Red Ribbon
Lahat ng tao ay may kanya kanyang daan na tatahakin. Dinidepende nila ito sa kanilang gusto, pangarap, at mithiin sa buhay. Ang dulo nito'y may katapusan. Pagkatapos, tatahak na naman sila sa panibagong daan upang maisakatuparan ang panibagong minimithi.
May kasiguraduhan.
Sasapul at sasapul kung gugustuhin.
May mga tao naman na dinedepende na lamang ang sarili sa daang patuloy lamang nilang tinatahak. Hindi alam kung ano ang nakaabang sa dulo. Kumbaga sa panang iitsahin mo, wala itong target. Patuloy lamang ang lipad nito.
They choose to go with the flow. They choose not to know where is the dead end. They want it untold for excitement. Para mas thrilling.
Walang kasigaraduhan ngunit may patutunguan parin.
Inayos ko ng bahagya ang unipormeng suot ko. Pinasadahan ko ng tingin ang sarili ko bago kinuha na ang shoulder bag ko.
Lumabas na ako ng kwarto at tumapat sa kabilang pinto na katapat lang din mismo ng kwarto ko.
“Farah tapos kana ba?” tanong ko sa kanya nang kumatok ako.
“Sandali lang ate.” ani niya. Mula sa labas ng kanyang silid, rinig na rinig ko ang pag-humming nito.
Ilang minuto ang nakalipas ngunit hindi parin siya lumalabas kaya walang sabi sabing binuksan ko ang pinto nang padabog.
“Ano ba? Ang tagal mo naman! 10 minutes na akong naghihintay.” angil ko sakanya habang nakapamewang.
Hindi man ito natigilan sa kanyang ginagawa. Prente itong nakaupo sa harap ng salamin habang inaayos ang sarili.
“Ate you should make yourself presentable at all times, like me.”
Ininguso nguso niya pa ang kanyang labi habang nakatingin parin sa salamin ani mo'y nagpapacute.
Napairap ako sa kanyang sinabi ngunit napaisip ako.
Normal naman siguro sa babae ang hindi mahilig sa make up o maglagay ng kung ano ano sa mukha di ba?
Hindi rin naman siguro kabawasan sa isang babae kung hindi siya mahilig maglagay ng kung ano ano sa mukha.
“Maayos naman ang itsura ko ah.” pagdedepensa ko.
Tumayo na ito mula sa kinauupuan at tumingin sa akin.
“Halika na ate baka malate pa tayo.” at nauna na siyang lumabas ng kwarto.
Bakit sa tono ng pananalita niya, parang ako pa yung hinihintay niya? Siraulo talaga.
Pagpunta ko sa kusina, nakita ko si nanay na nagbabalat ng mga mansanas.
“Nay alis na po kami.”
“Sige anak. Pagbutihin niyo sa iskwela.” tango nito sabay ngiti sabay kuha ng panibagong mansanas na kanyang babalatan.
Lumapit ako sa kanya at humalik sa ulo niya. “Mag iingat ka rin nay ah. Wag masyadong magpakapagod.” paalala ko sakanya.
“Opo ma.” lokong sagot nito habang nakangiti. Napangiti rin ako at tuluyan ng lumabas ng bahay.
Nakita ko si Farah na nakahalukipkip habang nakatayo sa labas ng gate.
“Ang tagal mo naman ate. 5 minutes na akong naghihintay dito oh.” ungot nito.
“Ang oa mo naman, nagpaalam lang ako kay nanay.”
“Ang oa mo naman, kung makapagpaalam ka kay nanay parang makikipagsapalaran ka sa ibang bansa. Di na babalik?” pang aasar nito. Tinapik ko ang braso niya.
BINABASA MO ANG
Over the Moon (Ongoing)
RomanceShe is the breadwinner of the family. She does everything without hesitation, just to put everything right where it belongs. She thinks, plans, and organizes every day for the sake of her well-being. She started her day guided by the sun and guarded...