Need
Lumabas ako ng guidance office ng nakangiti. Mas lumapad ito ng makita ko si Conny. Sinalubong ko kaagad siya ng yakap.
Hindi maalis sa mukha ko ang kasiyahan dahil sa sinabi ni Isaiah.
Bahagyang napangiwi si Conny sa ikinilos ko at bahagya siyang kumalas sa pagkakayakap ko sa kanya. "Ano nangyari sayo? Okay ka lang?"
Conny's face has been filled with curiosity and I understand dahil hindi ko talaga mapigilang ngumiti.
Maraming nagsasabi na wala ng pag asang mabago ang Poblacion. Puro panlalait at paninira ang ibinabato ng ibang tao sa school namin dahil lang sa mga impormasyong narinig nila. Pero hindi na ngayon.
Magkakaroon na ng sinag na siyang magbibigay liwanag sa Poblacion. Sa wakas!
Panibagong opurtunidad, panibagong hakbang para sa pagbabago. Kaya't hindi ko ito sasayangin at palalagpasin. Kailangan magkaroon kami ng magandang impresyon sa mayor upang hindi siya magsisi sa pagpili sa eskwelahan namin upang pondohan para sa ikagaganda ng Poblacion.
"Huy! Ano bang ginawa sayo ng Isaiah na yun at bat nagkaganyan kana?"
"May magandang balita siyang sinabi sa akin. Bibisita rito ang mayor sa susunod na buwan."
Ngiti kong saad sa kanya pero hindi man lang ito ngumiti. Sa halip, kumunot ang noo nito.
"Ano namang masaya kung pumunta siya dito? Hindi ba't dapat kinakabahan ka kasi mayor ng Rizardon ang bibisita."
So what if he's the mayor if Rizardon? I shouldn't be intimidated. Oo, siguro may konting kaba dahil ito ang unang beses na bibisita siya sa school namin pero hindi dapat ako magpakain sa kaba. Kailangang maimpress at mapatunayan namin kay Mayor Guevarra na mali ang balitang isinisiwalat at maling pagpaparatang ng iba sa Poblacion.
"Konti pero wala dapat. Tandaan mo, takot at kaba ang maaring maging kalaban mo sa hangarin mo. Kaya wag ka magpapadala. Walang masamang magpatuloy basta't malinis ang hangarin at intensyon mo."
"Wow! Bongga!" sigaw ni Conny habang pumapalakpak pa. Malakas ito. Palibhasa, malakas ang loob dahil kaming dalawa lang ang nasa corridor ngayon.
Papalabas na kami ng school ng naabutan namin si Farrah at Rio sa tapat ng fish ball vendor.
"Eh ayoko niyan. I'm not eating those bread on a stick that came from the church." ani ni Rio habang umiiling.
Came from the church?
"Fish ball kaya to. Pinagsasabi mo?" irap ni Farrah sabay kain ng limang fish ball na nakatusok sa stick niya.
"Limas agad." ngiwing saad ni Rio.
Hindi ito pinansin ng kapatid ko at isinawsaw pa sa suka ang kikiam. Inalok niya ito kay Rio.
"Manlilibre kana nga lang, dito pa." si Rio.
"Tse ang arte m–"
Natigilan ito sa kanyang sinasabi nang biglang sinubo ni Rio ang kikiam ni Farrah.
Napangiwi pa ito habang nginunguya ang kikiam. Hindi ko alam pero siguro dahil mainit iyon.
"Bat di mo hinipan? Gutom kaba? Napaso ka tuloy." ani ni Farrah sabay abot kaagad ng tubig kay Rio.
Tinignan lang siya nito ng masama matapos uminom ng tubig.
"Bat di pa kayo umuuwi?" tanong ni Conny. Hindi ko na sana sila papansinin at dire diretso na lang pero itong si Conny, tsk.
"Hi Gia." napakunot ako kay Rio ngunit kaagad na ngumiti rin. Tumango lang ako at binalingan na kaagad si Farrah.
"Ate, hindi pala kaagad ako makakauwi dahil may dadaanan pa kami ni Rio."
BINABASA MO ANG
Over the Moon (Ongoing)
RomanceShe is the breadwinner of the family. She does everything without hesitation, just to put everything right where it belongs. She thinks, plans, and organizes every day for the sake of her well-being. She started her day guided by the sun and guarded...