three

60 3 0
                                    

GETTING TO KNOW YOU

Kinabukasan ay ginawa ko lang ang routine ko. Pagkatapos nun ay sumakay na ako at nagpahatid. Bago makarating ng school nagpa drop lang ako sa paborito kong shop, which is yung kinainan namin kahapon. Nag order lang ako ng hot chocolate since kailangan ko din ng pang painit ng tiyan. Kasama ng hot chocolate ay bumili ako ng baked chocolate chip cookies for snacks. Pagkarating ko sa gate ng school nakita ko sa di kalayuan si Jungkook.

"Hi! Good morning!" pagbati ko

"Good morning din. Aga mo naman?" pagtatanong niya.

"Ahh hindi naman. Sakto lang. Dumaan kasi ako sa kinainan natin kahapon kaya medyo napaaga ako ng onti. By the way, gusto mo?" pag-aalok ko sa kanya ng chocolate chip cookies.

"Sige, salamat haha" sabi naman niya sabay kuha sa maliit na paper bag.

Sakto pagkakuha niya isa isa nang sila nagdatingan. Si Jimin na nag set ng call time ay ang pinaka huling pumasok.

"Akala ko ba walang filipino time?" sabi ni Seokjin kay Jimin.

"Bakit ba? Nagpalate ako onti para makasigurado na andito na kayo lahat bago pa ako pumasok." pagrarason naman ni Jimin.

"Sus. Sige sabi mo eh" sarkastiko kong sabi.

Sabay sabay kami pumasok at buti na lang may onti pa kaming oras para makapag ayos. Pumasok na ang prof namin at nagsimula nang magturo. Nakakabore naman. Hindi ako masyado nakinig at nagmasid masid na lang sa paligid ko. Sila Seokjin at Jimin mukhang nakikinig pero mukha ding nagchichismisan. Yung si Hobi naman tamang kinig lang, sana all. Sila Namjoon naman nakikinig din, mga mababait at huwarang estudyante. Inikot ko ulit ang paningin ko, nang mapansin ko si Jungkook. Saktong pagkatingin ko kay Jungkook ay nakatingin siya kaya agad ako napaiwas ng tingin. Hay nako baka isipin neto may gusto ako ‪sa kanya.

Wala akong nagawa kung hindi makinig na lang sa tinuturo ng prof namin. Tutal kailangan din kasi syempre nagtuturo siya. Kahit pumipikit mata ko pinilit kong gumising at makinig sa prof namin. Lumipas ang ilang oras at subjects ay break na namin. Nagsitayo ang lahat para magpaalam sa prof namin. Nag unat unat ako sandali at nag-ayos ng mga gamit kong ginamit kanina. Nakitang kong papalapit si Jimin at Seokjin sa akin.

"Uy sabay sabay na tayo bumaba" sabi ni Jimin.

"Sige sige. Tara" sabi ko naman. Inaya naman ni Seokjin yung apat, niligpit ko lang ng aking mga gamit saka pumunta sa direksyon nila. At sabay sabay na kami pumunta ng canteen para sa break.

"Hirap kanina ng lesson noh? Hirap hindi tulugan" natatawang sabi ni Hoseok.

"Oo nga eh. Hindi naman mahirap yung subject or baka dahil sa way lang ng pagtuturo yun? Pumipikit mata ko kanina jusko" sabi ko naman.

"Hindi naman ganun kahirap yung lesson." saad ni Namjoon. "Also introductory pa lang naman sa lesson kaya medyo nakakalito at nakaka antok" dagdag niya. Pansin kong nakatingin sa akin si Jungkook na nakaupo sa tapat ko, ngunit hinayaan ko lang ko lamang. Nang matapos kami bumili ng aming mga pagkain ay bumalik na kami sa aming room. Makalipas ang ilang oras ng pag-aaral, nagkayayaan nanaman na kumain, mukhang magiging part na ito ng routine ko for the whole school year ah.

"Oy arat kain" pag-aaya ni Namjoon.

"ARAT!" sagot ni Hoseok at Seokjin. Sabay sabay kaming naglakad papunta sa kainan. Bago yung pinuntahan namin kumpara sa dati, masarap daw dito yung ramen nila. Nakahanap kami ng mauupan at nag order na. Nagkwentuhan lang ng onti at dumating na rin ang aming inorder na pagkain. Maganda sa aming pinuntahan at ang pagkain ay masarap.

"Oy sabay sabay ulit pumasok bukas ah, 30 minutes before dapat kumpleto na ah. Walang filipino, ang gagawa nun, hayaan natin malate." Pag-aaya at pagbabanta ni Hoseok.

"Oh ayan Jimin ah. Wala daw papalate." sabi ni Seokjin nang nakitingin kay Jimin.

"Oo na." sabi ni Jimin sabay irap. Parang bata. Matapos naming kumain, umuwi na kami.

Nang makauwi ako nakatanggap ako ng notification mula sa dalawang social media app ko.

Facebook: Jeon Jungkook sent you a friend request.
Instagram: JeonJK_ followed you.

"Ano toh?" pagtataka ko. May bigla nag message sa akin. Binuksan ko at nakita kong nag message si Jungkook. "Luh?" pagkagulat ko. Nakaramdam ako ng kakaiba sa akin.

JK: Hi Taehyung
TH: Hi din Jungkook!
JK: kamusta ka?
TH: eto okay lang naman ikaw ba?

Nag-antay ako ng reply niya kaso wala na. Mukhang inbox naman ako dito. Medyo nasaktan ako dahil hindi niya agad nag reply. "Naku selp alam ko na yang feelings mo. Hindi yan maganda ah. Naku naku" sabi ko sa sarili ko. "Ayan ka nanaman. Handa ka na ba ulit?" pagtanong ko sa sarili ko. Hinayaan ko na lang yun at natulog na.

At sa pagtulog kong iyon. Bumalik lahat ng alaala sa akin. Mga sakit at memorya na nais ko nang mawala ngunit hindi magawa.

———————————————————————————————————————-

magmahal muli | taekook auTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon