Transferee student
Hindi namin inalintana ni Conny ang pagtakbo mula sa gate ng school hanggang sa makarating kami para sa una naming klase.
Malamig ang pawis ko habang tinatahak ang unang klase. Sa sandaling iyon, ramdam ko ang bawat galaw ng oras. Nakadagdag kaba rin ang tahimik na corridor at mga estudyanteng pinagtitinginan kami mula sa kanilang mga classroom.
Buti na lang at nauna kami sa professor namin na kakapasok lang.
Napapikit pa si Conny sa gilid ko habang dinadama ang upuan dahil sa layo ng tinakbo namin. Ang mukha niya ay parang katatapos lang lumabas ng cr.
Success!
Dumating ang istriktang baklang professor namin na si Prof. Gabes. What a good beginning to start a day.
First stop, research class.
Nilagay niya sa mesa ang kanyang laptop, at iilang papers na nakacompile sa iisang folder.
Nilabas niya rin ang kanyang mahiwagang stick na siyang ipinalo niya ng pagkalakas lakas sa mesa. Tunog ng pagpalo nito ay rinig na rinig namin. Ultimo sa bawat paghampas niya nun, para niya narin kaming nilalatayan sa likod.
"Running like you're in a hurry, are you in a marathon? If you are in a marathon, make sure you win first place. If you're robbing a bank, make sure the CCTV won't get you caught, right Ms. Ignacio and Ms. Viray?"
Lagot!
Ang buong klase ay nakatingin na sa amin.
Napalunok ako kaya't napayuko ako sa kahihiyan habang si Conchita naman ay parang kinukumbulsyon na sa kaba.
“Especially you Ms. Viray. You are one of the students who must emphasize the traits of a role model as a perfect example to her fellowship. Know the significance of your role.”
“I'm sorry sir. It is my fault why Conchita got late. It won't happen again sir.” kita ko sa peripheral vision ko ang biglang pagbaling sa akin ni Conny.
Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa pinagtakpan ko siya o dahil tinawag ko siya sa tunay niyang pangalan sa harap ng klase.
Tumango lang si Mr. Gabes at nagsimula nang magdiscuss.
Sa kalagitnaan ng klase, habang patuloy parin sa pagtalak si Mr. Gabes, napansin ko ang hindi mapakaling si Conny sa gilid ko.
Gamit ang paa ko, inabot ko ng kaunti ang paa ng upuan niya at bahagya itong sinipa. Napalingon naman siya sa akin at biglang natigil sa iniisip.
Binigyan ko siya nang, 'Pwede bang pumirmi ka?' look.
Kaagad naman siyang umayos ng upo at tumingin sa lecture na sinulat ni Mr. Gabes.
Baka mamaya mapagalitan na naman siya nang professor na ito.
Pagkatapos ng research class, sabay sabay na nagsitayuan at nagsialisan ang iba naming kaklase.
Natigil ako sa pag aayos nang magsalita si Conny.
"Nagtext sa akin si Trace. Punta kana raw sa meeting niyo."
Shocks! I almost forgot, may meeting nga pala kami ngayon.
Nakita naman niya ang hindi maipintang reaksyon ko tila may isa pang bagay na iniisip.
"Don't worry, magkaklase parin naman tayo sa next subject, sabihin ko na lang na di ka makakaattend. Siguro sabihin ko narin na you're not going to attend any of their classes."
BINABASA MO ANG
Over the Moon (Ongoing)
RomanceShe is the breadwinner of the family. She does everything without hesitation, just to put everything right where it belongs. She thinks, plans, and organizes every day for the sake of her well-being. She started her day guided by the sun and guarded...