five

47 2 0
                                    

OUR FIRST CONVERSATION

I woke up from dreaming. I felt tears falling from my eyes, that felt real. Kung tutuusin totoo naman yun since past ko siya. Still it hurts. Yung feeling na the man I loved was in love with my best friend. Sabi ko naman na naka move on na ako ah? Pero bakit ganun pa din kasakit? Hinayaan ko na lang.

Ginawa ko nanaman ang aking daily routine at nagpahatid ulit sa coffee shop para bumili ng paborito kong hot choco at chocolate chip cookies.

Pagkadating ko sa gate, buti na lang hindi pa kumpleto ang barkada, iniintay pa namin si Hoseok. After a few minutes, dumating na din siya. Hindi naman late sa call time.

Pumasok kami sa classroom at nagdaldalan muna sandali. Ang ingay sa classroom since may mga sari-sariling grupo ng magkakaibigan. Ilang minuto lang ay dumating na ang aming prof, at nagsimula na siya magturo.

Lumipas ang ilang oras ay break na. Sabay sabay kaming bumaba para bumili ng snacks. Wala naman masyado nagsalita since gutom ata silang lahat. After ng break ay next subject na and so on. Matapos ang ilang oras ng pag-aaral ay uwian na.

Hindi na nagkayayaan kumain, dahil may pinauwing gawain na agad ang mga prof namin. Pagkauwi ko, nag shower lang ako sandali para fresh sa pakiramdam. Nag may nag notif sa phone ko.

JK: Hi Taehyung!
TH: Hi din Jungkook.

It took him a little time to respond back.

JK: kamusta ka?
TH: im okay hbu?
JK: okay lang din naman.

So ano irereply ko dito. Di naman ako ganung matopic sa chat. Hindi din ako ganun ka daldal.

TH: okay haha

Yun na lang sinabi ko para may mairespond, baka sabihin kasi na seener ako. Hindi ako ganun, except na lang talaga pag may ginagawa ako na importante ay iniinbox ko yung ibang kausap ko.

JK: sorry ang awkward ko kausap.
TH: haha hindi naman
JK: busy ka ba?
TH: hindi naman bakit?
JK: wala lang. gusto ko sana makipagkwentuhan
TH: sure. ano ba gusto mong pagkwentuhan
JK: hindi ko din alam eh hehe
TH: may gusto ka ba itanong sa akin or what?
JK: ilang taon ka na?
TH: naku ilang araw na tayo magkakaibigan, dapat alam mo na yan hahaha
JK: hindi naman kasi ako ganung nakikinig sa mga kaibigan natin eh haha
TH: almost same age lang tayo. one year gap kung hindi ako nagkakamali.
JK: ahhh okay okay. tapos ka na ba sa assignment?
TH: ahh hindi pa ikaw ba?
JK: hindi pa din eh haha
TH: HALA KA SIGE TAPUSIN MO NA MUNA YAN HAHAHA
JK: sige sige ikaw ba?
TH: hindi pa din eh

Ayun hindi niya pa pala tapos yung assignment, pati ako. Binaba ko na ang phone ko at sinimulan ang assigment ko.

After ko matapos ang aking assignment ay nag scroll na lang ako sa social media ko. Napansin ko na online si Jungkook pero hinayaan ko. Nagstalk ako sa accounts ng mga kaibigan ko to know about them a little more since ilang days pa lang kami nagkakakilala. Also sila din kasi makakasama ko buong school year. And hopefully sila na ang maging kaibigan ko this school year.

I have a fear of having friends and hindi ko alam kung bakit. Masyado akong faint-hearted. Mababaw lahat ng emosyon ko. Onting tawanan, grabe na ang tawa ko. Isang scene lang na nakakaiyak, grabe na din ang aking iyak. I have fear sa mga malalaking group of friends or friends in general.

I fear the most is being left out. Na yung kahit anong approach mo, kung hindi ka nila mapapansin at hindi mo din maiintindihan ay wala din. Kahit anong pilit ay sila lang ang nakaka intindi. Dun ako takot na takot.

Hindi naman ako ganung nangangamba kila Seokjin at Jimin. Ang ikinakatakot ko lang ay lumaki ng apat na tao ang aming pagkakaibigan. At baka dumating yung panahon na hindi ako makasabay sa mga kwentuhan nila.

Pero sana hindi mangyari yun. Mukha namang makakasabay ako sa kanila.
Magaan sila kasama.

Lumipas ang ilang araw ay nagiging close na kami. Mas close pa compared sa mga unang araw namin magkakasama.

At sa mga araw naman na iyon ay hindi na din kami masyado nag uusap ni Jungkook since busy ata siya. Feeling ko tuloy nasasaktan ako.

"Napaka rupok selp ah? Nagchat lang sa iyo nafall ka na? Hindi ko naman alam na ganun tayo karupok." sabi ko sa sarili ko, nag overthink nanaman ako.

Baka kasi boring din ako kausap kaya hindi na ulit nag chat. Hinayaan ko na lang pero sa likod ng aking utak medyo nasasaktan ako.

Sa paglipas ng araw, mas nakilala ko sila isa't isa. Hindi naman pala ganun kahirap pakisamahan sila. Sana hindi na mangyari sa akin yung dati. Sana ayus na yung kung sino ako para mafeel ko na ayus lang ang lahat.

"Huy since ilang months na rin tayo magkakaibigan, bakit hindi tayo mag outing or out of the town or stay at home, basta pampatanggal ng stress natin dahil sa walang katapusang reqs ng profs." pag-aaya ni Hoseok. "Wala naman masyadong gawain ngayon saka sembreak naman oh." dagdag pa nito. Walang kaming prof ngayon, absent daw, share ko lang.

"Bright idea yan Hoseok ah. Apaka talino mo talaga" sabi naman ni Jimin sabay tapik sa likod ni Hoseok.

"Sus guys ako lang toh." sabi ni Hoseok.

"Sige, wag na sana tayo lumayo. Para less hassle din" sabi naman ni Yoongi.

"Kung ganun, saan tayo?" sabi ni Seokjin.

"Meron kaming resort na parang vacation house sa may Batangas. Pwede naman dun. Wala namang masyadong tao dun since sembreak, halos umuwi ang iba. Also, wala naman nakatambay dun. Saka minsan lang kami pumunta dun ng fam." sabi naman ni Namjoon.

"Ay taray ang yaman naman po pala" sabi ni Seokjin. "Hindi naman haha" sabi ni Namjoon.

"Pero sure kang ayus lang sa parents mo?" pagtatanong ko.

"Pwede ko naman ipalam. Hindi naman ganun kahigpit sila mom at dad." sabi ni Namjoon. "Kailan niyo ba balak?" saad pa nito.

"Sembreak naman siyempre." sabi ni Hoseok.

"Ilang araw tayo dun?" pagtatanong ni Jungkook.

"Four days and three nights?" pagsagot ni Hoseok.

"Pwede din. Para naman sulit natin yung sembreak." pagsang-ayon ni Jimin.

"Pero syempre kailangan muna natin matapos yung iba sa mga pinagawa ng profs bago tayo gumala." sabi ni Namjoon.

"Sige sige ah. Walang magdadala ng mga assignments or books sa ganap ah? Ang magdala, makikita niyo na lang sa pool yung mga gamit niyo." sabi ni Hoseok.

"Ay grabe siya oh." saad ni Namjoon. "Dalin pa din natin yung iba. Para kung sakali kailangan ng isa ng tulong at may willing naman tumulong edi ayun." dagdag pa niya.

"Sige na nga. Basta wag na masyado madami. Sembreak nga eh. Break from stress and schoolworks." pagpapaalala ni Hoseok.

"Paano nga pala tayo papunta dun?" pagtatanong ko.

"May van kami, baka pwede namang hiramin." sabi ni Seokjin.

"Yun oh. Kaso sino magmamaneho?" pagtataka ni Yoongi.

"Ako na lang since ako naman pinakamatanda at ako pa lang naman ang may driver's license." pagsagot naman ni Seokjin.

"Oh ayan ah set na. Pag kayo nag back out, kakaltukan ko kayo. FO tayo, dejoke. Pumunta kayo ah, minsan lang naman tayo magkaganito." sabi ni Hoseok. "Saan nga pala tayo magkikita kita?" sabi ni Hoseok.

"Sa bahay ko na lang din since sa akin naman manggagaling ang sasakyan." sabi ni Seokjin.

"Sige sige. Chat chat na about sa call time?" sabi ni Jimin.

"Sige sige." sabi ni Hoseok. Pagkatapos magplano ay umuwi na kami at nagpahinga na. Bukas ay weekend naman kaya may oras pa mag-impake at bumili ng mga kailangan para sa out of town. Sana maging masayang balak namin.

magmahal muli | taekook auTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon