Familiar
"That would be all, thank you for all of your hard work. Goodluck." Miss Dimaano smiled and left the student council office.
About the announcement, out of sight muna kami sa student council dahil palapit na ang exam for prelims at gusto ni Miss Dimaano na mag-focus muna kami doon. Kaya all-day-present ako sa lahat ng klase ko. Wala akong ginawa kundi mag-take down notes, gumawa ng sariling reviewer, at ubusin ang oras sa library kapag vacant para magbasa at maghanap ng other resources for knowledge.
Ngunit nandoon parin ang responsibility ko as the president. Minsan ay nakakapanita ng mga students sa gitna ng pagre-review.
Ilang araw na akong walang tulog dahil bukod sa pagre-review, hinahabol ko rin ang mga deadline of submission para sa mga projects, activities, at worksheets na hindi ko pa nagagawa. Ayoko naman mamarkahan ang subject ko ng 'INC' or incomplete.
"Ano nangyari? Bat ka may black eye?" Dory faced me worriedly but her eyes tells the otherwise.
I gave her a tiring look. Pumikit ako ng mariin nang humikab ako.
"If hindi mo na kaya, sabihin mo lang sa akin, okay?" she smiled as she opened a bar of chocolate and gave it to me.
"Para saan to?"
"Pangpa-gising." she smiled.
"Thanks." ani ko at kinagatan ang chocolate bar. I really need this to boost my energy especially now that I have to work.
Later on, as soon as my shift goes, Dory checked me again if I was okay. I said 'yes'. Kahit papaano'y nakatulong ang chocolate bar na binigay niya sa akin. Kayang kaya ko pa.
Kapag walang customer na bumibili, sinisi-segway ko ang pag-aaral.
"Alam mo Gia, I adore you so much." napatingin ako sa kanya nang nagsalita siya sa gitna ng aking pagbabasa. "Kasi you're a student, council president, and an employee. Wala na akong masabi, ang sipag mo."
"Salamat. Kailangan eh." Ayokong pasanin ni nanay lahat ng responsibilidad para sa pamilya.
"Hindi kaba napapagod?"
Pagak akong tumawa sa tanong niya saka ako napatingin sa mga palad ko. Honestly, nakakapagod. From school, being a student and a council president of college students, it's already tiring especially if they're not acknowledging your efforts. Then going to work after classes, the exhaustion is so to the maximum level!
Kaya't kung minsan ay tumatanaw ako sa mga magagandang tanawin. It makes me calm and refresh my mind.
"Yes, it's tiring but if your eager and determined in what you are doing, you'll be fine. I don't do this because I have to, I do this because someone believes in me." I smiled.
"Ganda ng sagot! Mukhang may something," tinignan niya ako nang makahulugan.
"Anong something?"
"Alam mo, hindi mo magagawa yan kung wala kang inspirasyon." aniya sabay tusok sa aking tagiliran kaya't mabilis akong napalayo sa kanya. "Sino ba yan?"
"Wala."
"Wala? Yung totoo, i-chika mo na."
"Yung family ko. Si nanay at si Farrah. Okay na?"
"Sure kana dyan? Wala ka nang gustong i-dagdag? Wag kang magtipid, bigay kapa, dali!"
"Sila pa nga lang."
"Damot mo naman." ungot niya sabay hablot ng strawberry sandwich at saka walang abisong binuksan iyon at kinain.
"Hoy! Charge yan sa suweldo mo."
BINABASA MO ANG
Over the Moon (Ongoing)
RomanceShe is the breadwinner of the family. She does everything without hesitation, just to put everything right where it belongs. She thinks, plans, and organizes every day for the sake of her well-being. She started her day guided by the sun and guarded...