"Yes bub! Thank you sa inyong dalawa talaga." binigyan ko sila ng malungkot na ngiti.
"Bub hindi masama ang mahalin muna ang sarili bago ang iba ha?"Jimin adviced. "Mahal ka namin Tae kaya namin ito sinasabi sa iyo. Please gurad your heart." saad pa nila.
Matapos ang aming usapan ay umuwi na kami. Hinatid kami ni Seokjin sa mga bahay namin. Hindi naman ganoong masakit ang aking ulo kaya naghilamos muna ako at nagpalit ng damit.
Kinabukasan, Sabado na ulit. Wala na ako masyadong ginawa since wala din naman pinauwing schoolwork. Nanonood ako ng series ngayon, pero wala akong maintindihan dahil iniisip ko si Jungkook.
Kamusta na kaya siya? Bakit kaya siya umiiwas sa amin? May nagawa ba kaming mali? May nagawa ba akong mali?
Lumipas ang weekend, wala naman masyadong ginawa sa bahay. Nanood lang ako ng series at naglinis lang ng bahay. Sumagi sa isip ko sandali si Jungkook, I tried reaching out to him pero wala pa rin siyang sagot. Nakakamiss lang ang presence niya sa barkada.
BINABASA MO ANG
magmahal muli | taekook au
FanfictionBTS Fanfiction (on going) ------- Si Taehyung ay isang marupok at overthinker na tao. Takot na ulit magmahal dahil sa past niya, ngunit nakilala niya si Jungkook. Handa ba ulit siyang magmahal? Handa ba siya sa mga pwedeng mangyari? Sa mga pwedeng...