THE START OF SOMETHING
Ayus naman kami, dun sa mga lumipas na buwan, mas naging masaya na siya, bakas na sa mukha niya na hindi na siya ganung apektado sa mga nangyari sa kanya mula nung sinabi niya sa akin lahat ng mga bumabagabag sa isip niya. Napansin ko din ang kanyang pag akto sa akin, ayaw ko naman magbigay ng kahit na anong kahulugan, iniisip ko na lang na ganun siya dahil sa magkaibigan kami at pinagkakatiwalaan niya ako. Napansin niya kaya? O binibigyan niya ng kahulugan yung mga galaw ko kaya siguro naiisip niya na may gusto na ako sa kanya? Layo ba ako? Pagpapatuloy ko ba ito? O aamin na ako sa kanya? Ayaw ko naman, masyado na siyang malapit sa puso ko, na kahit na lumayo siya, lalapit pa din ako kasi ayaw kong mawala siya bilang kaibigan ko. Hayaan ko na lang, papakiramdaman ko muna.
May pasok na uli, kaya naka tambay lang sa room habang nag aantay sa prof, vacant pa naman namin kaya sobrang ingay sa loob ng classroom. Agad kong napansin na parang iba yung ihip ng hangin ngayon, hindi ko alam kung kakabahan ako or dapat ba na lasapin ko toh? Hindi naman ganun ka tagal ang inantay namin at dumating na prof namin.
"Good day class! Settle down." saad ng prof namin. Hindi naman ganun ka tagal ang naging klase namin. Saka hindi naman ganun kahaba yung lecture at lahat pwede naman balikan sa PPT. Pagkatapos din ng klase ay agad kaming lumabas ng classroom, nag tipon muna kami sa isang gilid ni Min at Jin para antayin ang iba. Lumabas naman agad yung tatlo at agad kong napansin, bakit parang hindi ko makita si Kook?
Pinalibot libot ko ang aking paningin, at ayun tumigil ang pag ikot ng mata ko sa dalawang taong magkaharap at magkausap. Parang gusto ko na lang bigla na kalimutan na magkaibigan kami. Kalimutan na may pagtingin ako sa kanya. Mga ngiti na abot hanggang tenga, at hindi lang siya basta ngiti, alam mong kakaiba na ito. Ito ang unang beses na nakita ko siyang ganito. May kausap siya, at mukhang taga kabilang section, at bakas din sa mukha ng taong ito na masaya siyang kausap ang taong mahal ko.
Wala pa din naman akong ginagawa, pero sobrang layo niya na agad abutin. Kung kailan masasabi kong malapit na ako sa kanya, at kung kailan ayus na ang lahat, may darating talagang kaakibat na lungkot.
Tatawagin ko na sana siya, ngunit nauna nang nagawa ni Min ito. "HOY, KOOK! TARA!" Sumenyas siya na "sandali lang" at kaagad na nag paalam sa kausap nito.
"Uy ayus mukha, halata masyado na nasasaktan." sabi ni Jimin. Ganun ba kahalata sa mukha ko yung emosyon ko? Nakatingin din sa akin si Jin, at napatango na lang sa sinabi ni Min, senyas ng pagsang ayon sa sinabi nito. "Malay mo naman matalik na kaibigan nila sa dati niyang school, o di kaya pinsan niya o kilala lang in general." pagdidistract sa akin ni Jin. "True lang. Easy ka lang sa pag-iisip." Alam kong hindi, kasi hindi ganun ang ngiti ng isang tao na pinsan o matalik na kaibigan lang ang kausap.
"Luh sinasabi neto." yun na lang ang nasabi ko.
"Psh Tae, kilala ka na namin. Sinasabi ko lang, wag ka muna mag conclude base sa mga bagay bagay na nakikita o napapansin mo. Oo, sinabi namin ni Jin na observant kang tao, pero hangga't di nanggagaling sa kanya kung ano sila, wag ka muna mag isip isip ng kung ano ano dyan." wow sakit naman na sampal ng truth yun. Totoo naman kasi, nasasaktan na agad ako dito eh hindi naman kami. Tanga lang selp? "Oh ayan na siya. Ayus na mukha." Pagbabala ni Jin.
"Sino yun pre?" pagtatanong ni Namjoon, pagkabalik ni Kook. So hindi nila kaibigan sa dating school? Kasi hindi kilala ni Namjoon, si Yoongi ba? Baka si Kook ang may kaibigan sa kanya sa dati nilang school?
"Basta." yun na lang ang nasabi niya at bakas sa ngiti niya na sobrang saya niya. Agad naman inasar ng tropa si Kook. Nakatingin sa akin yung dalawa, agad akong umiling. "Saan tayo?" sabi ni Kook, isa isa niya kaming tinitignan, nung sa direksyon ko na, agad akong yumuko. Tinutok ko na lang ang atensyon ko sa phone at nagpanggap na nagbabasa na lang ng AU sa twitter, baka sakaling hindi na pansinin yung halatang emosyon sa mukha ko.
"Tara mall na lang tayo." sabi ni Hoseok. Sumang-ayon naman ang lahat, at nagsimula nang maglakad papunta sa parking.
"Ayus ka lang ba Tae?" nagulat ako sa pagkalabit niya sa akin. "Oo naman. Bakit?" Siguro pati siya, nahalata niya na badtrip ako. Fudge, ganun ba ako kahalata?
"Wala lang, tahimik ka eh." sabi niya. So halata nga? Ano ba selp, kailan ka ba matututo na ayusin ang sarili pagdating sa mga bagay na ito?
"Masakit lang ulo ko, baka dahil gutom na din hehe." pagkasabi ko nun, agad ako lumapit kay Min, I intertwined my arms on his. Nagulat naman si Min sa ginawa ko, pero agad niyang nainitindihan kung bakit.
Oo na, alam ko naman wala akong karapatan para maramdaman toh, pero mahirap kasi syempre gusto mo yung tao. Gusto mo na sana maibalik yung parehas na pagtingin. Na gusto mo na sana ikaw na lang din gusto niya, but that is not how the world works. Ayus na din toh, onting sampal naman sa akin na masyado na akong nawiwili sa pagiging close naming dalawa.
Pagdating namin sa mall, nagdesisyon ang tropa na sa foodcourt na lang kumain. Para din daw di na mag away away, more options na din daw. "Sige order na muna kayo, ako na magbabantay ng mga gamit natin dito." sabi ko, at binuksan agad yung phone ko para magbasa, habang sila, isa-isang binababa yung gamit nila.
"Di ka sasabay?" pagtatanong ni Yoongi kay Jungkook. "Hindi, kayo na muna pre. Para may kasabay na din tong si Tae sa pag order." pagsagot niya naman.
"Sumabay ka na sa kanila Kook, kaya ko naman ito bantayan, bags lang naman ito hehe." sabi ko sa kanya. "De ayus lang, sabay na tayo." sabi niya, agad namang umalis si Yoongi at sumunod sa ibang tropa.
Tahimik lang ako na nagbabasa ng AU, eto yung ayaw ko eh. ANG AWKWARD JUSKO! LUPA KAININ MO KO PLEASE! Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin, kaya naman nagpanggap na lang ako na tahimik at pilit na iniintindi yung binabasa ko, kahit wala namang pumapasok sa utak ko. UGH! Ayaw ko na sana siya kausapin, in short gusto ko na lang na umiwas sa kanya kaso kasi nasa iisang friend group lang kami so paano ko siya iiwasan? Paano ko siya iiwasan ng hindi niya napapansin?
Dumating na ang ibang tropa, at agad akong tumayo. "Uy Tae sandali lang." pag sigaw ni Kook. Inantay ko na lang siya, at sabay kami na nag order sa iisang establishment. Natapos ang araw na ganun lang kami, hindi ako ganung nag uumpisa ng usap pero sumasagot naman pag kinakausap niya. Hindi din naman ako ganung kaingay pag nag sasalita sa tropa, tamang tango lang pag sumasang ayon sa mga sinasabi nila. In short hindi ako tulad ng natural kong sarili, pansin na tahimik ako pero hindi naman nila ito ganung ginawang big deal, kasi lahat naman tayo may araw na ganito. It kept like this for weeks so hinayaan ko na lang.
Wala kaming prof ngayon kasi daw may meeting sa office, so busy ako na nagbabasa ng AU, habang ang ibang tropa ay nakakumpol sa isang pwesto at ang ingay ingay. Hindi na muna ako naki halubilo sa kanila, inaya naman nila ako pero tumanggi muna ako at hindi na rin nila ako pinilit. Nakaramdam ako ng kalabit, at nung tinignan ko kung sino yun, si Kook lang pala. Agad niya akong binigyan ng papel na naka tupi, binuksan ko naman ito at agad binasa "punta ka sandali sa rooftop, now" nilingon ko ang paligid kung may nakapansin ba? Sabay na hinanap din si Kook, wala na siya sa classroom so baka nga nasa rooftop na siya.
"Salamat at umakyat ka, kala ko hindi mo pa rin ako papansinin." sabi niya, nasa likod ko pala siya na agad ko namang hinarap. Tahimik lang ako at hindi ko alam ang sasabihin, at siya din naman, nilibot ko ang paningin ko kasi hindi ko alam ang gagawin or sasabihin. Kung may speaker lang para sa puso, siguro kanina pa narinig ni Kook kung gaano kabilis ang tibok ng puso ko. Ano bang meron? Bakit niya ako pinaakyat dito?
"Uhm, kaya kita pinaakyat dito sa rooftop, kasi..." sabi niya. Ang awkward naman neto, at bakit ako kinakabahan? "... gusto lang sana kita kausapin." sabi niya. Nagtaka naman ako sa sinabi niya.
"Tungkol saan?" inosente kong sagot, kahit na may idea na ako kung bakit niya ako gusto kausapin.
BINABASA MO ANG
magmahal muli | taekook au
FanfictionBTS Fanfiction (on going) ------- Si Taehyung ay isang marupok at overthinker na tao. Takot na ulit magmahal dahil sa past niya, ngunit nakilala niya si Jungkook. Handa ba ulit siyang magmahal? Handa ba siya sa mga pwedeng mangyari? Sa mga pwedeng...