nine

44 0 0
                                    

HE CONFESSED

Nagising ako sa liwanag ng araw na tumatama pa sa aking mukha. Bumangon ako at inayos ang aking higaan. Naghilamos na din ako para naman hindi ganung halata na bagong gising. Pagkababa ko naman ay nakita ko ang tropa na kumpleto na.

"Guys kain na!" sigaw ni Seokjin mula sa kusina. Tumayo ang lahat at nagtungo na sa kusina. Umupo na sila at nagsimula nang kumain.

"Since last day na natin dito, free day tayo until 6pm pa naman. You guys can do what ever you want to spend your last day here. You guys can still swim or watch some netflix." sabi ni Namjoon sa amin habang kumakain. "But make sure na kapag lunch time, andito kayo kasi we will eat lunch and before 6pm dapat kumpleto na tayo, para sabay sabay tayo umuwi.

Natapos kami kumain, sila Jimin na ang nagligpir. Umakyat ako sandali sa kwarto ko para ayusin yung mga gamit ko. Niligpit ko na ang mga damit na hindi ko na gagamitin, iniwan ko ang aking pamalit na damit mamaya pagkatapos ko maligo.

Nagpalit ako ng rushguard, gusto ko kasi mag swimming at maglibot dito to take pictures for memories. Halos lahat din sa barkada ay nag swimming, dahil siguro hindi pa ganung tutok ang araw. Lumapit sa akin si Jungkook.

"Tae, ano balak mong gawin after mo mag swimming?" pag tatanong sa akin ni Jungkook.

"Maglilibot lang siguro and take pictures of everything for memories." nakangiti kong sabi sa kanya. Nakita ko sa gilid ng aking mata na nakatingin sa akin si Jimin, hindi ko pinansin at hinayaan na lang.

"Pwede ba akong sumama." Jungkook hesistantly asked.

"Oo naman." I happily responded.

"What time ka ba maglilibot?" he asked.

"Siguro after lunch." sabi ko naman sa kanya.

"Okay!" masaya niyang sabi.

Nagbabad lang ako sandali bago umahon. Naligo na ako at nag-ayos ng aking sarili. Nagsuot ako ng tokong and basic white polo, lastly bandana around my neck and a hat for accessory.

Bumaba ako sa dining, sakto naman mag lulunch na. Umupo ang lahat at naglunch na.

"Seokjin sarap mo talaga magluto." Hoseok complimented.

"Sana all magaling magluto." sambit Namjoon.

"Thank you Hoseok!" sabi ni Seokjin.

Natapos ang lahat mag lunch, nagpresenta na ako na maghugas ng plato. Bigla din nag presenta si Jungkook, hindi ko naman kailangan ng tulog, pero hinayaan ko na lang.

Matapos namang hugasan ang mga pinagkainan, nagpaalam na muna kami sa aming mga kasama.

"Guys labas muna kami!" sabi ko, nasa tabi ko si Jungkook.

"Saan kayo pupunta?" sabi ni Jimin, nakatingin sa akin na para bang hinuhusgahan ang aking pagkatao.

"Maglilibot lang naman. Bakit?" nagtataka kong tanong.

"Ahh wala naman." sabi ni Jimin.

"Ingat guys ha? Make sure na earlier than 5:45pm andito na kayo ha?" pagpapa-alala ni Namjoon sa amin.

"Opo!" sabay naming sabi na parang mga batang sumusunod sa magulang.

"Saan mo gusto pumunta?" pagtatanong ni Jungkook. Naglalakad kami ngayon.

"Hindi ko alam. Basta dun sa lugar na feeling ko tama lang." sabi ko sa kanya.

"Tama lang? Anong ibig mong sabihin?" pagtataka ni Jungkook.

"Tama lang yung sikat ng araw. Tama lang yung hampas ng hangin sa balat. All in all tama lang tignan, pero maganda." pagpapaliwanag ko. "Saka pag naramdaman kong trip ko na, yung feeling na 'uy eto na yung perfect spot'. Ahh basta ang hirap iexplain. Basta ganun." magulo kong sabi.

magmahal muli | taekook auTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon