TROPA'S OUT OF TOWN
Weekend na. Nagpaalam muna ako sa parents ko para sa ganap namin. Buti naman pinayagan ako, nagconfirm na ako sa kanila na makakasama ako. Naligo lang ako at nagbihis para pumunta sa mall at bumili ng mga kailangan ko para sa ganap namin.
"Kuya dito na lang po. Text na lang po kita kapag tapos na ako. Kain ka muna or uwi ka muna." sabi ko sa driver namin. Bumaba ako at pumasok sa mall.
Sakto lang ang dami ng tao kaya hindi mahirap makabili ng gamit. Inisa-isa ko ang mga lagi kong pinuntahan na stores. I tried some clothes na posible kong suotin para sa ganap namin. Isang color scheme lang para hindi ganun kahirap magpalit palit.
Bumili ako ng mga damit na pang gala and a couple pair of pajamas for the night. Also, I bought my essentials for the trip, like sunscreen and other skin care products. Yung mga maliliit lang binili ko since ilang araw naman kami dun.
Pagkatapos ko bumili ng damit and all, tinext ko ang driver namin na umuwi na kami. Pagkauwi naman ay nag dinner na ako ng maka receive ako ng notification mula sa gc.
HS: GUYSSSSS
SJ: OH?
HS: bukas ah mga 10am kumpleto na ha?
JM: ang aga naman?
HS: oo kasi mahaba pa ang byahe natin kaya
TH: okay okay.
NJ: okay okay. uulitin ko 10am bukas sa bahay nila Seokjin ah. ang malate bahala na kayo pumunta dun.
JK: okay see you guys!I continued eating my dinner. Sana maging masaya itong gagawin namin. After eating dinner, chineck ko ulit yung mga gamit na dadalhin ko tomorrow. Baka kase nakalimutan ako. Nag face mask ako and humiga sa kama. I scrolled through my social media. Nag stalk din ako sa profile ng mga friends ko.
I accidentally like one of Jungkook's past post. Tumunog agad ang phone ko.
JK: Hi Tae!
TH: hi din Jungkook!
JK: excited ka na ba tom?Sana hinayaan niya na lang yun, kasi nakakahiya ng sobra. Tinanggal ko pa rin naman yung pagkalike. Lupa kainin mo na ako jusko...
TH: oo naman. Ikaw ba?
JK: excited din hehe
TH: sana maging memorable itong trip na ito haha
JK: oo nga eh.
TH: see you:))After nung reply ko hindi na ulit siya nag reply. Hinayaan ko na lang kasi baka may ginagawa siya or something. Or baka naman nakalimutan niya hayaan na natin, nakakahiya naman. Sinet ko na ang alarm ko para bukas. Natulog na ako.
First day of sembreak. The day of our out of town. Gumising ako sa alarm ko, I feel refresh. Napangiti na lang ako at nag prepare na. Nagpahatid na lang ako kay kuya driver kila Seokjin since dun nga ang meeting place namin. Buti na lang hindi pa ako nalate. I also did go to my favorite coffe shop along the way, to buy some choco and a sandwich. My breakfast, mahaba haba pa kasi ang byahe namin kaya mas mabuti nang may laman ang tiyan.
Nang makasakay na ang lahat ay umalis na kami. Handa na sa paglalakbay, Namjoon turned up some music para naman malight up ang mood. Naki kanta na kami. Masaya lang kami habang naglalakbay.
Dumating na kami sa vacation house nila Namjoon. Hapon na nang kami ay makadating dahil sa traffic also we had a few stopovers at may mga binili pa kasi kami na kailangan namin. Nang naka settle na at naipasok na lahat ng aming mga gamit, binigyan kami ni Namjoon ng susi. Bawat tao ay may susi, ibig sabihin na bawat tao ay may sarilling kwarto?
"Ngayon guys ang bawat kwarto ay may sariling closet and bathroom. Solo niyo ang kwarto niyo. Also, may wifi naman and may netflix sa TV sa living room. May snacks din tayo and we are packed for the week. From breakfast to dinner, may mailuluto tayo. If you want anything naman, you can ask me, okay?" sabi ni Namjoon.
"Okaayyyyy!" sabi ng lahat. Kanya-kanyang akyat ng mga gamit papunta sa kwarto namin. Ang ganda naman dito, pwede ba dito na lang kami. Mula pa lang sa labas hanggang sa hallway nila ang ganda, ang fresh tignan.
Pumasok na ako sa aking kwarto, at inayos ko na ang aking gamit. Nilagay ko ang aking mga damit sa maliit na closet dito at ang aking mga essentials sa vanity. Namangha ako sa tanawing aking nakikita. Ang ganda naman dito. I took some pictures to treasure the moment, becuase who knows kung babalik pa kami dito.
Nanonood lang ako ng series at nagpapahinga, hindi na pala napansin ang oras. Malapit na pala mag gabi. Bumaba ako at nakita ko si Seokjin sa kusina.
"Tulungan na kita." sabi ko kay Seokjin.
"Salamat" sabi ni Seokjin nang naka ngiti.
Tinulungan ko si Seokjin na mag prepare ng aming dinner since yung iba may ginagawa pa ata. Hindi na namin pinahirapan ang sarili namin sa lulutuin since pagod pa naman kami galing byahe. Nasa kwarto pa ata yung iba, nagpapahinga pa ata.
Natapos na namin lutuin ang dinner namin. Umakyat ako sa mga kwarto nila. Kinatok ko isa-isa ang mga pinto. Simula kay Namjoon hanggang kay Hoseok, mga tulog, napagod siguro sa byahe. Pati si Jungkook tulog na tulog.
Isa-isa na silang bumaba at umupo sa hapag kaininan. Napansin kong wala pa din si Jungkook kaya naman tinawag ko ulit. Kinatok ko ang pintuan niya ngunit walang sumasagot. Pangalawang katok ay biglang lumitaw ang kanyang mukha sa harap ko. Nagulat ako dahil ilang dangkal lang ang lapit niya sa akin. Ang kanyang hinga ay tumatama sa aking mukha. Ano ba itong nararamdaman ko? Mabilis na tumitibok ang aking puso. Agad akong umatras.
"B-bumaba ka na daw sabi ni Jin. D-dinner na daw." nauutal kong sabi.
"Sige wait lang sunod na ako." sabi naman ni Jungkook.
Bumaba na ako, nakasunod naman si Jungkook. Hindi mawala ang pangyayari sa isip ko, at ikinamula ko naman ito.
"Bat ka namumula?" tanong ni Seokjin.
"Ahh, wala yan. Wag mo na pansinin hehe" pagdadahilan ko sabay iwas ng tingin kay Seokjin. Hinayaan na lang niya at umupo na sa dinning table.
Nagsimula na kumain ang lahat. Tahimik ang lahat dahil mga bagong gising at mga gutom na rin.
"Pahinga na muna kayo ngayong gabi since alam ko namang pagod kayo sa byahe natin. Pwede niyo naman kahit anong trip niyo. Bukas tayo magswimming at iba pang ganap." sabi naman ni Namjoon.
"Ako na maghuhugas ng plato." sabi ko naman. Nagsitayo na ang iba upang gawin ang mga balak nila. Sina Seokjin at Jimin ay nanood muna ng series, habang sina Namjoon, Yoongi at Hoseok ay umakyat na sa kanya-kanyang kwarto upang ipagpatuloy ang kanilang pagpapahinga.
"Tulungan na kita." sabi ni Jungkook.
"De, kaya ko naman." I confidently said.
"De sige ako na lang mag pupunas pagtapos mo." sabi naman ni Jungkook.
"Okay sige." pagsuko ko. Lumapit siya sa tabi ko, napaurong ako ng kaunti dahil nabigla ako. Awkward pa din ako sa kanga dahil sa kanina. Agad niyang kinuha ang mga natapos nang banlawan na pinggan.
Natapos na lahat ng mga hugasin at natapos na din punasan at patuyuin ni Jungkook ang mga hinugasan. Sabay na kaming umkyat.
"Goodnight." sabi ni Jungkook.
''Goodnight din! Sleepwell!" sabi ko habang nakalagay ang kamay sa batok.
Pumasok na ako ng aking kwarto at napansandal agad sa pinto. Pinakiramdaman ang dibdib. Parang kinakabahan ako? Pero bakit? Shems eto na ba yun? I just let it be and I just went to the bathroom to wash my face. Pagkatapos ay natulog na din agad ako. Hay naku selp ah, onting guard naman diyan, mamaya mabigla tayo na gusto na natin siya.
BINABASA MO ANG
magmahal muli | taekook au
FanfictionBTS Fanfiction (on going) ------- Si Taehyung ay isang marupok at overthinker na tao. Takot na ulit magmahal dahil sa past niya, ngunit nakilala niya si Jungkook. Handa ba ulit siyang magmahal? Handa ba siya sa mga pwedeng mangyari? Sa mga pwedeng...