Violation
"Gia punta tayo sa Siebel mamaya."
Nilagay ko sa hapag kainan ang tortang talong na niluto ko at sinunod ang sinangag.
Gumising ako ng alas singko ng umaga para makapaglinis at makapagluto ng almusal. Hindi pa lumilitaw si Miss Sun ay bumangon na ako para maghanda.
Nakaipit sa pagitan ng balikat at ng tainga ko ang cellphone ko habang kumukuha ako ng plato at ng nga kubyertos.
Biyernes ngayon at wala kaming pasok ni Conny. Magandang schedule ito para sa amin. Maliban sa parehas kaming walang klase tuwing Biyernes, kasunod nito ang Sabado at Linggo. Which make it three days straight, our rest days in a week.
"Mamimitas kana naman ng mga prutas dun?" tanong ko habang inaayos sa mesa ang mga plato at kubyertos.
"Libre naman." Rumehistro sa isip ko ang nakangusong Conny. Hindi ako sang ayon sa katwiran niya.
Hindi ko alam kay Conny kung bakit trip niyang mamitas ng prutas sa Siebel.
Siebel is a farm of fresh fruits. Isa ang Siebel farm sa mga nangungunang farm na nag aangkat ng mga sariwa at masasarap na prutas na siyang dinidistribute sa buong Rizardon.
"Kapag ikaw nahuli nako, malalagot ka."
"Eh kaya nga sasamahan mo ako eh, para may look out." Baliw talaga itong babaeng to.
"Hindi kita sasamahan, saka pupunta ako ng school."
"Bakit?"
I think she's forgetting something.
Hindi ko sinasabi ang linyang ito dahil hindi naman kailangan and I don't want to looked intimidating, lalo na sa mga kaibigan ko.
It seems like Conny is still clueless dahil mukhang hinhintay niya parin ang sagot ko.
"I am the president remember?" I felt uneasy a little bit while I said it.
Grade 12 ako nang tumakbo ako sa posisyong president ng Student Council. Hinikayat ako ng mga kaklase at ng mga guro ko na tumakbo dahil nakitaan nila ako ng potential sa pagiging presidente dahil naging saksi sila kung paano ko displinahin ang section kung saan ako kabilang.
Halos lahat ay babaeng mga estudyante ang nanghikayat sa akin because of how brave I am.
I used to be their protector if they got bullied by students in the higher batch. They get teased and sometimes, harassed by male students. Some of them got expelled because of me. I reported them, of course. Hindi ko hahayaan na may estudyante ang mabully.
"Ay oo nga pala. Sige ako na lang, bye!" at nauna na niyang pinutol ang tawag. Sandali akong napatango sabay iling.
Handa na sana akong puntahan ang kwarto ni Farrah nang makita ko ito sa sala at naghahanda na sa eskwela.
"Good morning ate." bati nito na siyang pagbati ko rin pabalik.
"Gising na ba si mama?" tanong ko habang pinapanood siyang inaayos ang bag niya.
"Tulog pa siya. Hindi ko na ginising dahil kailangan niya ng pahinga." saad nito.
Siguro dalhan ko na lang si nanay ng almusal sa kwarto niya. Tinignan ko ang oras, 6:30 na ng umaga.
"Ate..." Simula nito sabay subo ng pagkain niya.
"Nasabi mo na ba kay nanay yung plano mo?"
Naikwento ko kagabi sa kanya na balak kong maghanap ng trabaho para makatulong sa gastusin dito sa bahay at para hindi na rin kumayod sa pagtatrabaho si nanay dahil ayaw ko ng maulit pa ang nangyari sa kanya.
BINABASA MO ANG
Over the Moon (Ongoing)
RomanceShe is the breadwinner of the family. She does everything without hesitation, just to put everything right where it belongs. She thinks, plans, and organizes every day for the sake of her well-being. She started her day guided by the sun and guarded...