Chapter 3

22 2 0
                                    

Visitor



Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Baguhan nga dahil hindi ito naka uniform.

“Saan ba ang punta mo?”

“Registrar.” He's wearing jeans and black shirt with his athlete bag hanging on his left shoulder.

“Halika na, ihahatid nakita.” Baka kung ano pa ang mangyari at magkagulo ulit.

Hindi ko alam kung anong ginawa niya at nagawa niyang gambalain ang mga nanahimik na ispiritu sa katawan ng mga students ng Kolehiyo de Poblacion.

Halos lahat ng mga estudyante nagawa niyang palabasin sa kanilang mga kwadra na nagmistulang parang mga baliw na takas sa mental at walang ginawa kundi magsisigaw, tumili, at magtatatalon sa kilig dahil lang sa nakita nila yung lalaking iyon.

Grabeng grand entrance! Tsk.

Matapos ang pangyayaring iyon, samu't saring sermon ang natamo ko sa mga teachers and college professors ng iba't ibang building dahil sa nangyari. Mabuti na nga lang at walang nasaktan dahil maaring may masaktan mula sa stampede kung ito'y mangyari ulit.

Paulit ulit rin akong nagpaumanhin, kasama ang ibang officers. Para kaming bumalik sa pangangampanya dahil inisa isa namin ang classroom sa buong school upang magpaliwanag at humingi ng pasensya dahil sa nangyari.

Aaminin ko, iba ang behavior ng mga estudyante ng Kolehyo de Poblacion kaysa sa ibang school sa buong Rizardon.

Binansagan ang school namin na, 'worst school' dito sa lalawigan ng Rizardon dahil sa puro pasaway at not well-mannered raw ang mga students ng Poblacion.

Hindi ko alam kung sino ang nagpakalat nun pero epektibo iyon dahil halos lahat ng tao dito sa Rizardon ay iyon ang tingin sa eskwelahan namin.

May mga magulang parin ang pinag eenroll ang kanilang mga anak dito. Ganun din ang ibang mga kabataan. Pero nang tinanong sila kung bakit gusto nila dito mag aral, wala naman daw sa listahan at sa plano nilang mag aral dito. Kailanman ay hindi daw nila binalak na mag aral dito.

No choice raw.

Sa totoo lang, bilang isang mag aaral na anim na taon nang nag aaral dito, nakakainsulto iyon. Hindi man nila inaalam ang tunay na komunidad sa loob ng Kolehiyo de Poblacion. Hinuhusgahan kaagad nila ang isang bagay dahil sa pekeng impormasyong nalaman nila. Nababalutan ang kanilang kaisipan ng kasinungalingan at mas pinipiling nakapiring ang mga mata upang hindi makita ang katotohanan.

"Okay class dismiss. Ingat kayo sa pag uwi niyo." paalam ni Ms. Liwag habang nakangiti sa amin sabay alis.

Pagkatapos ng nangyari kaninang umaga ay nagdesisyon na kaming bumalik sa kanya kanya naming klase. Humingi rin ako ng tawad kila Trace at iba pang officers for what happened.

I'm the president and I'm also responsible for them. If I failed, I might just dragged them with me, and I don't want that to happened. Alam kong kapalpakan ko, kapalpakan rin nila pero ayokong nadadamay sila. I don't want other people to put the blame on them especially if the mistake was committed by me.

Isa isa kong nilagay ang gamit ko sa bag ko. Hindi ko kaklase si Conny sa last subject pero sinabihan niya akong kaninang break na sabay kami umuwi. Ewan ko ba sa babaeng yun, lagi man kaming sabay umuwi pero lagi parin niyang inaanunsyo sa akin yun.

Bago pa man ako lumabas ng classroom ay rinig ko na ang hiyawan at tilian sa corridor lalo na't nakabukas ang pinto.

Pagalabas ko ng ko ng room ay naaninag ko kaagad ako grupo ng mga babae na kinakausap ang bagong saltang estudyante.

Over the Moon (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon