one

176 5 0
                                    

IT'S NOT SO GOOD TO BE BACK

Bakit ganun, nagmahal ka lang naman ah pero bakit may kasamang sakit? Hindi ko naman sinasabing ayaw ko magmahal ah, pero kase diba nagmahal ka lang naman pero bat ang kapalit nun ay sakit? Binigay mo naman lahat, pero iniwan pa rin naman.

Andito ako ngayon sa isang coffee shop sa loob ng airport, iniintay ko ang aking mga mababait na kaibigan, please not the sarcasm. Just kidding. Drinking some coffee and my laptop in front of me while looking at the people walking from different direction to another direction. A perfect scene to paint or even take a photo.

Nagpasya kasi kaming magkakaibigan na umuwi dahil sa binigyan kami ng oras ng aking mga magulang na bumalik ng Pinas. Andito kami ngayon sa US, dahil matapos namin mag kolehiyo ay agad ako lumipad sa US dahil sa trabaho na nakaabang sa akin, sa kumpanya ng aking mga magulang.

Ngayong napapaisip ako, bumalik lahat. Bumalik yung sakit, yung saya, lahat lahat ng mga memorya bumalik. Handa na ba ako bumalik? Hindi ko din alam.

Nakita ko ang mga kaibigan ko sa malayo na papunta sa akin. "Hay nako at last nandito na kayo. Bakit ba ang tagal niyo?" sabi ko.

"Eh kasi itong si Jimin masyadong matagal maligo" Sabi ng kaibigan kong si Seokjin.

"Bakit ba? Ganun naman ako talaga maligo eh." sabi ni Jimin.

"Hayaan niyo na, at least andito na kayo bago pa tayo magboard." sabi ko.

Naglalakad na kami papunta sa check in counter. Ngayon nag-aantay na lang kami na tawagin ang aming flight para magboard. Pero andito kami ngayon sa isang kainan sa loob ng airport para mag lunch since mga 2pm US time pa board namin.

Tapos na kami kumain ng biglang mag tanong si Jimin, "Handa ka na ba umuwi?"

"Oo naman, bakit naman hindi?" sabi ko kay Jimin nang may halong pagtataka.

"Alam mo na. Syempre andun yung taong minahal mo noon at nanakit sa iyo." sabi ni Jimin nang may pag-aalala.

"Eh anong masama dun?" kumunot ang noo ni Seokjin.

"Oo nga? Naka move on na ako at okay na ako ngayon. Going on back home wouldn't hurt right?" pag depensa ko.

"Okay sabi mo eh." pagsuko ni Jimin.

Tinawag na ang aming flight. Agad kaming tumayo at pumunta sa gate upang pumila.

Matapos ang ilang oras ng biyahe ay nakarating na kami sa Pilipinas. Pagkalabas namin ng airpoort nakita namin si Hoseok. Siya ang sumundo sa amin, since siya ang pinaka close namin noon pa man.

"Welcome back! Kamusta naman?" sabi ni Hoseok. Pasakay kami sa sasakyan na dala niya.

"Eto okay naman." sabi ni Jimin.

"Ahh okay, ano balak niyo gawin habang nandito kayo?" sabi ni Hoseok habang nagmamaneho. Papunta na kami sa bahay namin dito sa Manila. Dun kami papunta since wala din naman nakatira dun, also my parents insisted na dun na lang kami mag stay for the meantime.

"Vacay? Kind of. Pero for now I really want to eat dinner and get some rest." sabi ko.

"Okay okay. Saan niyo ba trip kumain?" pagtatanong ni Hoseok.

"Maganda siguro kung mag drive thru na lang tas sa bahay na kumain, since pagod kami haha saka para makapagpahinga na din pagkatapos haha" sabi ko.

"Oh sige" sabi ni Hoseok.

Nakauwi na kami at agad na kumain. Matapos namin kumain ay nagpahinga na kami. May oras naman kami makapag gala bukas.

Kinabukasan ay nagka yayaan na gumala ngunit hindi ako sumama dahil nais ko mapag isa ngayon.

Balak ko puntahan yung mga lugar na paborito ko puntahan noon. At gagamitin ko na din itong oras para naman sa sarili ko. Tutal it is a vacation after all.

Bigla ko siya naalala.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

magmahal muli | taekook auTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon