two

95 2 0
                                    

THE FIRST TIME I LAID EYES ON YOU

Nagising ako sa tunog ng aking alarm. Pinikit sandali ang aking mga mata at nag unat unat. Kinuha ko ang aking cellphone upang tignan kung anong oras na at anong araw ngayon. Nakita ko naman na first day of school na. Medyo madami pa naman akong oras kasi yung sinet ko na alarm ay maaga ng dalawang oras sa first sub namin.

Bumaba ako upang kumain ng almusal at nakita ko na may nakahanda. Nagluto na pala si mama. Kumain na ako ng breakfast at naligo. Pagkaligo ko ay nagbihis na ako ng uniform na required isuot sa school namin. Nagpaalam na ako kay mama at sumakay na ako sa kotse namin at nagpahatid sa driver. Nag pa drop by muna ako sa isang coffee shop malapit sa school para bumili ng favorite kong coffee.

Pagkabili ko ng coffee ay naglakad na ako papunta sa school.

Pagkapasok ko ng school ay sinalubong ako ng mga kaibigan ko. Sina Seokjin at Jimin. Magkaklase kami kaya sabay sabay na kami pumunta sa room.

"Huy alam niyo ba na may mga bago tayong ma kaklase?" sabi ni Seokjin.

"Ang aga aga chismis agad?" sabi ni Jimin.

"Narinig ko lang naman." pagdedepensa ni Seokjin. Umupo na kami ngayon sa upuan namin at nag handa na para sa first subject namin. Magkatabi si Jimin at Seokjin. Buti na lang homeroom lang. Pagkapasok ng prof namin, agad na tumayo ang lahat para bumati sa aming prof.

"Take a seat everyone. Siguro alam niyo na ibabalita ko sa inyo ngayon ano? Mabilis lang naman kumalat ang balita sa campus eh. Anyways, we have new students. Please treat them as your classmates since kayo kayo ang magkakasama sa buong school year na ito." Lumabas sandali ang prof namin. Pagkapasok niya may mga naka sunod na tatlong lalaki.

"Sila ang bago niyong kaklase." sabi ng prof namin. "Introduce yourself." habol niya.

Ang unang lalaki ay nagpakilala, "Good morning everyone. I'm Yoongi pleased to meet you."

"Good morning Professor. Good morning everyone. I'm Namjoon and it is nice meeting you. I hope we could all be good friends" sabi nung pangalawang lalaki.

"Hi everyone, I'm Jungkook." matipid na sabi ng huling lalaki.Okay, mukhang suplado at mahirap kaibiganin ito.

"Okay take your seat." sabi ng prof namin.

Sinundan ko ng tingin ang huling lalaki, umupo naman ang mga new students sa mga available na upuan. Nagsimula na magsalita ang prof namin ng mga classroom rules. Napatingin na lang ako sa may bintana, mukhang matagal tagal pa ito ah.

Lumipas ang ilang oras, break time na namin. Sabay sabay kaming magkakaibigan na naglakad papuntang canteen.

"Hoy ang gwapo ng mga new students noh?" masiyahing sabi ni Jimin, ngunit bakas sa kanyang tono ang kilig.

"Naku Jimin alam ko na yang balak mo ah" pagbabanta ni Seokjin.

"Ay grabe siya oh. Nagsasabi lang ako ng opinion eh" pagdepensa naman ni Jimin.

Nakikinig lang ako sa kanila at busy ako sa kaka scroll sa phone ko. Hindi ko na namalayan na nasa canteen na kami. Bumili lang kami ng snacks kasi medyo maaga aga pa para mag lunch. Pagkabili namin ay agad din kaming bumalik sa classroom.

Nang pabalik na kami sa room, nasalubong namin ang mga new students. Agad agad lumapit si Jimin sa kanila. Napakamot na lang ako ng aking batok. Hindi ko na rin naman mapipigilan si Jimin, napaka friendly kaya niyan.

"Hobi? Bat kasama mo sila?" nagtatakang tanong ni Seokjin.

"Ahh iniikot ko lang muna sila sa campus haha. Break naman eh" sabi ni Hoseok.

"Hi I'm Jimin. This is Seokjin and Taehyung" sabi ni Jimin, sa aming tatlo ang pinaka extrovert si Jimin. Napakaway na lang ako sa sobrang kahihiyan.

"Hi nice meeting you classmates!" sabi nung Namjoon ba yun? basta yung lalaking may dimple.

"Nice meeting you din." sabi ni Seokjin.

"If may questions kayo with regards the school or anything, don't hesitate to approach us, we'll help you. " sabi ko.

"Ohhh okay thank you." sabi nung maputing lalaki, Yoongi ata pangalan nun.

"Anyways, see you in the classroom. Bye" sabi ni Jimin. Kumaway na lang kami sa kanila.

Lumipas ang ilang oras ay uwian na. Lumapit naman si Seokjin at Jimin sa akin. Nako alam ko na ang balak nitong dalawang toh.

"Uy tara kain naman tayo." sabi ni Seokjin.

"Sige arat." pag sang-ayon ko, nagugutom din ako at parang ang saya na hindi agad umuwi sa bahay. "Ayain natin si Hoseok." sabi ko sa kanila. Kaibigan naman namin si Hoseok kaya hindi masama kung aayain namin siya kumain. Saka first day lang naman kaya wala pang assignments na binibigay. Pinuntahan namin si Hoseok para ayain.

"Hoseok tara kain." pag-aaya ni Seokjin.

"Sige ba. Saan ba?" sabi ni Hoseok.

"Sa dati na lang?" pagtatanong ko. Meron kasi kaming paboritong kainan na kapag after class automatic na dun kakain kasi hindi nakakasawa ang pagkain.

"Sige sa dati na lang. " sabi ni Jimin.

"Oh edi tara na." sabi ni Seokjin. Sabay sabay kaming nag lakad kaso biglang napahinto.

"Teka teka. Ayain naman natin yung tatlong bagong classmate natin. Wala pa silang kaibigan eh." sabi ni Hoseok.

"Sige tara." sabi ni Jimin. Kahit kailan talaga napaka friendly. Pinuntahan namin agad yung tatlong new students.

"Uy Namjoon, Yoongi at Jungkook tara kain tayo!" pag-aaya ni Hoseok sa kanila.

"Sige! Saan ba?" masyang pagtatanong ni Namjoon.

"Basta. Malapit lang naman dito sa school. Saka masarap dun." sabi naman ni Jimin.

"Sige sige tara!" sabi ni Yoongi.

"Tara!" sabi naman ni Hoseok. Sabay sabay na kami naglakad papunta sa pupuntahan naming dessert and drinks shop.

Pagkadating namin ay naghanap na kami ng pwedeng upuan at habang yung iba ay nag order na muna. Paborito namin puntahan itong shop na ito kasi masarap yung mga desssert at drinks na gawa nila. Saka affordable pa ng mga estudyante.

Naka order na ang lahat. Nagkwentuhan na lang muna habang nag aantay at para mas magkakilala pa. At habang nandoon, mas nakilala ko sila at nagkaroon ng palatandaan para mas madali silang maalala.

"Tahimik ba talaga siya?" palihim na pagtatanong ni Namjoon habang tinutukoy ako.

"Ay hindi. Ganyan lang talaga siya kapag may mga bagong nakikilala na tao." sabi ni Seokjin.

Dumating na ang inorder naming pagkain. Natahimik sandali dahil nagsisikain sila.

"Masarap nga!" sabi ni Namjoon. "Oo nga." pag sang-ayon ni Yoongi.

Habang kumakain ay nag pasya sila na magbigayan ng kanilang mga contacts para sakaling gusto mag-usap online. Matapos ang onting kwentuhan ay napag desisyunan namin na umuwi na. Pagkauwi ko ay mag nag notif sa phone ko. "Ano to?" sabi ko sa sarili ko. Binuksan ko ang aking phone at nakita na may bagong group chat. "Agad agad?" napaisip ako, well sabagay nagbigayan nga pala sila ng contact kanina.

TH: ano toh?
SJ: gc malamang
TH: alam ko, i mean para saan itong gc na ito?
JM: ahh bagong gc kasama sila new students
NJ: hi!
YG: HI!
JK: Hi!
TH: Hi din!
HS: Uy sabay sabay tayo pumasok bukas ah?
NJ: sige ba
SJ: sure!
HS: what time saka saan tayo kita kita?
JM: sa gate na lang saka 30 mins before first sub. wag filipino time ah
TH: oo na hahaha sige
YG: okay okay
JK: sige sige see you :))

Pagkatapos nun ay inoff ko na ang phone ko para maghilamos at matulog.

magmahal muli | taekook auTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon